Chapter 10

1K 56 1
                                    

Naligaw na ata namin ang mga taong sumusunod at pinagbabaril pa ang sasakyan ni Atty. Her car is not just an ordinary one that's why we're still alive right now. Kung hindi ito bullet proof ay siguradong patay na ako ngayon. Mas mabuti nga ba iyon para matapos na lahat ng mga alalahanin ko sa buhay?
Pero mamimiss ko rin sila. Hays hirap naman maging sad girl. Napabaling ang tingin ko sa mga kasama ngayon sa sasakyan.

Ang dalawa nitong bodyguard ay wala na ring imik pagkatapos ang usapan nito kanina sa telepono. Medyo matagal na rin akong naka upo at ngayon ay nanaig ang katahimikan sa amin ni Serenity.
I slowly drifted from her tight embrace nang kumalma na ako. Ayaw ko namang isipin nitong crush ko siya noh at chansing ako. Kahit crush ko talaga. I mentally slapped my face with all these thoughts.

"Attorney," Agaw ko sa pansin nito. May pinipindot kase ito sa kanyang telepono rin.

"You know, you're not my client and I'm tired with that formality," She chuckled at ibinaba ang phone niya kasabay nang pag tago nito sa kanyang hand bag.

"Saan to patungo?"

"Pwedeng simbahan kong gusto mo," Napakunot ako sa kanyang tinuran. Seryoso kase ito, hindi ko mawari kong sarkastikong banat ba ito o ano. Ang galing mag lead on to. Amoy paasa.

"Bilis naman, talking stage pa lang." Mahinang sabi ko sa dulo.

"Bilis ng takbo, manong pakibagalan po kako," Bawi ko.
I remind myself to refrain from flirting back.

"Silly," Natawa ito. Oh ano ngayon Atty. Serenity Serano.

"We're heading to my safe space, and we're near. Let's stay there until it's safe, a'right?" Naka yuko nang bahagya ang ulo ko kaya inangat niya ito gamit ang kanyang hintuturo.
Sinalubong ko ang maganda niyang mata. It's full of concern, nakaka tunaw.

"I need to call my parents first." Sabi ko lang dito na ikinatango niya naman.

Huminto ang sasakyan saglit para mag antay ng mag bubukas sa malaking metal na gate. Maya maya lamang ay binuksan ng kanyang nga tauhan ang pinto ng sasakyan. Naunang lumabas si Atty. inayos ko naman ang denim jacket at damit na ipinatong ko sa knitted slip dress na suot. Naka simpleng sandals rin ako kaya ramdam ko ang may kalamigang hangin sa paligid. Makulimlim din kase ang kalangitan. May kinakausap pa ang abogadang yun kaya nagmasid muna ako sa safe house na ito. Ang taas ng pader at bungalow lang din ang bahay.

Wood contemporary design huh. Ang aliwalas sa mata.

"There's no signal here, maybe you can find a bit inside the house." Nakalapit na pala ito saken. Tiningnan ko ito nang mariin, medyo na stress ata ito ngayon, halata sa mukha niya.

"Okay ka lang ba?" Hindi ko naiwasang hindi tanungin ito.

"Hmm,"

"Lawyers, liars," Dagdag ko pero hindi naman ito na offend. A small chuckle comes out her mouth.

"Occasionally?" Pag sakay nito. Napahalukipkip ako dahil doon.

"Come here," Abot nito sa kanyang kamay sa akin. Akala ko ay kakaladkarin na ako nito sa loob, pero nagulat akong niyapos nito ang aking katawan. Ang init ng kanyang kamay na pumulupot sa aking bewang. Marahan pa ako nitong hinaplos doon. I can feel her sniffing my hair. Dang! buti naligo ako, tamad na tamad pa naman akong maligo lalo na pag wala naman akong lakad.

Professional tambay talaga.

Bwesit kase si Andree, ilang beses nang nalagay sa panganib tong buhay ko. Kung hindi sana siya sumugod sa bahay at sinisi ako sa mga wrong choices niya ay hindi sana ako lumabas ng bahay.
Pero sa kabilang banda, Si Serenity naman, siya yung target nadamay lang ako.

A fine Madness Where stories live. Discover now