CHAPTER 39:

16 1 0
                                    

TORI'S POV

Crap. Shit. Hindi kami mapakali at hindi rin makakilos dahil nandito lang naman ang misteryosong Headmaster namin!

Mala ninja suite pa rin ang suot niya at may dala siyang hindi pangkaraniwang tungkod.

“Ipagpatuloy niyo lamang ang inyong ginagawa. Papanoorin ko kayo hanggang sa matapos kayo.” Mahinahong sambit ng Headmaster at tinalon niya ang isang mataas na sanga ng puno at doon siya umupo. Nagawa niya pang kumuha ng bunga nito. It's a Green Apple Tree! Ngayon ko lamang napansin na marami palang mga puno ng mansanas dito at karamihan sa kanila ay Green Apple Trees.

“Ano na? Saan na ang angas mo ngayon? Sabi mo di ba, hindi ka takot sa Headmaster?” Asik na bulong ko kay Trunks na tinignan lamang ako ng masama. Nakakamatay na tingin.

“Shut the fuck up, pussycat.”

“Tss. Scared-wolfyyyyy.”

“Hoy! Ikaw huh---”

“Blah blah blah, so, kontrata na kita? Pwede kong i-summon si Silver kahit anong oras-----”

“Bawal. Ayaw ko. Maghanap ka na lang ng wild animals dito-----”

“Isang araw ko lang naman hihiramin si Silver. You know, may assignment kami na shifting dahil hindi ko naman kaya mag palit anyo so summoning technique na lang ang gagawin ko.”

“Oo nga pero bawal si Silver ang ikontrata mo.”

“Isang nga lang di ba?”

“Bawal pa rin---”

“Pumayag ka na sa kagustuhan ni Tori, Trunks. Si Silver na lang ang ipakontrata mo sa kanya ng isang Araw.” Abot hanggang tainga ang ngiti ko sa sinabi ng Headmaster. Tumingin naman ako kay Trunks na lalong hindi maipinta ang mukha at ayon na naman ang nakakamatay niyang tingin sa'kin.

“Fine! Isang araw lang huh!?”
Whoa... Hahahahaha halatang takot na takot din ito sa Headmaster dahil pumapayag agad.

“Yeah yeah, ano bang gagawin kapag makipag kontrata?” ngisi ngising tanong ko kay Trunks. Sulitin ko na ang makikipag usap sa kanya ng matino with halong sarcasm dahil nandito naman ang Headmaster. Kaya hindi ko kailangan mangamba kung may gagawin mang masama sa'kin si Trunks o gusto niya akong patayin. Hindi niya nga ako mapagbantaan eh. Paano naman kasi nababahag ang buntot dahil kay Headmaster.

“We need to kiss for the contract. ”

“Ano??? Gago!!! Weeeehhhh ulol!”

“Hoy babae!!! Namumuro ka na sa'kin huh!!! Humanda ka talaga sa'kin kapag wala ang Headmaster!”

“Ehhhh, bakit naman kasi kiss pa???”

“Engotttt tangaaaa! I'm just kidding!!! Naniwala ka naman!”

“Pakyu Trunks, malay ko bang marunong ka palang mag biro???”

“Sabing huwag mo kong minumura!”

“Gawin niyo na ang contract, Silver Trunks. May naghihintay pa sa inyong parusa.” sabay kaming tumingala ni Trunks sa itaas ng puno at tinignan ang Headmaster na hindi ko alam kung paano niya nagagawang kainin ang green apple kung sa gayon may harang ang bibig niya???

List number one about Headmaster: Mahilig po siya sa Green Apple ayon ang sabi sa'kin ni Minty. Hindi raw ito nawawalan ng dala dalang berdeng mansanas kung saan man ito magpunta.

“A---anong pa----parusa po, He------he----headmaster?” wengyaa hahahahah! Si Silver Trunks ba talaga itong kasama ko? O kaluluwa ni Devin na sumapi sa kanya? Hahahaha! Paano naman kasi kung ano ang naging reaksyon ni Devin nong nahuli kami ni Headmaster ay parehong pareho sila.

“Nothing. Just a punishment.” simpleng sagot ni Headmaster pero kailangang intindihin ng mabuti. Dumako ang mga mata nitong walang emosyon na may magandang kulay. Golden Amber eyes. “Isang patak lamang ng dugo ang kailangan upang ma sealed na ang kontrata mo kay Silver. Sugatan mo ang iyong isang daliri at ipatak mo sa bibig ni Trunks ang unang labas ng dugo nito. Do it now.” Naintindihan ko agad ang sinabi ni Headmaster at tulad ng sinabi niya ay ginawa ko ito. Nag summoned ako ng isang dagger at sinugatan ang isa kong daliri. Kusa ng lumapit si Trunks sa'kin dahil hinawakan niya pa ang pulsohan ko at dinilaan niya ang daliri kong may sugat. Napaigtad ako sa ginawa niya at napaatras ako ng konti. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Weird. When his tongue touch my finger I felt electricity shock in my whole body system. Para akong kinuryente.

“Done. Tapos na ang kontrata niyo kaya sumunod na kayo sa'kin.” Bumalik lamang ako sa reyalidad ng magsalita ang Headmaster. Walang kahirap hirap na tumalon siya mula sa sangang kinaupuan niya at swabeng nag landing dito sa lupa. Nauna siyang naglakad sa'min kaya wala naman kaming magawa kundi ang sumunod sa kanya. Pareho kaming tahimik ni Silver Trunks habang nakasunod sa Headmaster. Alam kong pati siya ay nararamdaman din ang panandaliang kuryente kanina na dumaloy sa katawan ko. Dahil kitang kita ko sa  fierce niyang mukha ang gulat at pagtataka rin.

Anong ibig sabihin ng kuryenteng iyon?

“THIN, pakibigay ang kanilang parusa.” Dumating kami rito sa Headmaster's House at kasalukuyan kaming naka upo rito sa sofa na nasa sala ng opisina ni Headmaster.

«Headmaster Siege Empyrean»

Ang kanyang pangalan basa ko sa naka ukit sa hindi ordinaryong bato na naka display sa lamesa. Even his name is handsome hahahahaha.

“Masusunod po Headmaster. Binibining Tori at Master Silver Trunks, ipagpaumanhin niyo sana ngunit kailangan niyo pong inumin itong Tea coffee.” may lumitaw na dalawang tsaa sa lamesa at may pangalan pa namin ni Silver Trunks.
Tumingin ako kay Thin the fairy secretary assistant of the Headmaster. Nagtatanong kung anong klaseng tsaa ito???

“Huwag po kayong mag-alala, Ms. Tori. Hindi po iyan lason. Alam na po ni Master Silver Trunks kung ano po iyan. Maiiwan ko na kayo. Paalam.” Naglaho nga si Thin kahit si Headmaster ay nawala na rin sa paningin namin ni Trunks. This time kay Trunks naman ako tumingin pero gusto ko na lang humagalpak ng tawa dahil sa itsura niya habang nakatingin sa tea coffee na nasa harapan namin.

Fiercest Looking guy to nalulugi na para pa siyang natatae Hahahahahha!!!

“Ano bang klaseng Tea ba ito, Trunks???”

“Damn. Fuck. Shit.”

“What?!”

“Tangnaaaaaaaa....”

“Ano bang nangyayare sayo???”

“I hate this fucking punishment”

“Katapusan na ba ng buhay natin kapag iinumin natin ito?

“No. Dahil katapusan na nga ng buhay mo ay lalo pang tinapos dahil sa parusang ito.”

“Emotional damage”
I don't get it.

“Bahala na! Iinumin ko na ang akin!” Kinuha niya nga ang tasang may pangalan niya at isang lagok lamang ang ginawa niya... Hinihintay ko ang kung anong epekto ng Tea Coffee...

Empyrean AcademyWhere stories live. Discover now