Chapter 3

3 0 0
                                    

Kinaumagahan ay pumasok pa rin ako sa Arabic School. Hindi na masakit yung paa ko at nilagyan na rin ni ina ng bandage ang sugat ko sinabi ko saknila ang nangyari maliban sa lalaki ang nakabangga sa akin . Habang nagliligpit ako ng gamit para pumasok ay narinig kong nagtatawanan ang nga kaibigan ko sa labas na papunta sa bahay namin at saktong paglabas ko ay nagkasalubong kami at sabay kaming pumasok ng sama-sama.

Tanghaling tapat at nandito kami ngayon sa daan na naglalakad papunta sa bahay ni Farina para magbuko gagawa kasi kami ngayon ng buko salad. Pinauwi na kami dahil may pupuntahan ang mga guro dahil malapit na daw ang musabaqah baka siguro nagmemeeting sila.

"Bilisan nyo lumakad para kayong mga matandang pagong dyan" reklamo ni Shaheed na sya ang nauuna sa paglakad. Binilisan namin ang paglakad para maaga kaming makarating at ilang minuto lang ay natanaw na namin ang bahay nila farina at nag unahan kaming pumasok.

Pumasok kami sa loob at sobrang laki talaga ng bahay nila dumaan kami sa kusina dahil may pintuan duon papuntang pool area at may cottage rin sila sa dulo. Tumambay muna kami ni Farina at Yusrah dito sa cottage habang ang iba ay kumuha ng buko sa likod ng bahay nila Farina. May harang kasi ang sa likod ng bahay nila kung nasaan nandoon ang pool area at sa labas ng bakod ay mga pananim kagaya ng prutas at gulay may maliit na pinto sa gilid ng cottage papunta doon sa mini Farm nila.

Nababagot na ako dito kaya sumunod ako saknila at iniwan sila farina na busy sa paghahanda ng mg ingredients.

Pagpasok ko at natanaw ko kaagad sila na sumusungkit ng buko mula sa itaas lumapit ako saknila

"Ayusin mo nga Fazna para kang naparalyze dyan kung manungkit" reklamo ni Rawdha

"Ay waw ako na nga nabibigatan dito oh ikaw nga!" Maktol nito atsaka binigay kay Rawdha na inagaw naman ni Zafeerah

"Akin na nga kung manungkit parang hindi mga unggoy eh mga mukhang unggoy naman!" Sabi nito at sinubukang sungkitin ang buko nakakaialng minuto na kami dito pero ni isa wala pa kaming nakuha sa inis ni Zafeerah ay itinapon nito ang sungkit at tinanggal ang butones ng kanyang abaya

"Hoyy ano ginagawa mo!!"suway ni Shaheed

"Hoyy huwag mong sabihing aak-" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng ibato nya sa akin ang abaya nya buti na lang may damit sya sa loob.

Sinimulan nyang umakyat at tawang tawa naman kami sa ibaba kasi para syang unggoy na nakabukaka habang umaakyat buti na lang hindi gaano kataas ang niyog na ito dahil kung hindi gasgas ang aabutin ni Zafeerah.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin at nakakuha na kami ng SAMPU na buko. Akalain mo ng dahil da pag akyat ni Zafeerah ay nakakuha kami ng SAMPU may lahi talagang homosapiens.

Inilapag namin sa baba ang mga buko at si Rawdha ang nagbalat nito may mga lahing unggoy talaga mga kaibigan ko.

Pagkatpos ay nagpresinta kami ni Shaheed na kumayod ng buko. Habang ginagawa namin ito ay akma ko ng ilalagay sa lalagayan ang mga nakayod na laman ng buko ay biglang nadulas ang kamay ko at nashoot ang buko sa loob ng lagayan halos napanganga kami ni Shaheed sa gulat at napalingon din sila sa akin at nagkaroon ng malakas na natawanan

"Hala sorry nadulas kasi sa kamay ko" pagsosorry ko grabe na guilty ako dun buti na lang nahugasan kaagad ni Rawdha dahil napuno ng rumi ang lagayan dahil sa putik na nandoon sa buko.

Hinahalo na nila ito at nilagyan ng mga ingredients at nagiihaw naman si Hestia ng barbeque at hita ng manok nagmukhang nasa beach kami ngayon dahil sa mga pagkain na ginawa namin at set up na gidecor na cottage nila Farina kanina. Masaya kaming nagtatawanan at nagkukwentuhan habang kumakain.

Habang kami ay pauwi ay nakasalubong namin ang 5 tahfidz sa daan dahil ihahatid muna namin sina Zafeerah at Fazna sabay na lang kami uuwi nila Farina dahil magkalapit lang kami ng bahay. Biglang nagkakagulo sa likod ko na nilingon ko at sina Farina at Rawdha na nagtutulakan dahil dumaan sa harap ni Farina ang crush nya natawa na lang ako saknila tsk pakipot pa eh kinikilig naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HindranceWhere stories live. Discover now