Chapter 33:Hard To Get

18 0 0
                                    

  WARNING THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENT, READ YOUR OWN RISK!!

CHAPTER 33

Yoongi's p.o.v

Paggising ko ay wala na si jimin sa tabi ko. tumingin ako sa wallclock.

'' 9 am na?'' bulong ko at kinusot ang mga mata ko.

Bigla kung naalala yung sing sing. pwede na kami mag-dinner ulit at mag propose ako sa kanya.

Tinignan ko sa cabinet ang coat na sinuot ko nang gabing mag popropose sana ako pero wala doon.

'' Sh*t, oo nga pala binagsak ko dito--'' tumingin ako sa study table.

Biglang gumuho ang mundo ko.

'' Patay! baka makita ni jimin 'yun!'' bulong ko.

Nagsuot ako ng t-shirt, pumunta ako sa kusina at tinignan ko ang basket na lalagyan ng maduming damit namin, napanganga ako ng makitang walang laman iyon.

'' Oh? gagamit ka ba ng banyo?'' tanong ni jimin at lumabas ng banyo.

Napalunok ako. kabadong-kabado na ako, hindi kaya nakita nya at nagkukunwari lang syang walang alam.

'' M-may nakita ka ba sa coat ko?'' nauutal kong tanong.

'' Coat? alin ba? yung black?'' tanong nya at kumuha ng tubig sa ref.

'' Oo oo! 'yun! nasaan' yun?'' balisa kong tanong.

'' Ahhh... nasa laundry na---''

'' ANO?!'' sigaw ko at napaluhod.

'' Hala! bakit may lamang pera ba 'yun? hala!'' aniya.

Tinignan ko sya, so hindi nya pa alam.

'' Sorry, yoongi! tulog ka pa kase kanina! holiday ngayon at wala kang pasok at saka hindi ko na kayang maglaba dahil nga malaki na ang tyan ko at si mama nagpunta---'' hindi ko na sya pinatapos sa pag papaliwanag.

'' YAAAAAWAAAA!'' sigaw ko at nagmala narutong patakbo palabas ng bahay.

Nasa kanto ng subdivision namin ang laundry, kaya malapit lang.

'' YOONGI!'' sigaw ni jimin pero hindi ko sya pinansin at nagtatakbo papuntang laundry shop.

'' Kuya yoongi--'' babatiin sana ako ng anak ng may-ari ng laundry shop pero agad akong nag-trespass at pumasok sa loob ng laundry nila.

'' NASAAN YUNG DAMIT NA BINIGAY NI JIMIN!'' hiyaw ko at tinignan isa-isa yung mga plastic na nandon.

'' IHO! ANO KABA!'' sigaw ng isang matanda sakin.

'' PASENSYA NA PO! MAY HINAHANAP LANG PO!'' sabi ko habang patuloy sa paghahalughog.

'' Si jimin? yung babaeng buntis?'' tanong ng anak ng may-ari.

Agad akong tumango.

'' Nakasalang na sa washing machine, bakit---''

Agad akong nagtatakbo sa washing machine at binuksan iyon kahit umaandar pa, biglang tumalsik sa muka ko ang tubig na may bula pa dahil sa pagikot ng tubig sa washing machine.

'' Peste!'' bulong ko at agad na hinila ang mga damit, hinanap ko ang coat ko

'' NASAAN NA 'YUN!'' sigaw ko habang patuloy sa paghalukay sa washing machine.

Nag ning-ning ang mga mata ko nang makuha ko ang coat, agad kong tinignan ang bulsa at muli akong kinabahan ng makita kong wala na itong laman.

'' YOONGI! ANO KA BA?!'' rinig kong sigaw ni jimin, bakas sa boses nya ang galit.

**My Professor Obsession**(Yoonmin)Where stories live. Discover now