Chapter 2

2 0 0
                                    

Kakatapos lang naming kumain at nakatambay kami ngayon sa National Book Store namimili kami ng librong babasahin at mga Art Materials kaso yung isa bagot na bagot wala kasing hilig si Farziya sa libro kaya ang gaga umupo sa upuan ng counter hindi namin alam kung paano niya napapayag yung lalaki sa counter basta nung binalingan namin sya ng tingin sya na yung nakaupo roon na animo'y manager.

"Eto na lang kukunin ko konti lang" sabi ni Colline nung nakapili sya napatawa ako kasi isang basket na puno ng wattpad books ang napili nya

"Konti ka dyan bawasan mo yan mauubos allowance mo nyan" sabi ko at pinatatanggal ang iba.

Mayaman si Colline at si Lilly lalo na rin si Farziya kagaya ng ama ko ay nakatapos rin ng pag aaral ang mga magulang nila.

Ang tatay at nanay ni Colline ay isang Business Man/Woman sila ang may ari ng isang Mall at limang restaurant habang ang tatay ni Lilly ay isang Engineer at isang Architect naman ang nanay nya naging kaibigan daw ni ina ang nanay nya nung College sila.

Si Farziya naman ay isang Congressman ang tatay nya at isang Doktor ang nanay nya.

"Tara mag bayad na tayo" yaya ni Lilly na puro Art materials ang binili at isang libro. Hindi ako bumili ng libro Art materials na rin ang binili ko.

Pumunta kami sa counter at naroroon pa rin si Farziya. Binayaran namin ang pinamili namin at lumabas na tumingin ako sa relo ko at laking gulat ko na 3:25 na ng hapon

"Shocks!"sabi ko at napatingin sila sakin kinuha ko ang phone ko at pinakita sakanila ang oras

"Oh sya Tara tara"bilis na yaya nina Lilly at Colline at sumunod kami sakanila.

Nakarating kami sa isang food court at umupo kami sa pinaka dulo na nasa corner banda.

Alam kasi nila ang oras ng pag sasalah ko at sa tuwing ganito ang sitwasyon ay sinasabayan nila ako para hindi ako magmukhang tanga.

"Oh start na ready na kami" sabi ni Colline na nakaupo sila sa silya kagaya ko at nakaharap ako sa direksyon kung saan lulubog ang araw habang sila ay nagharap harapan.
Sinimulan ko na ang pag sasalah.

Habang nagsasalah ako ay nakarinig ako ng grupo ng kalalakihan na tumatawa.

"Hey couz ano ginagawa nyo?" Tanong ng isang lalaki

"Hoy Lauvier wag kangang mag ingay dito" sigaw naman Lilly. Shet nawawala na ako sa focus hindi ko na lang sila papakinggan.

Natapos na rin akong mag salah at hinarap ko sila nagulat ako ng nakaduko parin sila habang tumatango

"Hoy tapos na" sigaw ko na ikinagulat nila
Tumayo kami at umalis na food court habang lumalakad kami ay nagsalita si Farziya

"Hoy Lilly sabi mo wala kang pinsan?"

"Oh tapos magpapareto ka nanaman dun? Hay nako Farziya style mo talaga" sabi ni Lilly na umiiling pa

"Gwapo pa naman nun may lahi ba yun?" Usisa ni Colline na halatang may crush dun sa pinsan ni Lilly

"Mama 'nun half american half koreano kaya medyo singkit yung tatay nya syempre kapatid ng nanay ko kaya may lahi ring hapon" explain nya.

May lahi talaga silang hapon kaso hindi sya mukhang hapon nakita ko na ang ilan sa mga pinsan nya sa mother side at masasabi kong sya ang naiiba sa lahat kasi sya hindi mukhang hapon mukha syang may pag ka americana may lahi rin yung tatay nya. Yung lola nya sa Father side ay half american kaya siguro ganun.

"Ako na lang reto mo Lilly" suggest naman ni Colline kaso si Lilly biglang tumawa kaya napatawa na rin ako

"Hindi kayo bagay nun HAHAHHA....Sakristan yun sa simbahan HAHAHAHAHA baka mapaso ka lang HAHHAHAHAHAH"tawang tawa na si Lilly kaya napasabay na kaming tatlo maliban kay Colline na nakasimangot.

HindranceWhere stories live. Discover now