Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

LEVEL 6

85.3K 4.6K 1.8K
                                    

THAT BASTARD!


Hindi matapos-tapos ang pagkulo ng dugo ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong pinag-iisipan ako na gumawa ng isang bagay na hindi ko naman talaga ginawa, at wala akong balak gawin.


Ahg! I never dreamt of being one of his wives! 'Tapos ang ipinaparating niya na nagdadahilan lang ako? Like what the heck?!


Noong mga bata nga kami ay ilang beses ko siyang binasted, e. Kung hindi niya pa ako inuto noon gamit ang chocolates na paborito ko ay hindi naman magiging kami. Ayaw ko naman talaga sa kanya dahil bata pa lang ay mahangin na siya.


Take note! Limang taon pa lang ako noon pero hindi ko na siya gusto. Ngayon pa kaya? Itsura niya! Guwapo lang siya pero may tagas ang utak niya!


Ayaw ko talaga sana itong pa-seven wives niyang kalokhan, kaya lang binangga niya ang pride ko. Ngayon tuloy ay napasubo ako. Maging isa na sa seven wives niya ang bagong goal ko sa buhay. Pero hindi ako magiging isa sa mga asawa niya para kumerengkeng sa kanya. May iba akong dahilan.


Gusto kong turuan ng leksyon ang talipandas na iyon. Curious din akong malaman kung ano ang trip niya at naisipan niya ang kahangalan na ito. Higit sa lahat, I wanted to be his wife to ruin his life.


Masyado na siyang maligaya at kung anu-ano na ang naiisipan niyang kalokohan sa buhay. Dapat na siyang pigilan habang maaga pa. If I would not do this, no one would. Kaya ako na. I would sacrifice as a tribute!


May kumalabit sa akin sa braso. Paglingon ko ay kasama ko pa nga pala si Debi.


"So tell me, Macey. What changed your mind? Bakit biglang gusto mo na rin maging wife ni Panther?"


Pinalagutok ko ang mga daliri ko sa kamay. "I need to teach him a lesson."


Napapalakpak siya. "Exciting! Sana talaga manalo tayo." Napayapos siya sa akin.


Akala yata ni Panther ay matatakot ako sa kanya. Siguro ang akala niya ay uurungan ko siya.


Buo na ang desisyon ko. Ipagpapalit ko ang burger at fries para lang mapangasawa siya. Gagawin kong miserable ang buhay niya kaya ngayon pa lang ay magdasal na siya!


Bumukas na ang wide screen dito sa lobby at lumitaw sina Half Note at Quarter Note.


[ Let's proceed to the next round, ] sabi ni Half Note.


[ Magpatuloy na tayo sa susunod na pagsubok, ] ani naman ni Quarter.


Napatayo kaming lahat mula sa pagkakaupo.


[ But before that, there's going to be a bonus round. ]


[ Pero bago iyon, merong bwenas na pagsubok. ]


[ It's your choice if you want to join in this round or not. ]


My Psycho BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon