CHAPTER 49

19 1 0
                                    

TORI'S POV

Nandito pa rin ako sa suite ni Triumph at hindi ko maintindihan ang sinabi niya kaninang 'go with the flow' tapos may pa---baby pa sa dulo. Lakas din talaga ng amats ng isang toh.

“Uh, Triumph, nakita mo rin ba kanina si Ma'am Axrayah? Hawak niya si Minty.” marahang wika ko sa kanya. Naiilang din ako sa binibigay niyang tingin sa'kin dahil parang buong pagkatao ko ay inuurak niya.

“Hmm, huwag mo ng alalahanin iyon, si Headmaster na ang bahala kay Ma'am Axrayah.”

“Wait, ibig niyo bang sabihin, alam niyo ng mangyayare ang kaguluhan kanina?”

“Predictable”

“So, ano yon? Palabas lang?”

“Of course not! Gusto ko ngang gulpihin ang Rebellious God na yon! Dahil hinalikan ka niya sa pisngi! Damn him!”

Gusto kong matawa dahil parang mas galit na galit pa siya sa ginawa ng Demon God sa'kin. Wala namang epekto sa'kin yon pero nakakainis pa rin dahil hindi ko naman nababasa ang laman ng isip ng demonyong yon alama kong may binabalak siyang masama sa'kin. Pero, iniisip ko pa rin si Ma'am Axrayah, masama ba siya? Sa paraan ng pagtingin niya sa'kin kanina ay parang gusto niya akong patayin.

“Matagal na bang guro si Ma'am Axrayah dito?” naitanong ko kay Triumph. Tumango siya at ayon na naman ang malamig niyang tingin sa'kin.

“Yeah, childhood friends sila ng Headmaster at karamihan sa mga professors natin dito.”

Hindi na ako umimik at napaisip saglit pero agad din akong napatayo sa kinaupuan ko ng biglang nagsulpotan sa harap namin ni Triumph sina Trunks, Mint, at Devin. Nagkanya kanyang upo ang mga tukmol sa mahabang sofa na narito sa sala ng suite ni Triumph.

“Ang lakas pala talaga ng Dragon ng isang Rebellious God. Kaluluwa lang yon pero sobrang lakas pa rin.” saad ni Trunks at saka lumipat ang tingin ng abong mata nito sa'kin. “Wierd. Paano mo nagawang tawagin ang nahimlay ng kaluluwa? At ang masaklap pa ay pati Dragon ay kasama? Ilang taon na rin ang nakalipas ng huli kaming nakakita ng Dragon dahil hindi sila basta basta lumitaw dito sa Empyrean Kingdom kapag wala ang nagmamay-ari sa kanila na mga Gods and Goddesses.”

“Di ko alam. Sumunod lang naman ako sa tinuro ni Ma'am Axrayah kanina malay ko bang ganon ang mangyayare sa lesson namin kanina.” saad ko at napasimangot. Pakiramdaman ko kasi, parang sinisisi nila ako sa nangyareng kaguluhan kanina. Bumigat ang pakiramdam ko at parang gusto kong umiyak.

“Wala namang nasaktan sa nangyare maliban sa mga gusaling gumuho dahil sa kagagawan ng dambuhalang dragon hahahahha!” doon lang ako nag-angat ng tingin ng magsalita si Devin at tumawa pa.

“Pssh, ni kalmot nga hindi mo gawa kanina sa dragon eh. Isang buga lang ng hangin non siguradong mamawala ka na sa mundong ito.” segunda ni Mint. Nang-aasar.

“Ulol, ikaw din naman! Wala ngang talab ang utot mong elemental magic sa dragon na yon eh!”

“Ikaw----”

“Enough! Bakit ba kayo nandito?!” pigil sa kanila ni Triumph na siyang ikinatahimik ng dalawa.

“Hahahahah! Gusto lang namin makita si Tori kuya kung ayos lang siya pero mukhang ayos lang naman siya kaya aalis na kami hahahahah!” pffttt... Takot nga sila kay Triumph maliban sa a song u lol na si Trunks. Nakaka-insulto na naman itong tumingin sa'kin. Sa inis ko ay tinarayan ko siya at saka ako tumayo upang pumunta sa kusina.

"Where are you going?"
Triumph asked. Tinuro ko lamang ang kusina niya at tinalikuran na silang apat.

Pagdating ko dito sa kusina ay agad akong kumuha ng tubig sa ref upang uminom hindi ko alam kung bakit mabigat ang pakiramdam kung sa gayon ayos lang naman ako. Aalis na sana ako sa kusina ng biglang dumilim sa buong paligid at nanlaki ang mata ko ng parang may kamay na humawak sa'kin pero para itong kalansay. Gusto ko sanang sumigaw pero huli na ang lahat ng lumiwanag ang paligid ay nasa ibang lugar na ako. Doon ko lamang nakita ang may hawak sa'kin! Hindi nga ako nagkamali dahil isa nga siyang kalansay! Skeleton potek! Nasapak ko siya hindi sa takot kundi sa gulat! Damn. Ang sakit ng bungo niya! Naglaho naman agad ito sa paningin ko. Doon ko lamang nailibot ang paningin ko sa buong paligid. Nasa kagubatan ako at may isang kubo sa hindi kalayuan.

“Tara na Miss, hinihintay -----”

“What the fuck! Ikaw na naman!”

Sasapakin ko pa sana ang Walking Skeleton na ito ng mabilis siyang umiwas at parang sumusuko kaya naman naibaba ko ang kamao ko at masama siyang tinignan.

“Sorry, natatakot ka ba sa'kin? Sige, hindi na kita hahawakan kailangan lang nating pumunta sa kubong iyon.” turo niya sa kubong nakita ko. Bumalik ang tingin ko sa kanya at kumunot ang noo ko dahil kalansay na siya pero bakit may suot pa siyang damit? Pang Prince Suit ang suot niya.

“Hindi ako natatakot sayo. Nagulat lang ako dahil bigla kang sumusulpot. Ano bang pangalan mo?” Marahang tanong ko. Maayos naman ang pakikitungo niya sa'kin at hindi ko nararamdaman na masama siyang nilalang. Though, kung normal lang akong tao siguradong nagtatakbo na ako sa takot dahil sa itsura niya.

“I'm Brook.”
Pakilala niya at yumukod pa siya na parang Prinsipe. Nahihimigan ko rin sa tono niya na parang masaya siya. Hindi ko naman malaman ang expression niya sa mukha dahil nga kalansay lamang siya, Skeleton. Skeleton. Malalaman mo lamang ang emosyon niya sa tuwing magsasalita siya.

“Pasensya ka na kung nasapak kita kanina. By the way, I'm Victoria Sacared but you can call me Tori for short.”
Inilahad ko ang kamay ko at hindi ko alam kung ano naman ang reaksyon niya pero sa wari ko ay nabigla ito sa kinilos ko dahil natigilan siya pero agad niya ring tinanggap ang kamay ko at nag shakehand's kaming dalawa.

“Tara na Tori, hinihintay na tayo ni Ma'am Axrayah.”
Aniya at sa binanggit niyang pangalan ay doon lamang ako tumalima. Kung sa gayon, si Ma'am Axrayah na naman ang may pakana nito ang mapunta ako sa kagubatan ito? Ano na naman kaya ang gagawin niya?






Empyrean AcademyWhere stories live. Discover now