Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

LEVEL 9

119K 5.8K 3.1K
                                    

"WHAT HAVE YOU DONE, MACEY?"


Lukot na lukot ang mukha ni Dr. Fetus habang palakad-lakad sa harapan ko. Nakayuko naman ako para habulin siya sa tingin.


Dinuro niya ako. "Why did you shoot Master Panther with tranquilizer gun, huh?!"


Napanguso ako. "Sorry na. Akala ko kasi ikaw."


Nanggalaiti siya. "And why are you trying to shoot me?!"


"Gusto ko lang makaganti. You know, nabanas kasi ako sa mukha mo noong binaril mo 'ko, ganoon."


Napahilot siya sa kapiraso niyang sentido. "Oh, crap!"


Nandito kami sa labas ng chamber ni Panther. Habang si Panther naman ay may apat na oras nang tulog sa loob. Na-check up na rin siya ni Dr. Fetus.


"At sa dinami-dami ng parte ng katawan niya, bakit sa puson mo pa siya tinamaan? And because of that, he's got erectile dysfunction temporarily."


Bumagsak ang panga ko. "Ha?"


"He will surely kill you once he wakes up!"


Shoot! Ang laking trouble pala ng nagawa ko.


"This is all my fault because I let you pass the audition." Napailing siya. "I should've listen to him when he told me to fail you. Hindi sana nangyari 'to."


"Sabihin mo hindi ko naman sinasadya." Napalabi ako.


"I hope it's that simple. You don't know him. Masama siyang magalit—"


Naghikab ako. "Okay, goodnight. Tulog na ko, antok na ko eh."


"You stay here, woman!" sigaw ni Dr. Fetus nang akma akong tatayo mula sa kinauupuan.


Ano ba 'yan?! Gusto ko na sanang magtago na lang sa aking chamber bago pa magising si Panther, e.


"You'll wait here until he wakes up to punish you!" asik ni Dr. Fetus sabay duro na naman sa akin.


Napatingin tuloy ako sa maiksi niyang daliri na may singsing. "Dr. Fetus, do you have a girlfriend?"


Nagsalubong ang mga kilay ng maliit na matanda. "What?"


Inginuso ko ang singsing niya. "You have a ring."


"Oh!" Napatingin din siya sa kanyang singsing. "Actually, yeah. I have a girlfriend." Biglang umamo ang kanyang tinig. Biglang nangarap nang gising.


"Is she here?"


Lumamlam ang kanyang mga mata habang nakatitig sa singsing niya. "She's... somewhere I don't know."

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Jamille Fumah, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Jamille Fumah
@JFstories
AUDITION GONE WRONG! Macey Ela Sandoval aspires to be a singer but in...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 45 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @JFstories.
My Psycho BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon