PART 21

2.6K 57 1
                                    


Dapat na ba akong makuntento? Dapat ko na bang alisin sa isip ko na paniwalaan ko lang si Trip?

Natatakot ako, kasi baka alisin ko ang pangamba tungkol kay Ana at patuloy na maniwala sa aking naririnig, ako'y maloko lamang.

But i said it once, "to Love is to risk, if its a game, play it. If its a battle, fight it. If its a gamble, trick it."

"Na aaning na naman ba si Heart Healer?" ngitian ko si Irene ng umupo ito sa tabi ko. "Okay kalang?"

Nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan ang straw ng aking ice tea.

"Mae?" tawag nya.

Tiningnan ko sya at nagkibit balikat. Okay ba ako kasi sinabi nya na huwag akong mag alala o okay ako kasi dahil ako si Heart Healer at sandigan ako ng mga bigo kaya kahit anong mangyari required na maging "OKAY LANG AKO."

"Hay....." mahabang buntong hininga nya. "Heart healer..."

A smirk show on my face, Yan, yan ang sinasabi ko...kasi ako si HeartHealer, ako si Lady Jam. Ang hirap pala pag nakita at pinapakita mong matatag ka.

Kasi sa oras na kailangan mong magpahinga; ipaparamdam nila sayong anong karapatan mong maging mahina? Anong pinaglalaban mo at bakit ka nag eemote dyan? Tsk.tsk.

"Kwento ka nga." bahagyang pinalo ni Irene ang table. Kinuotan ko sya ng noo.

"Hay, naku Mae. Alam ko yang pananahimik mo. Yang ganyan?" gamit ang hintuturo nya tinulak nya ang noo ko.

"Konti lang yung sinabi, at kung ano-ano na naglalakbay sa isip mo. At alam ko rin iniisip mo wala akong paki alam kasi sa pag eemote mo at pananahimik, pina alala ko pa rin na si HeartHealer ka." huh? mind reader?

"Pero alam mo?" tumigil sya at uminom ng kape. "Pina paalala ko lang sayo na kahit anong mangyari si Heart Healer ka, si Lady Jam ka at higit sa lahat ikaw si Mae." mataman lang akong nakikinig sa kanya.

Right now i need her encouraging words. I need someone to make me understand, who i am to stand alone this battle. Nakakainis na self esteem ito hindi ko mapaglabanan.

"Bago kasi kita hangaan bilang si Heart Healer at mahalin nila bilang si Lady Jam. Nakilala kita bilang si Mae-ang babaeng pag ayaw-ayaw. Pag gusto-pinaglalaban. Gusto ko bago mo maisip na si Heart Healer matatag at si Lady Jam matalino. Gusto kong balikan mo si Mae na tao lang din nagpapahinga at paminsan minsan nasasaktan." sabi pa nya.

"Si Mae, umiibig. Pahinga ka konti." she tap my shoulder, kaya napangiti ako. "Pero huwag mong kalimutan na si Heart Healer ka matatag at hindi hinahayaan na tuluyang masaktan at mawasak. Combine that three personality of yours siguradong ikaw na si Incredible Mae." patuloy nya.

Tumango ako at napangiti. What i have done with myself? Talo ko pa ang isang babae sa pelikula na may iba't ibang personalidad.

"Kaya mo yan." muling tinapik ni Irene ang balikat ko at tumayo sya.

"Pwede..." nakiki usap mata ko syang tiningala.

Ngumiti ito at tumango. Bumalik ito sa pag upo. Nahihiya ako. Nahihiya ako sa liit ng problema ko, pakiramdam ko napakasalimuot ng mundo.

Tumahimik lang si Irene. Nahihiya akong malaman nya kong bakit ako ki-aga aga nakakunot noo ako at panay hinga ng malalim. Nahihiya ako na sa dami ng nakapilang broken hearted na naghihintay kay Heart Healer e heto ako natatakot sa isang bagay na hindi naman dapat inaalala.

"Nahihiya ako sayo." napayuko ako.

"Aray!" isang batok ang natanggap ko sa kanya. "Ano ba!" sabi ko.

THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)Where stories live. Discover now