Chapter 3

91 10 4
                                    

Napapikit ako sa pait na bumalot sa lalamunan ko.
Yung tipong ang pait sa dila pero sumasarap pag nasa lalamunan na.

Nangangalahati na ako at ramdam ko narin ang hilo. Totoo nga ang sabi nila na nakakagaan ng loob pag umiinom ka. Ito yung kasangga ng mga taong may problema sa buhay at Isa na ako roon.

Napabuntong hininga ako ng maalala muli ang sinabi ni Nana kanina.

Dalawang taon lang ang pagitan ni Cloud at ni Ate Elaisa. Nasa fourth year High School na kami ni Scarlet, samantalang si Ate ay nasa last year na nang Senior highschool niya. Ang alam ko ay ahead si Cloud sakanya. Second year college na si Cloud and his 21 years old while ako is 16 kaya 5 years talaga yung gap naming dalawa.

Hindi ko lang akalain na close pala silang dalawa. Ang alam ko kasi ay hindi namamansin si Cloud Kahit kaninong babae pwera nalang kung kapamilya niya.

(Tok!Tok!Tok!)

Mabilis pa sa alas kwatro kong tinago ang bote ng wine sa ilalim ng kama ko ng marinig ang pagkatok mula sa pintuan ng kwarto ko.
Inayos ko rin ang sarili ko bago humarap sa salamin.
Kita sa mukha ko ang pamumula na paniguradong dahil sa ininom ko.

Hindi naman siguro nila mapapansin na naka inom ako.

Pumanik naman ako kaagad sa pintuan Para buksan iyon ng bahagya.
Doon sumalubong si Nana saakin.

"A-Ano po yun,Na?" napalunok ako ng mariin ng masinok ako sa harapan niya.

"Nasa labas na si Cloud, hija. Baka kako maburyo. Baka pwedeng samahan mo siya sa sala."parang nabingi ako sandali sa sinabi nito.
Gusto kong sumang-ayon Pero May parte saakin na ayaw ko naman.

Gusto ng puso ko pero Ayaw naman katawan At utak ko.

"Pauwi naman na sila, Nana..."halos naging bulong nalang ang tugon ko dito.
Baka maamoy din ako nito na Amoy alak.

"Bilisan mo na diyan At baka naiinip nayun sa baba. Katatawag Lang ng Daddy mo na may dadaanan pa daw sila." Wala akong nagawa kundi ang sumunod dito dahil hatak hatak na ako nito pababa.

"M-Magbibihis muna siguro ako,Nana."pigil ko dito pero parang Wala itong narinig at nagtuloy tuloy parin sa paglalakad.

Habang pababa kami ng hagdan ay parang kakapusin ako sa hininga. Alam ko rin sa sarili ko na amoy alak ako. Ang lakas pa naman ng amor ni Cloud.

"Cloud hijo, Okay ka lang ba dito? Sinundo ko si Eloisa sa itaas Para May kasama At maka-usap ka naman dito." napalunok ako ng ilang beses ng makita siya ng tuluyan.

Magulo ang buhok nito pero hindi ito dahilan Para mabawasan ang kakisigan niya. Pormal itong tumayo sa harapin namin kaya halos magtago na ako sa likod ni Nana dahil dito.

"I'm fine,Manang." tipid nitong tugon. Natuod ako sa kinatatayuan ko ng makitang sinulyapan ako nito.

Napansin ata ni Nana ang pagiging tahimik ko kaya hinarap ako nito At hinila papunta sa harapan.

"Nana,"mahinang usal ko dito pero nginitian niya lang ako.

"Ito talagang alaga ko,sobrang tahimik. O siya't aalis muna ako Para tingnan ang niluluto ng kasambahay sa kusina. Ikaw na muna ang bahala kay Kuya Cloud mo At ng hindi maburyo kakahintay sa parents mo."
Ako ang nahiya sa pinagsasabi ni Nana. Hindi matanggap ng sistema ko ang "Kuya" na sinabi nito.

Ng maka alis si Nana sa pwesto niya ay saka naman naupo ulit si Cloud sa couch. Napaigtad pa ako sa gulat sa biglaan nitong naging pag galaw.

Pati siya ay nagulat sa naging reakyon ko pero nanatiling blangko ang itsura nito.

His Secret Admirer (Raval Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon