Chapter 2

116 11 4
                                    


"Welcome home, Dad." bungad ko kaagad ng makita siyang nasa sala. Na excite pa ako ng makita siya, ilang buwan rin siyang nawala dahil may new branches yung business namin. Yung tinututukan niya talaga is yung fast-food chain business namin na medyo nakikilala na world wide.

Natahimik naman ako ng tinaas niya kamay na parang pinapahinto ako sa pagsasalita. May kausap kasi ito sa phone, mukhang importante kaya tumahimik nalang ako.

May ngiti sa Labi ko habang nag aantay sa gilid niya. Sana ay magustuhan niya ang dala kong regalo.

"Thankyou so much, i'll be right there in a month for assurance." tahimik lang ako habang hinihintay siyang matapos sa pakikipag usap sa cellphone niya. Mukhang may balak na naman siyang puntahan. Lagi naman siyang busy sa business trip kaya hindi na nakakapag taka iyon.

Yumuko ako para icheck ang dalang wine na binili ko kanina bago dumeritsyo sa bahay. Sana magustuhan niya. Sayang naman yung effort ko na maki-usap sa pwedeng bumili nang wine dahil minor pa lang ako hindi ako pwedeng bumili nang inumin sa store or kahit sa malls.

"Dad! Diba sasamahan mo pa kami ni Mom sa Mall? Bat ang tagal mo naman diyan sa phone mo."wala sa sarili akong napalingon sa pwesto ng kapatid ko. Kababa lang nito sa hagdan saka dumeritsyo sa pwesto ni Dad. Hindi man lang ako nito napansin dahil nasa gilid naman ako.

My older sister Elaisa Hart,tatlong taon ang pagitan naming dalawa. Hindi kami magka sundo sa kahit na anong bagay. Laging mainit ang dugo nito saakin kaya ako nalang ang kusang lumalayo.

Kahit kasalanan niya ay saakin niya pinapasa simula noon pa man. Wala naman akong magawa dahil siya naman ang laging pinaniniwalaan ng parents namin.

Napangiti ako ng mapait ng madinig ang sinabi ni Daddy.

"I'll call you later, kinukulit na ako ng anak ko. Alam mo namang hindi ko maipagpapalit ang anak ko sa kahit na anong bagay."
Napakagat labi ako dahil sa narinig.
Bakit no'ng ako ang kumausap sakanya ay nagawa niya akong pahintuin dahil importante ang kausap niya.

Pero sa isang kisap ay nag iba ng dahil lang sa presensya ng kapatid ko.

Napayuko ako sa nasaksihan at pilit na pinapagaan ang loob ko kahit alam kung sobrang nadudurog na ang puso ko. Sobrang OA pero ang sakit parin kahit ganito lagi ang nasasaksihan ko, ang pinaparamdam saakin.

"Where's your Mom? Kanina ko pa kayo hinihintay dito. Gusto mo bang tawagan ko nalang ang boutique na pagbibilhan niyo para ipasara at makapili kayo ng maayos ng Mommy mo?"Malambing na usal ni Dad habang kaharap ang kapatid ko. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan habang kausap si Elaisa.

"Can you do that for me and Mom, Dad? Gosh! Thats why I really love you so much!" maarteng usal nito at niyakap si Dad. Hinalikan naman kaagad ni Dad ang nuo niya saka mahinang natawa sa inasal ni ate. Ang saya nilang tingnan dalawa. Pero masakit nga lang para sakin.

Parang sinaksak lang naman ako ng libo libong kutsilyo.

Inggit.

Yun ang nararamdaman ko habang tinitingnan sila. Kahit kailan man ay hindi naging ganito si Daddy saakin.

Everytime na may achievements ako sa School kahit simpleng congratulations lang wala pa.Nasa top 1 na ako niyan auh.

Samantalang no'ng nasa rank 10 si Ate ay niregaluhan at nagpahanda pa sila. Ang saya saya nila pag may achievements si Ate...

May Times din na pumunta kami sa isang gatherings ng mga makapang-yarihang tao sa bansa.
Ang saya ko non kasi first time kung dumalo na kasama ang buo kung pamilya.

May balak kasi sila na ipagkasundo si Ate at anak ng ka-negosyo ni Dad. Alam na ni Ate ang mangyayari at hindi siya tutol dito dahil may gusto siya dun sa lalaking pinagka-sundo sakanya.

His Secret Admirer (Raval Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon