12: Elliesandra Bermudez

147 4 0
                                    

"Mali"

" Bakit hindi yata kita nakita kagabi sa event sa plaza? "

Ipinilig ko lang ang ulo at pumikit. Medyo masakit kasi ito dahil na naman sa nangyari kagabi. Nakaubos na ako ng isang stick ng sigarilyo pero hindi pa'rin nawawala ang sakit nito.

" Ah..may inasikaso lang."

Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata.

Lunes at as usual nasa park na naman kami ngayon. Nakaupo sa aming upuan.

Halos ilang buwan ko na 'rin siyang kilala. At sa mga panahong 'yun, kahit tuwing lunes lang kami nagkakasama ay may namuo ng kakaibang pagtitinginan sa'min.

Ang weird nga lang ng paraan kasi tuwing lunes lang talaga kami nagkikita o nag-uusap ng ganito kalalim sa isa't isa.

Siguro dahil ito lang ang araw kung saan malaya kami.

The rest days are just the usual us.

" Ano naman ang inasikaso mo? Linggo saka pumunta ang mga pinsan mo 'run. Bakit ang pamilya mo lang yata ang hindi ko nakita?"

Fiesta kasi at nakaugalian na may pakain at painom sa lahat ng tao sa bayan. Kailangan magpabango ng papa niya bilang Mayor ng bayan. Sa susunod na buwan na kasi ang eleksyon at hindi basta-bastang pamilya ang makakalaban nito.

Our family are in good terms with them. Kaya siguro nagtataka ito na hindi makita ang pamilya ko sa kasiyahang 'yun.

" Just the usual things. Business." Malamig ang mga matang napatingin ako sa kawalan nang sabihin ko 'yun.

Kahit alam kong marami pa siyang tanong pero tumahimik nalang siya. Alam niyang nawawala ako sa mood kapag ganitong ayokong pag-usapan ang pamilya ko.

"Anong balak mong kunin pag college? Ilang linggo nalang ay graduation mo na."

Natigilan ako at hindi siya ulit masagot. Ilang beses na niyang naitanong 'yan sa'kin pero hanggang ngayon wala pa'rin akong maisagot sa kanya.

Napansin niya siguro na wala akong maisagot kaya iniba nalang niya ang tanong.

" Minsan ba, nahiling mo na sana lunes nalang lahat ng araw?"

He suddenly caught my attention. Bahagya ko siyang tiningnan sa gilid ng mga mata ko.

" Bakit naman? Alam mong hindi pwedeng maging ganun. Saka, bakit lunes pa?"

He let out a soft grin and lick his lips.

" Because Monday is you. It means spending the whole day with you."

Napangiti ako.

" Do you want to be selfish? You wanna spend your time with me everyday?"

Napaisip siya at masayang napasulyap sa'kin.

" Why not? I can do that."

Umiling ako pero hindi na mawala ang mga ngiti sa labi.

" You know you can't, and I know also that I can't."

Nakita ko ang paglungkot agad ng mukha niya.

Napahinga ako ng malalim at napalabi.

" Bakit hindi, Ellie?"

" Alam mo naman kung bakit. Tinanong mo pa."

Pareho kaming natahimik at ilang sandali pa ay umihip ang malamig na hangin sa'min.

"Third degree cousin. Tsk. Bakit ba kasi nasa batas na hindi pwedeng magpakasal ang magpinsang hindi buo?"

TISAYWhere stories live. Discover now