2

978 19 1
                                    

"Ako na"

Jia: Marck? Anong ginagawa mo dito?

Marck: Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo? Tsaka, anong nangyari jan? (Sugat)

Jia: May mokong kasi na... Basta napagasgas diyan sa matalas sa may tabi.

Marck: Akin na nga linisin ko na. Para ka pa ding bata jia, ang likot mo pa din. Hahaha

Jia: Nagsalita si kuya hahaha

Nagtatawanan silang dalawa dun nang bigla nang pumasok ang ibang mga players. Napansin na naman ni jia na may dalang first aid kit si mich kaya siya nagtaka.

Jia: Bakit ka may dala niyan? Alam mong may sugat ako?

Mich: uhmmm. Let's just say someone is concerned.

Kim: Ehem. Mich, ibigay mo na yan. Nakaksira yata tayo ng moment eh haha. Bye JuliArck!
_________________________

Pagkatapos ng training ay dumeretso na agad sila sa eliazo para mag pahinga. Nakahiga na ang lahat pero si jia, hindi pa. Mukhang may hinahanap.

Ana: Jia, tinatawagan ka daw ni ate den. Naka off daw yung phone mo.

Jia: Bakit daw? Di ko makita phone ko eh. Naiwan ko yata sa gym. Puntahan ko lang ha.

Lumabas si jia ng eliazo. Naglalakad na siya papuntang gym nang makasalubong niya si miguel. Hindi nalang niya ito pinansin at kunwari ay wala siyang nakita.

Miguel: Jia!

Jia: Miguel, wag ngayon. Wala ako sa mood makipagtalo.

Derederetso lang siya sa paglalakad. Pagdating niya sa gym, nagulat siya ng nasa likod niya si Miguel. Napabuntong hininga nalang siya at hindi nagsalita.

Miguel: Ano bang ginagawa mo dito?

Jia: May hinahanap lang ako. You can go.

Miguel: I don't think you'll let me go. If you're looking for your phone, here it is. *sabay bigay kay jia yung phone niya*

Jia: Bakit na sa'yo to? Anong ginawa mo sa phone ko?!

Miguel: Naiwan mo sa room kanina after the exam. Isasauli ko sana kanina kaso nakalimutan ko na.

Hindi alam ni jia ang kanyang sasabihin. Dala na rin siguro ng pagtataka dahil medyo may pagka cold ang boses ni miguel.

Miguel: Sige. Lumabas lang ako para isauli yan. I'll go ahead.

Palabas na sana si miguel ng blue eagle gym nang biglang nagsalita si Jia.

Jia: Thank you!

Napalingon naman si Miguel at nakita niya si jia na nakasmile. Ginantihan niya ang ngiti ng dalaga pagkatapos ay nagnod at lumabas na ng gym.
__________________________

Ana: Oh san mo nahanap?

Jia: Nakay Miguel pala.

Ana: Weh? Bakit parang hindi naman stressed and mukha mo? Eh diba palaging kunot mukha mo everytime na makita ko sya?

Jia: Ewan ko nga eh. Di niya ako inasar kanina. Nanibago nga ako eh.

Mich: Maybe miguel isn't that bad at all, Jia. May good side din naman siguro siya.

Jia: Wow! Good side? Are you aware na siya ang may kasalanan kung bakit ako nagkasugat?

Mich: Are you also aware that he's the reason kung bakit ako may dalang first aid kit kanina?

Jia: Anong kinalaman niya sa first aid kit?

Mich: Nakita namin siya kanina sa may labas ng BEG na dala yun. Tapos nung nakita niya kami, sabi niya iabot nalang daw namin kay marck. Siya na daw bahala gumamot sa sugat mo.

Jia: Wow! Nag-abala pa siya. *sarcastic* Nako. Tulog na nga tayo. Maaga pa bukas, goodnight.
__________________

Tulog na silang lahat pero si jia, gising na gising pa din. Hindi niya alam kung bakit, pero si miguel ang pumasok sa isip niya.

"Maybe Miguel isn't that bad at all. Maybe this day isn't as bad as I thought. Maybe...."

One Message Received.
From: Unknown.
Are you still awake? Kamusta braso mo?

Huh? Who's this? Gabi na ah.

To: Unknown
Who's this?

From: Unknown
Guess who.

To: Unknown
Uhmmmmm Miguel??

From: Unknown
Uyy, umaasa siya na itetext siya ni Miguel haha. Marck 'to.

To: Marck
Di ah. Bakit iba number mo? Ayos lang sugat ko, maliit lang naman eh.

From: Marck
Nagpaplan ako eh. Sige. Save mo new no. ko ha. Goodnight miguel.

To: Marck
Whatever. Goodnight 😋

The More You Hate, The More You Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon