2

6 3 0
                                    

"Hello po. Welcome to the Philippines!"

"Hala shit, Ang Ganda niya!"

"Englishin mo baka Hindi Maka intindi Ng Tagalog. "

"Tanga ka ba? Malamang hindi. Foreigner yan eh."

"Ay ganon ba?"

"Oo, ang slow mo naman. Tignan mo oh, ang puti puti niya tapos ang kinis kinis. ANg accent niya rin, pak! Amerikana!"

"Eh, bakit Argon ang apelyedo niya? Wait--- ngayong nakita ko siya sa malapitan, mukha siyang pamilyar."

"Baka model."

"Malay mo asrtista."

"Hindi kaya isa syang vlogger or influencer?"

"Tiktoker ba siya?"

"Teka lang, isa ba siyang pornstar?"

Wala sa sariling naibuga ko ang iniinom kong kape sa mukha mismo ni Geraldine ng marinig ko ang huling sinabi ng mga kasamahan niya.

Pota ano raw? Pornstar?

Galit na tumingin si Geraldine sa mga kasamahan niya bago pinambabato sila ng mga ballpen.

"Tangina niyo! Lumabas nga kayong apat! Nakaka perwisyo kasyo, hindi kayo nakakatunglong. Mga bwiset!"

Napahawak ako sa dibdib ko at umubo. Hindi ko alam, wala namang buo buong malalaking particles or whatever ang iniinom kong kape pero hindi ko mapigilang maubo.

Siguro dahil awkward.

Pilit akong ngumiti Kay Geraldine nang magtama ang paningin naming dalawa.

She sighed. "I'm so sorry Miss Argon," paumanhin niya at napa yuko.

Nataranta naman ako kaya agad ko siyang pinatingin sa akin at ngumiti. This time, Ang ngiti ko ay hindi awkward, pilit, at naiilang.

"Okay lang yun Geraldine." I patted her shoulder.

"I'm so sorry talaga Miss Argon, hiyang hiya ako Ngayon at Wala akong mukhang maihaharap sa iyo." Sabi niya at tinakpan Ang mukha niya gamit Ang kamay niya.

Napakamot ako Ng ulo. "Ah, hehe, ayos lang po yun" maliban sa part na napagkamalan nila akong pornstar.

Ganon na ba ka common Ang mukha ko?

Maganda ako. Yes. Inaamin. Kasi totoo Yan, at Hindi ako nagsisinungaling.

Nakatali Ang buhok ko Ngayon sa isang madaliang tirintas na ginawa ko bago pumasok dito, sa Zhou Compound. Naka maong ako na pantalon na pinaresan ko Naman Ng isang t shirt na ninanakaw, este, hiniram mula kay Kate.

Sadyang hindi ko lang nabalik. Yun yun.

Kaunting make up lang din Ang nilagay ko sa mukha ko kanina, bago lumapag Ang eroplano kaya naman nasisiguro ko na nawala Rin yun kaagad.

Nahihiya tuloy ako Ngayon, mas mukha pang matanda at professional si Geraldine kesa sa akin.

Oh well...

"Pasensya na po talaga, mga baguhan po kasi sila." Sabi niya at napapikit.

Malamang naalala niya Naman Ang usapan Ng mga kasamahan niya at Ang pag aakala sa akin biglang pornstar.

"Sorry po talaga!"

Awkward akong tumawa bago naiilang na tinapik tapik Ang likod niya. Sinusubukan ko siyang patahanin at pagaanin Ang loob, pero mukhang hindi gumagana yun.

Mas lalo niya pa kasing dinamdam Ang nangyaring pag uusap Ng mga kasamahan niya kanina. Hanggang Ngayon ay naka yuko pa rin Siya at Panay hingi Ng pasensya sa akin.

The Hapless Lady's Instant FamilyWhere stories live. Discover now