CHAPTER 22

585 21 0
                                    

[Back In College. 10 years ago..]

“Ma, Alis na po ako.” Nakangiti kong ani kay Mama. Ngumiti din sya saakin at tumango. Kumaway saakin ang dalawa kong kapatid na si Kuya Phoenix at Phoebe na nakadungaw sa maliit na bintana. Mahirap lamang ang aming buhay. Isang hamak na mangingisda lamang ang aking Ama habang ang aking Ina ay labandera at sumasideline bilang waitress sa maliit na restaurant. Ako lamang ang pinag-aral ni Mama sapagkat taglay ko ang katalinuhan ni Lolo. Huminga ako ng Malalim bago pumasok sa paaralan. Nakita ko kaagad si Gwen, Ang aking bestfriend mula pagkabata. Kumakaway ito saakin. Inayos ko ang aking suot na salamin at nagtungo sakanya.

“Grabe ang bango mo naman ah,” Tumatawang wika ni Gwen. Bahagyang namula ang aking tenga sa sinabi nito. Matagal na akong may gusto kay Gwen simula palang senior high. Pareho kaming nanggaling sa mahirap na pamilya. Iskolar lamang kaming dalawa rito sa Paaralan na ito. Ang West University.

“Alam ko. Binilhan ako ni Mama ng bagong pabango kanina. Pang-akit ko daw sa crush ko.” Nakangisi kong ani sa kanya. Ngumisi sya pabalik.

“Hindi ka naman papatulan ni Kim! Mangarap ah!” Pabiro nitong sinuntok ang aking payat na braso. Ngumuso ako ngunit hindi nya ako pinansin. Hindi ko inalintala ang tinginan ng aming mga schoolmates. Sanay na ako sa mapanghusgang tingin nila saamin. Iniisip nilang hindi kami dapat nandito sa school na ito dahil isa lang kaming mahirap. Bumuntong hininga ako at hahakbang na sana ng biglang may tumama saaking bola. Agad akong napahawak saaking ulo at natumba.

“Hoy! Kingina mo, Mj! Tingnan mo ginawa mong hayop ka!” Medyo blurd ang aking pananaw. Kinusot kusot ko ang aking mata at nakita ang pinakamagandang babae sa tanang buhay ko. She's wearing an jersey. Nakamessy bun ang kanyang buhok. Nakangiti sya at pinatayo ako. Napaawang ang aking bibig ng marealize ko na sya si Venreah Dela Costa! Ang anak ng dating mayor! Ang ganda naman nya.

“Pasensya na, Pre ah. Kasalanan yun ni King-inang Mj.” Tinapik-tapik nito ang aking braso bago ako iniwan na nakatunganga. Agad kong naramdaman ang siko ni Gwen. Napaigik ako.

“Sanaol, Pinansin! King-ina. Napakaswerte mo!” Hinampas hampas pa ako nito. Napapikit-mata ako. Hindi maprocess ng utak ko ang nangyari. Kingina! Nilapitan ako ng famous na volleyball player ng university at anak ng mayor. Napahawak ako saaking puso ng magumpisa itong tumibok. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para maitago ang ngiti ko. Hinila ako ni Gwen paalis sa scenario.

Sa susunod na araw ay naging busy ako dahil sa project. Idagdag mopa ang King-inang mga groupmates ko na walang ambag sa project namin. Sa galit ko ay hindi ko inilista ang pangalan nila. Ang kapal kapal pa ng muka magalit. Pagkauwi ay hinarang ako ng aming gangster daw kuno na anak ng Dean. Malayo palang ako ay naamoy kona ang kili-kili nya. Grabe ang putok. King-ina. Hindi ba sya naliligo. Tiningnan ko sila at akmang lalagpasan pero hinila ng leader nila ang aking braso at tinulak pabalik sa aking lugar. Napayukom ang aking kamao habang nakatingin sakanila.

“Ano sa tingin mo ang ginawa mo?! Bat di mo kami nilista?! Kingina mo ah! Wag kangang mag-angas dito. Baka nakakalimutan mong isa kalang hamak na langaw dito. Isang mahirap.” Pang-iinsulto nito saakin. Nanalim ang aking tingin habang nakatingin sa kanila. Maangas na binangga ako ng lalaking mataba. Si betchoy. Mukang baboy.

“Ano?! Kausapin mo ba ang professor or uupakan kanamin ah?! Ano?” Maangas na wika ni Betchoy. Umigting ang aking panga habang nakatingin sa kanila. Ayaw na ayaw kong ginaganto ako. Grabe na sila manliit saakin... Saaming scholar rito sa West University.

“Gagawin moba o gagawin mo?!” Ani naman ni Hendon. Magulo ang buhok nito at mukang adik sa kapatayan. Oo, Payat ako pero king-ina, Mas payat sya. Hinawakan ako sa kwelyo ng lalaki. Wala akong nagawa ng bigla ako nitong sapakin. Tumagilid ang aking salamin. Wala akong laban. Alam kong talo parin ako. Isa lang akong hamak na mahirap. Hindi ako mayaman. Kinuha nila ang salamin ko at ibinato ito sa pader. Nabasag ito.

Shattered Hearts [La Costa Organósi #1]Where stories live. Discover now