8

1K 26 8
                                    

Kinabukasan, maagang nagising si jia dahil maaga rin naman siyang nakatulog kagabi. Dahan dahan siyang lumabas ng kwarto para hindi niya maistorbo ang pagtulog ng iba. Naglalakad lakad lang siya sa may shore habang nakatingin sa paligid. Maya maya, napaupo siya habang pinagmamasdan ang sunrise.

"Okay ka na?"

Napalingon siya at nakita niya si marck sa likod niya na halatang kakagising palang dahil humihigab pa at naguunat.

"Oo naman. Nakakstress lang ang mga pangyayari kagabi." Pagsisinungaling ni Jia.

Umupo si Marck sa tabi ni Jia at nakipanuod na rin sa sunrise.

"Sa akin ka pa ba magsisinungaling jia? The way he looks at you, and the way you do, may hindi ka ba sinsabi sa akin?"

Napalingon nalang si Jia kay Marck na may halong pagkagulat.

"May past kami ni Miguel." Deretsang sagot ni Jia.

"Alam ko." Sagot ni marck na mas lalong ikinagulat ni Jia.

Jia: Ha? pano?!

Marck: Nasense ko lang. Tsaka jia, hindi naman siguro ako bulag no. The way you treat each other, kahit na magkaaway kayo palagi, may something eh. Alam mo yun? Parang kilalang kilala niyo ang isa't isa.

Jia: Ahm marck, pwede wag nalang muna natin pag-usapan.

Marck: Okay okay. Halika nga dito, yakapin nalang kita. Nang mabawas bawasan naman yang pagkastress mo haha.

Niyakap ni Marck si Jia.

Jia: Ano ba marck! Hindi naman ako bata no. Ano na naman bang kailangan mo ha?

Marck: Ito naman. Cinocomfort na nga kita eh.

Jia: Akala ko kasi may kailangan ka na naman eh. Pero salamat sa pagcomfort haha. Tsaka pwede wag mo na muna sabihin sa iba? Ako na bahala magsabi. Hindi pa rin kasi nila alam eh.

Marck: Sino lang palang may alam niyan? Grabe ka magtago ng feelings Jia ha. Mana na ka sa akin.

Jia: Si ate den lang.

Naputol naman yung paguusap nila nang biglang dumating si denden.

Marck: Ah goodmorning ate den. Maiwan ko na muna kayo ha.

Umalis na nga si marck at naiwan si jia at denden don sa may shore.

Denden's POV

Pagkagising ko, wala na si Jia sa tabi ko. San naman kaya pumunta yun? Lumabas ako para hanapin siya. Naglakad lakad lang ako habang tinitingnan ang view ng paligid.

Hanggang sa mahagip ng mata ko si Miguel na may tinitingnan. Sinundan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin at nakita ko si Marck na yakap si Jia. Bakas sa mukha ni Miguel ang lungkot. Nagtago muna ako sa may poste sa tabi ko habang tinitingnan ko si Miguel na tumalikod at naglakad na palayo.

Naglakad na ako papunta sa kinaroroonan nung dalawa at pagdating ko, nagpaalam na naman si Marck.

Now it's just the two of us. Siguro naman masheshare na ni Jia kung ano talaga ang mga saloobin niya.

Me: What happened last night?

Kinwento niya kung ano yung naramdaman niya kagabi habang nagkatitigan sila ni Miguel

Alam ko lahat ng mga nangyari noon. Alam ko kung gaano nasaktan si Jia nung iwan siya ni Miguel. Dapat akong magalit sa ginawa ni Miguel. Pero there's a part of me na nagsasabing hindi dapat. Maybe because naniniwala akong mahal niya talaga si Jia, and maybe may he has reasons why he did it.

The More You Hate, The More You Love.Where stories live. Discover now