Seventeen

48 6 0
                                    

Raven "Pov"


"Yaya, kayo na pong bahala sa dalawa." Pagpapaalam ko kay yaya.


"Oo naman anak, wag kang mag-alala sa mga anak mo." Sagot ni Yaya bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Nakatulog pa kase ang dalawa mukhang pagod na pagod kahapon, akalain mo kase gabi na kami naka uwi dahil nagpunta pa kami ng EK talagang sunulit ng mga bata ang mamasyal kasama ang ama nila.




"Para po." Agad akong sumakay ng huminto ang taxi sa harap ko.


"Saan po kayo ma'am?" Tanong ni mamang driver.


"Sa Zaragoza company ho." Sagot ko sa mamang driver.



Tahimik kong pinagmamasdan ang Cellphone ko dahil sa text na natanggap ko kay Ace kanina lang.

"Please be here, asap."



Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa asap na yun na para bang may emergency siyang gagawin dahil kailangang nandun ako ng maaga. Hindi tuloy ako nakapag-almusal dahil medyo nalate din ako ng gising.




Patakbo akong pumasok sa loob ng building ng makarating ako.



"Mukhang hindi lang ako ang napa-aga ngayon ah." Napakunot ang noo ko ng makita ko si Jessa na nakatayo sa harap ng pabukas na elevator.




"Oo nga eh, bakit ka nga pala maaga?" Agad kong tanong sakanya. Kahit hindi ko siya kasundo may karapatan naman siguro akong magtanong.



"We're not even close, so don't talk to me." Napataas ang kanang kilay ko dahil sa sinabi niya. Kapal ng apog siya na nga itong naunang kumausap saakin eh.



"Yeah, we're not close but you talking to me earlier as if we our close." Taas kilay kong tanong sakanya.




Nauna akong naglakad palabas ng elevator ng makarating ako ng huling palapag kung saan ang office room ni Ace at ang pwesto ko. Nagsalubong ang kilay ko ng makitang pati si Jessa nagtungo sa kung saan ako tutungo.





"What are you doing here?" Mahimigan ang pagka irita sa boses niya habang magkasabay kaming naglalakad pero hindi ko siya sinagot dahil sabi nga niya wag ko daw siya kausapin.





Pagkarating ko sa aking pwesto agad kong inilagay sa table ko ang bag ko bago nagtungo sa loob ng office ni Ace pero ganun nalang ang pagkunot ng noo ko ng makita kong napangiti si Jessa habang nakaharap sa nakayukong si Ace. Mukhang hindi napansin ni Ace ang presensya ni Jessa sa harap niya.




"Ahm, anong sasabihin mo saakin sir?" I asked kahit na hindi niya ako nakitang pumasok pero gusto ko lang kunin ang atensyon niya dahil naiirita ako sa babaeng timang na nasa harap niya.




"Camille." Nakangiting tumingin siya saakin at agad tumayo. "Come here." Agad naman akong lumapit sakanya pero bago yun tumingin ako sa gawi ni Jessa na ngayo'y lukot na lukot ang noo habang nakatingin saamin ni Ace.




"What are you doing here, Jessa?" Takang tanong ni Ace kay Jessa ng makita niya itong nakatayo sa harapan namin.



"Eh, an-"



Hindi makapagsalita si Jessa na para bang nahuli siya sa isang kahihiyan. Kanina parang ang tapang-tapang niya kung umasta akala mo kung sino pero ngayon tinatanong lang siya para na siyang napipi.




"Get out now!" Malumanay man pero mahihimigan din ang awtoridad sa boses ni Ace na siyang dahilan para agarang lumabas si Jessa pero tumingin muna siya saakin ng matalim na para bang nais niyang iparating na humanda ka saakin mamaya.






I love You Since I Push You Away[COMPLETED]Where stories live. Discover now