Chapter 13

19 4 0
                                    

Chapter 13

NAKATAMBAY kami ngayong dalawa ni Kalvin dito sa Labas dahil parehas kaming vacant na dalawa, isasama ko sana si Sadie kaso alam kong lalandi lang naman yun kaya hindi na lang. 'tsaka kasi sabi niya sa akin ay may plano daw siya ngayon, Sigurado na namang makikipagsex na naman siya kung kanino.

"Hoy anong iniisip mo d'yan?" biglang siko sa akin ni Kalvin kaya naman sinamaan ko siya nang tingin.

Ang sakit kaya nang pagkakasiko niya sa akin. Akala niya naman babae siya, ang lakas-lakas kaya nang katawan niya. feeling ko minsan bakla itong si Kalvin dahil palagi siyang maingay, walang tigil ang pagdadaldal niya lalo na kanina sobrang ingay niya talaga.

"Wala 'no." sabi ko na lang sa kaniya at ininom yung soft drinks na binili niya sa loob ng 7/11.

"Wala pero tulala? Ano 'yon?" sabi niya kaya naman umiling nalang ako.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag inom ng soft drinks hanggang sa maubos ko ito, Ang sarap ng soft drinks na binili ni Kalvin parang gusto ko tuloy mag pa stock ng ganoon sa bahay. Kung papayagan ako ni Daddy.

Habang nagke-kwentuhan kaming dalawa ni Kalvin ay may bigla namang lumapit sa amin na lalaki, Sino naman kaya ito? Ano kaya ang kailangan nito? Nagtinginan kaming dalawa ni Kalvin at bago tumingin sa lalaki ulit.

"Ahm hi? hindi mo ba ako naaalala?" Tanong noong lalaking lumapit sa amin.

Nagtinginan ulit kaming dalawa ni Kalvin at parehas nakakunot noo, Sino ba sinasabi niya? ako or si Kalvin? Parang pamilyar siya sa akin, Saan ko nga ba siya nakita ulit? hindi ko maalala eh.

"No, who are you?" Tanong ko sa kaniya.

"Ako yung lalaki na nagsabi sa'yong bobo noong nakaraan, Pasensiya kana miss ah?" he said at yumuko pa ito sa akin.

Naalala ko na siya yung lalaking nagsabi sa akin na bobo noong unang pasukan, Lasing rin ako noong araw na 'yon. Hindi pa rin alam ni Mommy na uminom ako noong araw na 'yon, si Daddy lang nakakaalam 'tsaka si Sir Azrael.

"Naalala ko na, But It's okay tapos na." Usal ko sa kaniya at tinapik ko pa ang balikat niya.

"Anong meron?" takang tanong sa akin ni Kalvin.

Shit! nakalimutan kong nand'yan pala siya. Tumingin ako sa kaniya at umiling. Ayaw kong malaman niyang naaapektuhan ako noong araw na unang nagkita kaming dalawa, wala na rin naman kasing kwenta ang bagay na 'yon.

"Ahm Miss, pwede ko bang makuha yung Facebook or number mo man lang?" Tanong sa akin nung lalaki.

Nagulat ako noong una dahil, bakit kailangan niyang makuha ang phone number ko at Facebook? Anong gagawin niya? Pero mas nagulat ako dahil sa sinabi ni Kalvin.

"Pre, nakikita mo bang nandito 'yong boyfriend? hindi ka man lang nahiya." biglang sabat ni Kalvin kaya ikinagulat naman noong lalaki.

Sinapian na naman siya nang pagiging abnormal niya, Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Siguradong kailangan niya akong ilibre ngayon, Gusto kong matawa dahil ililibre na naman ako ni Kalvin. Siya rin mismo ang gumagawa nang paraan para siya yung manlibre sa akin. Pag-iisipan ko na kung anong ililibre niya sa akin.

"Pasensiya na po, akala ko pa kasi magkaibigan kayong dalawa." usal nung lalaki bago umalis.

"Gago ka talaga kahit kailan!" tumatawang sabi ko at hinampas si Kalvin.

"Tawang-tawa ka na naman 'no? Feeling ko mauubos lahat ng allowance ko dahil sa'yo." nakabusangot nasabi niya sa akin habang masama ang tingin pa rin.

READY TO LOVE AGAIN | ✓ Where stories live. Discover now