Chapter 30:Baby

18 1 0
                                    

  WARNING THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENT, READ YOUR OWN RISK!!

CHAPTER 30

Jimin's p.o.v

Sobrang dilim ng awra ni yoongi, hindi ako makapag salita at hindi ko rin maintindihan, ang alam ko lang ay papa nya ang nasa banyo.

Nung umalis sya ay sinundan ko sya at nakita kong pumasok din sa banyo ang lalaki at sinundan si yoongi, hind naman ako pwede pumasok sa banyo ng lalaki kaya nanatili ako sa labas at sumandal sa pinto habang nakikinig sa mga sigaw ni yoongi.

'' Magpahinga kana,'' walang emosyon nyang sabi at lumabas ng kotse.

Naglakad na ako papasok ng bahay nya, nakita kong tulog na si mama sa folding bed na nasa sala. tahimik kaming naglakad patungong kwarto.

'' Yoongi---'' tawag ko sa kanya.

Nanatili syang tahimik, nanood lang ako habang hinuhubad nya ang coat at polo nya. hindi ko alam kung anong dapat kung gawin, pumunta akong banyo at natanggal ng make-up ko.

'' Akala ko magiging best night 'to, first time namin mag dinner date. memorable dapat kaso hindi naging masaya,'' bulong ko at napabuntong hininga.

Nagbihis ako ng pantulog, sobrang tahimik ng mundo. pati ako nalulungkot dahil alam kung hindi ok si yoongi, binuksan ko ang lampshade sa side table at pinatay ang ilaw. tumabi na ako kay yoongi at sumandal sa headboard.

'' Yoongi...'' tawag ko.

Hindi pwedeng wala akong gawin.

'' Yoongi, uy---'' tawag ko sa kanya at hinawakan ang balikat nya.

Narinig ko ang hikbi nya, mas lalo akong nalungkot pakiramdam ko ay iiyak na rin ako.

'' Jimin...'' aniya, humarap sya sakin at niyakap ang hita ko

'' Shhh...'' bulong ko at hinagod ang balikat nya.

Pinatong nya ang ulo nya sa hita ko, hinayaan ko syang umiyak.

'' Pinangako ko sa sarili ko, hinding hindi ako tutulad sa tatay ko,'' sabi nya habang humahagulgol.

'' Hindi naman eh.. hindi ka ganon,'' bulong ko at sinuklay ang buhok nya gamit ang mga daliri ko.

'' Jimin... hindi kita susukuan at wala akong balak na hayaang mawala kayo sakin, dahil kayo lang ang pamilya ko. jimin, walang-wala ako...mukha man akong successful na tao pero wala akong pamilya...jimin wala akong pamilya,'' sabi nya at patuloy parin sa pag-iyak.

Napabuntong hininga ako at hinimas himas ang likod nya.

'' Pero yoongi... tatay mo parin sya,'' bulong ko.

'' Yun nga, ang hirap tanggapin na sya ang tatay ko. sa dinami dami ng tao. bakit sya pa?''

'' Pagsubok lang 'to, alam kong sobrang hirap, sobrang sakit. yoongi. paano gagaan ang loob mo kung hindi mo pakakawalan ang galit at sakit na naramdaman mo?'' tanong ko habang patuloy parin ang paghagod sa likod nya.

'' Jimin... ang hirap... ang hirap magpatawad, gusto ko nalang na mag kalimutan na lang kami at isiping kahit kaylan hindi kami nag kakilala,'' bulong nya.

'' Hindi naman uubra yun, yoongi naging malakas ka at naging matatag ka dahil sa papa mo. iniwanan ka nya at natuto kang tumayo sa sariling mga paa mo,'' sabi ko.

He sighed, '' I know, pero hindi ko matanggap. sobrang selos na selos ako sa bago nyang pamilya na nakakatanggap ng pagmamahal at aruga nya,''

'' Yoongi, nandito lang ako, kami. mahal na mahal ka namin ni baby boy mo at ni mama, habang buhay kitang mamahalin at aalagaan. kung hindi mo man nakamit noon, hindi pa huli ang lahat para hindi mo 'yun makamit ngayon, hangga' t nabubuhay tayo kaylangan natin lumaban,'' sambit ko.

**My Professor Obsession**(Yoonmin)Where stories live. Discover now