Forty One

53 8 0
                                    

Ace "Pov"

Walang kagana-ganang nakatayo lamang sa harapan ng altar habang hinihintay ko si Marga. Hindi ko alam kung anong pinaplano niya pero may tiwala naman ako kay Kuya Rustin at sa mga kaibigan ko. Medyo may kalayuan ang iba pang tauhan ni Marga sa aking pwesto at mabuti nalang talaga hindi nakita ni Marga ang maliit na earphone na nasa likod ng aking tenga. Ito ang nagsisilbi naming connection para maka-usap ko sila. Hinihintay ko lang na mailigtas nila ang anak ko at ang sign ni Kuya kung nagawa na ba ng mga tauhan niya ang plano.

Nagulat ako ng may pumasok na babae mula sa pintuan ng simbahan at walang iba kundi si Camille, gulat ma'y nagawa ko pa ring panatilihin ang reaction ko baka mahalata ako ng tauhan ng babang iyon.

Mukhang alam ko na ang plano ni Marga, gusto niyang masaksihan ni Camille ang kasal at para saktan niya ang damdamin nito. Kitang-kita ko ang pagluha niya kahit na malayo siya sa aking kinatatayuan, nasaktan ako sa nakikita ko pero wala akong magawa sa ngayon dahil mahirap ng magpadalos-dalos.

"K-kuya nandito si Camille at sa tingin ko Plano ni Marga ang pagpunta niya rito." Mahinang sambit ko at alam kong narinig niya iyon.

"Alam ko kaya hangga't kaya mo panatilihin mo ang iyong reaction baka makita ni Marga na naapektuhan ka at pagbuntungan niya ng galit ang kapatid ko. Baliw pa naman ang babaeng iyon sa iyo." Taka si kuya. Tumingin uli ako sa gawi ni Camille at patuloy pa rin ang pag-agos ng luha niya kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

I'm sorry Honey, forgive me. Please stop crying.

Kahit pakiramdam ko nadudurog ng paulit-ulit ang puso ko sa nakikita ko pero pinilit ko pa ring tatagan ang loob ko dahil baka kung hindi ko mapigilan ang sarili ko at agad siyang mayakap ng wala sa oras. Hindi lamang buhay niya ang nakataya rito pati na rin ang anak ko dahil isang pagkakamali ko  lang pwede ng mapahamak si Louis. Isang tawag lang ni Marga sa mga tauhan niya tiyak kong mapapahamak ang ana ko sana lang magawa na nina Kurt ang plano.

"Good news Dre, nakuha na namin si Louis at kasalukuyan na kaming naglalakbay patungong hospital." Narinig ko ang pagcontact sa akin ni Kyler dahilan para makaramdam ako ng saya knowing na ligtas na ang anak ko. Hindi naman kase ganun karami ang tauhan ni Marga na naiwan doon kaya alam kong hindi sila mahihirapan, mabuti nga hindi na naisip ni Marga na magdagdag ng tauhan dahil kung hindi baka mahirapan kaming isagawa ang plano.


"S-salamat." Pasasalamat ko sakanila bago ko nakita si Marga na naglalakad na palapit sa pwesto ko.


Ngiting-ngiti pa siya habang naglalakad palapit sa akin mukhang sayang-saya siya samantalang ako kulang nalang ipagsigawan ko sakanya na desperadang babae. Hindi na ako lumingon pa sa gawi ni Camille dahil hindi ko kayang makita siyang lumuluha ng dahil sa akin kaya mas mabuti ng wag siyang tignan dahil nandito na ang demonyong Marga. Kitang-kita ko ang panginging ng pari ng sigawan siya kanina ni Marga pero ako nanatiling tahimik lang.

"T-teka lang naman." I heard her voice at alam kong natatakot siya kaya agad akong lumingon sa gawi niya.

Bang! Bang! Bang!

When I heard the sounds of gunshot doon ko napagtantong ito na ang sign alam kong nagawa na nila ang plano.


"Ilagggg!" I shouted ng makita ko ang pagtutok ni Marga ng baril may Camille pero huli na dahil natamaan na si Camille sa bandang tiyan. Nag-init ang ulo ko sa galit lalo na ng makita ko ang unti-unti niyang pagbagsak hudyat na nawalan siya ng malay.

"You dare to hurt my honey, now feels my wrath bitch!" Galit kong sambit at agad sinuntok si Marga ng magkakasunod. Wala akong paki-alam kahit na babae siya ginalit niya ako kaya dapat niyang pagbayaran ang ginawa niya.

I love You Since I Push You Away[COMPLETED]Where stories live. Discover now