01 - Cicatrix

3.9K 74 13
                                    

𝙰𝚄𝚃𝙷𝙾𝚁'𝚂 𝙽𝙾𝚃𝙴:

YOU CAN SKIP THIS CHAPTER IF YOU WANT. This chapter is not that important. But still, I implore readers to take the time to delve into the nuances of the main character's psyche and gain a deeper understanding of her. Only then can you fully appreciate the complexity of the story.

........

|SWH 01 - CICATRIX|

"Adrienne, kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala."

Inalis ko ang tingin sa malawak na bukirin at inangat iyon sa kanya. Her short hair danced in the gentle breeze, accentuated by the luminous rays of the sun filtering through her eyeglasses. The golden light played delicately on her morena complexion, making her radiate with glow.

"What do you need?" I inquired after she sat down beside me.

She gaped. Napahawak siya sa dibdib at umaktong nasasaktan. "Grabe ka naman sa 'kin! Kapag hinahanap ka, may kailangan agad? Hindi ba pwedeng gusto lang kita makita o di kaya na-miss lang kita?" Tuloy-tuloy na saad niya.

Ano bang sinasabi nito? Magkasama lang kami kanina sa bahay dahil doon siya kumain ng tanghalian. Kung tutuusin ay dalawang oras pa lang ang nakakalipas mula ng matapos kaming kumain. Umuwi lang ito saglit sa bahay nila dahil aasikasuhin niya pa ang dalawang kapatid.

I raised a brow. "Talaga, Allianah? Magkasama lang tayo kanina. Mukha mo na-miss." I said sarcastically. Tanging pagnguso ang ibinigay na sagot nito sakin. Maya-maya pa ay natigilan ako ng mapansin ang lungkot sa mata nito.

I pursed my lips while looking intently at her. "Tell me what is it, makikinig ako." Sinserong usal ko.

Tila nag-iba ang ihip ng hangin. Bigla kasi itong nagpakawala ng isang malalim na paghinga. Sumeryoso din ang mukha niya kung kaya't hindi ko mapigilan na mag-alala.

She sighed again before turning her eyes on her hands and starts to play with it."Kasi..I'm contemplating if.." Tumigil siya at parang nagdadalawang isip kung itutuloy pa ba ang gusto niyang sabihin.

"If ano?" Nananantyang tanong ko.

Tumingin siya sa 'kin at malungkot na ngumiti. "Kung mas mabuting tumigil nalang muna ako sa pag-aaral." She muttered. It's almost a whisper.

My eyes widened. Shocked and surprise. Seriously, I've known her for years. We've been best friends since diapers. She's a consistent honor student since Kindergarten. She's the most grade-concious, school-dedicated, active and diligent person I've ever met. Tapos sasabihin niya sa 'kin ngayon na..pinag-iisapan niyang tumigil sa pag-aaral? Eh kulang na lang sa school na siya tumira sa sobrang pagmamahal niya sa pag-aaral.

"Bakit ngayon pa, Alya? We managed to graduate from senior highschool despite of everything that's on our way. Ngayon ka pa ba susuko kung kelan malapit mo na maabot 'yung pangarap mo?" Seryosong saad ko.

She shakes her head slowly. "Napapagod na ako, Adrienne. I'm tired watching my parents grit. Gusto ko ng magtrabaho para kahit papa'no makatulong ako."

This time, I'm the one who heaved a sigh. Ang hirap mag-isip kung anong ibibigay na advice sa sitwasyon niya.  I feel like when I start to talk, ma-offend ko siya in the way that I didn't intend to. After a few seconds of fighting with my inner self, I spoke.

Bahala na.

"Sinabi ba nilang nabibigatan na sila sa 'yo? Nagtanong ka ba kung gusto nilang tumigil ka sa pag-aaral? Inalam mo ba kung anong sasabihin nila sa desisyon mong 'yan?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya dahilan magbagsakan ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Napaiwas ako ng tingin. I hate it when someone's crying. I might end up crying too, and I don't want that to happen.

SMITTEN WITH HER (GxG • ProfxStudent)Where stories live. Discover now