PART FIVE

5.6K 107 8
                                    

"Pagnaglaro ang Love sayo hindi ka pwedeng mag sabi ng Timepers, hindi pa pwedeng mandaya, hindi ka pwedeng mamili kung sino ang dapat kakampi. Kasi si Love parang liquid no hold bars kung baga walang makakapigil sa kanya."

"Falling inlove is like having a malignant disease once tamaan ka lagot ka, we cant undo the past but we can do something about the future. Hindi pa naman huli ang lahat diba? Kung nasaktan mo sya just ask for Chance or Chances, huwag kang mapagod mas masarap ang nilaga kung pinakuluang mabuti."

"Walang madali sa mundo. Kahit pag gawa ng bata diba?" bahagya akong natawa.

"What i mean is, ano ba namang paghirapan mo makuha ang gusto mo? Kasi pag pahirapang makuha ang isang bagay mahirap e let go. Kasi tuwing maiisip mong sumuko iisipin mo lang ang laki ng hirap ko dito ito lang ang ending?"

I smile as i say those words, paano ko nga ba nagagawa yun? Paano nga ba ako nagiging malakas dahil doon? People see me as a strong woman, but they do know that i bite sometimes.

Tumambay ako sa canteen ng TRIPINS Sarap ng nguya ko sa ensaymada with ham ko ng biglang may naupo sa table na inukopa ko.

"What did you do to my cousin?" nakacross arms na sabi nya.

Lumunok ako bago sumagot.

"Wala naman bakit?" kagat uli ng pagkain.

"Akala ko ba tutulungan sya ni Heart Healer, pero bakit ganun? Mas lalo ata syang lumala?" sabi nya.

"O...oo naman, g-ganun talaga yun bago pa eh. At naka dalawang meet ups palang sila ni Heart Healer. Nasa kanya naman yun kung susubukan nyang mag move on." yumuko ako.

Dahil di ko kayang salubungin ang titig nya.

"Tingin ko mas malala ngayon. Alam ko kung gaano sya nasaktan noong naghiwalay sila ni Ana. This past days okay na sya nakikita ko, pero kaninang umaga lang, natuluyan na ata."

Natuluyan? N-nabaliw? Oo nga parang okay na naman si Trip nitong huli, dahil kaya sa sagutan namin kagabi? K-kasalanan ko?!

"Huh?...a-ano...wala akong a-alam!" depensa ko.

"I dont think so." madiing sabi nya.

"Bakit ba sakin mo sinasabi yan?!"

"Because, this time ikaw na ang may kasalanan kung bakit sya naging ganun." sya at tumingin sa relo nya.

"Tsk.Tsk. alas 3 na, sarap ka sa pagkain dyan pano naman ang pinsan ko?"

Napakunot noo ako sa sinabi nya. Ano ngayon kung alas tres na? At anong kinalaman sa pagkain ko ang nangyayari sa pinsan nya.

"Kahit wala akong maintindihan, anong gusto mong gawin ko sa may sayad mong pinsan?" himig pagsuko ko.

"Puntahan mo."

Sabay tayo nya. Ano? Saan? Condo? Magdadala ako ng foods? Papalabas na sya ng canteen ng gumana ang utak ko.

"Hoy! Pinsan ni Trip, anong gagawin ko!"

"Puntahan mo na!" at tumuloy na nga sya.

"Haist! Bakit ba ako nadamay sa problema nila? Heart Healer ako hindi yaya o delivery girl!...Ate, isang Serve nga nitong bikol express at Kilawin. Tingnan lang natin kung makakaarte pa itong Trip Fontane na ito." nagpapadyak akong lumabas ng canteen.

Papalabas na sana ako ng building, pero hindi ako makalabas kasi ang daming tao. May naaksidente ba sa harap ng building?

"Padaan...Excuse me.."

Gusto ko ng manapak kasi tuwing hahawiin ko yung isa, tatlong tao naman ang hahawi sakin.

"PWEDE BA!!! MAMATAY NA SA GUTOM YUNG ANAK NI MR FONTANE, LALABAS AKO PARA PAKAIN SYA. KAYA PADAANIN NYO AKO, KUNG AYAW NYONG SABAY SABAY TAYONG MAPAPATALSIK NI BOSS DITO SA KUMPANYA NYA!!!" sumigaw na ako ng malakas.

THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)Where stories live. Discover now