Simula

10 2 0
                                    


"tangna july ang mahal ng project natin ngayon" hampas sakin ni samira mula sa likod kaya agad ko itong hinarap

"gagong to ansakit ha, anong project?" tanong ko habang nililigpit yung upuan dahil kami ang cleaners ngayon

"floorwax inday, tig dalawa daw per student tas sa mga kulang sa polgov natin walis tambo, pota buti nagpasa tayo ng reaction paper last week, sakit wala nga kaming floorwax sa bahay pag dadalhin pa ko dito" sunod sunod na reklamo nito habang nag aayos kami ng upuan

"bilisan mo na jan"

nang matapos kami ay agad kaming lumabas naabutan ko ron si farah, ang kapatid ko.

"kanina ka pa?" tanong ko rito dahil ang alam ko mas una ang uwian nila samin dahil grade 12 ako habang grade 11 naman siya

"sakto lang mhie, tara na, te sam lilibre mo ko meryenda?" baling nito kay samira

"gaga wala nga akong pambili project namin palilibre kapa" sabay kaming tumawa ng kapatid ko.

nilalakad lamang namin ang pauwing bahay kahit medyo malayo ito dahil dagdag lang sa gastos ang pamasahe pero minsan pag medyo nakakaluwag kami ay nag ti-tricycle kami.

sabay kaming tatlo madalas minsan naman ay nauuna ang kapatid ko samin kasabay ang mga kaklase nito.

"gusto niyo fishball? palamig?" baling ko sakanila dahil sa nadaan naming tindahan

"oh manlilibre ka?" gulat na tanong ni samira

"minsan lang to te sam, dali na bago mag bago isip niyan" agad na kumuha ng stick si farah at ganon rin si sam

"tig lima lang, bente lang to" sabay naman silang tumango

"ate fifteen pong fishball tas isang palamig, chocolate po" bayad ko sa tindera, agad naman nitong kinuha ang bayad ko at tinakal ang palamig saka iniabot sakin. "salamat po" saka kami umalis ron at nagpatuloy sa paglalakad

"salamat beh!" sigaw ni samira bago ito lumiko sa kung saang kanto sila

"bukas libre mo ko te!" sigaw rin ng kapatid ko rito.

"san mo nakuha bente mo ha" baling sakin ni farah ng makarating kami sa tapat ng bahay namin

"baliw ka ba syempre sa baon ko" hampas ko rito, pabiro naman ako nitong ginantihan ng kurot

"kupit ka pa ah"

"pakyu tabi na nga" tulak ko rito kasabay ng pagbukas ng pinto at bumungad samin ang aming nanay na may hawak na palanggana na may lamang mga hanger

"nag aaway nanaman kayo? naku naman magsitigil nga kayo jan jusko ang la-laki niyo na para mag away ha!" saway nito samin dahil nakasalampak si farah sa sahig dahil sa pagtulak ko

"di ma, ito naman si mama eh" hawak ko sa braso nito kasabay ng paghalik ko sa pisngi nito

"sus sinasabi ko sainyong dalawa ha"

"tinulak ako niyan ma!" sigaw ni farah ng makatayo saka yumakap rin kay mama

"maghain na kayo, nagluto na ko para tulungan niyo ko sa mga isasampay sige na para makakain muna tayo" utos nito samin bago lumabas ng pinto para ipunin ang mga hanger.

"maghain ka jan, magbibihis lang ako" utos ko kay farah

"angas mo ah iwas gawain ka talaga te" reklamo nito ngunit nagpatuloy lamang ako papuntang kwarto namin.

matapos kong magbihis ay agad na pumasok si farah habang nakangiti at nakatutok ang mata sa kanyang cellphone

"ayan sige landi pa" asar ko rito kaya agad naman nitong inilapag ang kanyang cellphone sa gilid saka siya kumuha ng damit sa drawer.

SLAPSOIL #1 : Aray ko, Wait lang.Where stories live. Discover now