34: Lionel Samaniego

199 7 0
                                    

"saved "

6 years after

" You may now kiss the bride."

Everybody is cheering and clapping as Thea and her girlfriend Mavie are kissing in front of the judge. Napaka-intimate ng kanilang wedding at iilan lang din sa mga close friends namin ang dumalo.

Who would have thought that Thea will find her happy ending here in Chicago?

Our family thought that we would end up here together. That we would find our peace here.

But Thea and I know that would never be the case for both of us. We both know that our hearts don't belong to each other.

Noon ko pa alam na isa siyang trans. Hindi man halata sa kilos at pananalita pero buong pagkatao niya isinisigaw ang totoong sarili. Kailanman hindi siya magmamahal ng isang lalaki.

" Thank you Lionel for coming. You should stay for a while." Payapa akong ngumiti sa kanya.

" Hindi na. Dumaan lang talaga ako."

Napatango siya sabay bigay sa'kin ng makahulugang tingin.

Umiling ako at sinubukang ignorahin ang ibig itumbok ng kanyang mga titig.

" Ingat ka. Just say hi to me to Bella Luna and to ..her."

Bago pa siya maka-asar ng anu paman sa'kin ay mabilis na akong lumabas ng event hall at tumungo sa'king sasakyan.

Napabuntong hininga ako nang makarating ng bahay.

Tumingin ako sa malaking bahay at malungkot na sinariwa ang lahat ng nangyari nitong taon. Hanggang ngayon hinahabol pa'rin ako ng nakaraan.

Natatakot pa'rin ako. Kailanman hindi ako nakaramdam ng katahimikan.

Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok sa maliit na gate. Nagtuloy-tuloy ako sa loob ng bahay. I tried to look for Bella Luna, but I couldn't find her. Siguro nasa school pa 'to.

Aakyat na sana ako ng hagdan nang mahagip siya sa'king paningin. Nagluluto sa kusina.

Matagal akong napatitig sa kanya at nasasaktan ang puso kong makita siya na hanggang ngayon nagtitiis sa'kin.

Napaangat siya ng tingin. Buong tuwa ang unang nakita ko sa kanyang mga mata nang makita ako. Pero kalaunan ay nabura 'yun bigla nang mapansin ang seryoso kong mga tingin sa kanya. Bumalik agad sa pagkabahala 'yung maganda niyang mukha.

Malungkot siyang napayuko at sinubukang tapusin ang ginagawa.

Napalunok ako at kahit sa tensyong namamagitan sa'ming dalawa ay lumapit pa'rin ako sa kanya.

" Ano 'yang niluluto mo?"

Napaangat siya ng tingin at napansin ko ang pagliwanag ng mga mata niya nang tanungin ko siya. Bihira ko lang kasi siyang kausapin.

" Nilaga..Lionel." Hindi ako umimik at tumingin lang sa tabi.

Nakita ko si Ellie na kumakain. Natapunan pa ang kanyang damit ng kinakaing chicken curry.

" Bakit hindi mo nilagyan ng bib si Ellie, Tisay? Look at her. Ang dumi niya tingnan kumain."

Nagulat siya at madaling iniwan ang ginagawa. Aligaga siyang lumapit sa limang taong gulang naming anak na babae.

" Mommy.." Napatingin ang anak namin sa kanya.

Tahimik lang niyang pinunasan sa bibig si Ellie.

" Baby, dahan-dahan lang sa pagkain ha. Daddy will not like it." Malungkot na napatingin silang dalawa sa'kin.

Seeing two versions of Tisay in front of me is already enough for my head to hurt. Parang nadagdagan ang mga alalahanin ko nang dumating si Ellie sa buhay namin.

TISAYWhere stories live. Discover now