Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

CHAPTER 4

350K 18.4K 7.2K
                                    

CHAPTER 4

STRESSED NA STRESSED si Zehannah kay Cassia na nang makabalik sila sa bahay nito pagkatapos niyang patunayan dito na hindi bakla si Reigo ay uminom siya ng alak. She wanted something to wash her mouth with after the kiss and tequila was her choice since she had a very wild relationship with it. And tequila always reminded her of Reigo.

Mula nang may mangyari sa kanila ni Reigo sa club, hindi na siya nagtangka pang uminom dahil baka ano na namang kagagahan ang gawin niya. Mabuti nang nag-iingat. Kaya sa condo lang niya siya umiinom palagi at ngayon ay sa bahay nina Cassia.

And she finished the entire bottle while being stressed over Cassia's way of thinking.

Kahit nakipaglaplapan siya kay Reigo sa harapan ni Cassia, ayaw talagang patinag ng kaibigan niya. At dahil ayaw niyang mamatay nang maaga sa kunsomisyon, uminom na lang siya hanggang sa malasing siya. She did give Cassia some advice, but she doubted if Cassia would understand it the way it was supposed to be understood.

At dahil sa kalasingan, sa guestroom siya ng bahay nina Cassia natulog.

Kinaumagahan, kakagising lang ni Zehannah pero sinubok kaagad siya ni Lord habang kasamang nag-aagahan ang mag-asawang Thorn at Cassia na pakiramdam ni Zehannah ay naging invisible particles siya.

Seeing Thorn took care of Cassia, it was the first time that Zehannah thought kung hindi ganito kaalaga ang magiging asawa ko, hindi na lang ako mag-aasawa. And for a woman who didn't want to marry, that thought was something else.

That morning, Zehannah left the Calderon household feeling happy for Cassia. Yes, she didn't want to marry but seeing her best friend being taken care of like a queen, she was happy for her. Cassia deserved it.

But her happiness quickly withered away when she saw Reigo outside the Calderon household, sitting crossed leg on the hood of his luxury car.

'Kakapalan ba ng mukha kung iisipin kong hinihintay ako ng gago?' tanong ni Zehannah sa sarili habang naglalakad patungo sa sasakyan niya na nakaparada sa gilid ng kalsada, sa likuran lang ng sasakyan ni Reigo.

Zehannah wanted to pass and ignore Reigo so badly because she wanted to go home fast, freshen up, and spend her weekend in silence with Netflix, but alas, luck was not on her side.

Reigo spoke as she passed him.

"Morning."

Zehannah did not stop. She replied as she passed him. "Morning to you too."

Umalis si Reigo sa pagkakaupo sa hood ng sasakyan nito at sinabayan sa paglalakad si Zehannah. "Had breakfast yet?"

Tinuro niya ang bahay na pinanggalingan. "I just came out from a chef's house. Of course, I had breakfast."

"Do you still have space for pancakes and caramel macchiato? I know a good café that makes amazing pancakes and coffee."

Napatigil sa paglalakad si Zehannah at napatingin kay Reigo na nakatingin din sa kaniya. Isa sa mga kahinayaan niya ang pagkain—masarap na pagkain. That's why at that moment, she's in turmoil while showing her poker face to Reigo.

Food or her peace?

Food. Zehannah answered herself and sighed. "Akala ko ba busy ka?" Naalala niya ang rason kung bakit palagi itong niloloko ng mga ex-girlfriend nito. "Sabi mo wala kang oras sa mga naging ex mo dati. Ano'ng tawag mo rito?"

Reigo shrugged. "I only have two weeks to change your mind. I have to make you say yes in fourteen days, so of course, I have to make an effort."

Nagsalubong ang kilay ni Zehannah. "Puwede bang hindi tayo magkita ng dalawang linggo habang nag-iisip ako? Hindi ba sabi ko sa 'yo sa café kahapon 'see yah in two weeks?"

POSSESSIVE 25: Reigo VasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon