Chapter 1

6 2 0
                                    


tanginits sa Thursday at Friday pala ang midterm! sure ba to? ni isang subject nga ata di pa ko nag rereview!

"tangina, sa Thursday na midterm!?" balik ko kay samira

"wag mo nga ako anohin jan namomroblema ako sa floorwax ko, hanggang mamayang hapon lang yon!"

"tanga edi tara na kina hanika sabihin mo kahit pang floorwax lang, di tatanggi yun sure ako" hampas ko sa desk nito

"andon kaya si hanika?" tanong nito dahil madalas iyong wala ron lalo pa't maaga pa, nahihiya naman kaming iapproach ang nanay nito kahit pa mabait naman at naiintindihan ang sitwasyon namin.

"siguro, try natin pero hanggang 6 lang ako mayayari ako kay mama nito"

"sige, mauna ka nalang umuwi sakin. gipit era talaga ko ngayon, ang hirap maging mahirap" saka ito nagmukmok sa desk niya.

agad kong kinuha ang cellphone ko at chinat si farah na mauna ng umuwi dahil may gagawin pa kaming research na ang totoo at wala naman.

hindi ko pwedeng sabihin kay mama ang totoo dahil alam kong magagalit lamang ito. kahit pa mahirap at kapos kami sa buhay ay ayaw nitong nagtatrabaho kami ni farah, hanggang kaya niya raw mag trabaho ay ituon lamang daw namin ang pansin sa pag aaral.

"chinat mo na si farah?" baling nito sakin

" oo, wag ka maingay don ha"

"oo naman"

lumabas kami ng classroom at agad na pumunta sa classroom para sa PE namin kung san may parang locker na ginawa ron. kinuha ko ang inistock kong checkered na long sleeve ko ron, pantalon at isang t-shirt ko at  ang high cut kong sapatos saka agad na lumabas para pumunta sa banyo.

"bagal, kukuha lang ng damit" sabi ko kay samira

agad kaming naglakad papunta kina hanika at nang makarating ay agad kong napansin ang dami ng estudyante ron, karamihan pa ay mga taga Gracel.

agad kaming pumasok sa loob at nahagip ng aking paningin si hanika sa may tabi ng counter habang may kausap na babae.

"yon beh oh" turo ko kay samira kung san naron si hanika

"ellie" bulong nito pero dahil medyo malapit kami sa isa't isa ay narinig ko pa rin.

"ellie?" tanong ko rito kaya agad naman itong napabaling. lumaki ang mata nito panandalian at agad ring bumalik sa normal kasabay ng pag iling nito.

"tar-"

"mamaya na, hintay nalang tayo sa labas. pahinga lang ako saglet para akong binugbog ng dahil sa floorwax na yon" agad itong lumakad palabas kaya agad akong sumunod rito kahit pa may parte saking nagtataka kung bakit bigla nalamang nagbago ang timpla nito. umupo ito sa isa sa table ron kaya naman ganon rin ang ginawa ko.

"mag review ka ng gen math ha" sabi ko rito

"ano?" agad na baling nito sakin "niloloko mo ba ko?"

"sus wag nga ako, lagi mo namang sinasabing "ang hirap ng gen math, gusto ko nalang mag asawa" eh lagi ka namang highest bwesit ka"

"chamba lang, politics wag mo kalimutan" sabi nito habang napabaling ako sa kumpol ng estudyanteng maingay at mukhang may pinagtatalunan.

"oh common, wag niyo kong gaguhin dito!" sigaw ng babae sa kaharap niya. marami sila ron at ganon rin sa parte ng sumigaw, saka ko napansin ang uniform nila, mga taga Gracel yay.

"bobo kaba?"

"coming from you? first to the last from the list? you must be kidding me!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SLAPSOIL #1 : Aray ko, Wait lang.Where stories live. Discover now