Entry #4

7 0 0
                                    

Pumasok na ang buwan ng Pebrero at dumaan na rin ang sinusumpang February 14 na araw ng mga puso. Dapat gagawa ako ng Special story para sa month na ito, kasi nga di na ako nakapag update sa mga story ko na under construction. So yun nag-iisip ako ng plot para nga sa "Special Story" na dapat gagawin ko tapos may isang bagay na pumasok sa isip ko...

Pag ba nagustuhan mo sya ng dahil sa ugali nya mahal mo na sya???

yan yung unang pumasok sa isip ko, tapos nadagdagan ulit ng isa pa...

Paano ko kaya malalaman kung love, infatuation, o crush lang??? Love ba yung kahit hindi ko pa sya kilala, unang tingin ko kaagad sakanya ang gaan na agad ng pakiramdam ko sakanya. Yung parang kilala ko na sya. Tapos sasabihin ko "ay ang cute ni kuya... parang ang bait nya..." o kaya naman, sya yung lagi kong naiisip, echos chorva, tapos ewan....

Hindi ko talaga alam kung bakit yan pumasok sa isip ko yun. Sa totoo lang wala naman akong lovelife. wala akong minamahal. WALA as in WALA!!  Kampon ako ng POREBER ALONE sa mundo. Hindi ko lang talaga alam kung bakit pumasok yun sa isip ko. Habang nag-iisip ako napatingin ako dun sa harapan ko; sa kabilang dulo ng room; katapat ko sya. Yung taong... nagpagulo ng buhay ko?? LOL hindi naman talaga gumulo buhay ko ng dahil sakanya, parang ewan. mahirap ipaliwanag

 C O M P L I C A T E D  ----- as in sobrang complicated. sabihin na natin na crush ko sya. EEEEEEWWWWWWWWWWWW!!!! sya crush ko?? HAHAHA halerr may taste naman ako sa mga boys eh. Hindi naman sa sinasabi ko na hindi sya pogi, parang...ano...isa lang sya dun sa mga NORMAL na kalalakihan na makikita mo sa araw-araw na buhay. pero sakin, ang first impression ko sakanya, c u t e. Second impression ko sa kanya m a b a i t. Ayun. boom. hindi ko alam kung bakit yun ang first impression ko sa mayabang na yan. naiinis nga ako eh, sa lahat ng pwede maging crush, sya pa!! Kaya nga ang kanta ng mga kaibigan ko sakin, G A Y U M A. adik lang noh?

Adik talaga. nagayuma nga kasi ako. HAHAHA. Pwera biro, mabait naman talaga sya eh. Di lang talaga halata. Cute sya? OO cute sya nung bata pa. Ngayon, ewan ko na lang. 

So yun nga sabi ko nga nandun sya sa kabilang dulo ng room at napatingin ako sakanya kasi nga katapat ko sya. BOOM!! Eye to Eye!! Normal lang ba yun? Yung totoo? Kasi napapansin ko lang, malimit yun mangyari thse past few days. Ewan, feeler lang siguro ako? Pero kasi sabi nung friendship ko, madalas daw nya makita na nagkakatinginan nga kami. Wala lang, hindi naman sa happy ako kasi nangyayari yun. Ayokong mag-assume!! Malay mo coincidence lang diba? Eh kaso wala lang. Normal pa ba yung lagi na lang kayo nagkakatinginan tapos nakikita mo na nakatingin sya sayo. Err feeler ba? kasi naman yun talaga yung ramdam ko, tapos sabi rin ni friendship yun @__@     kakaloka ever!! Edi ayan nagkatinginan na nga kami, siguro two seconds din yun tapos sabay kaming iiwas. yieeeeee!! an saya. HAHAHAHA ang gulo ko noh? xDD

Speaking of magulo, ang gulo ng isip ko. SOBRA!! Alam kong suplado sya pag hindi mo sya kinausap, pero paano naman kung katabi mo na nga sya gusto mo na sya kausapin. Yun na yung chance, kaso hindi mo naman alam kung paano mo sya kakausapin? Oo nakakatext mo sya, nakakachat. Pero sa personal halos parang hindi mo pa sya nakakausap. Yung feeling na nag-aalangan ka. Kasi una, mag-uusap kayo, ano naman paguusapan nyo? Pangalawa, iisipin mo na baka hindi ka nya kausapin. Pangatlo, natatakot ka na kausapin sya, and so on and so forth, kaya sa huli hindi mo na sya makakausap. Tapos wala lang. Ayos lang naman talaga sayo na hindi sya makausap, kaso nandun pa rin yung panghihinayang. OO nanghihinayang ako pag ganun, kasi diba nandun na yung opportunity hindi mo pa na-grab!! Eh sus, ano ba naman ang mapapala ko kung makausap ko sya, wala din naman. TT____TT

GRABEEEEE!!!! Ang guloooo!!!!!! Sabihin nyo nga sakin C R U S H   pa ba ang tawag jan?? Sa totoo lang, halos buong school year ko na syang crush. WEH?! may crush ba na umaabot ng  ten months?? Sabi kasi nila hanggnag four months lang ang crush. Eh paano naman yung akin? Pano naman yun kung ilang taon na ang nakalipas tapos crush ko pa din sya. Crush pa ba yun? Hindi ba LOVE na yun kasi lampas four months na?? HAHAHA 

 Ang alam ko pag crush, pagpapantasyahan mo yan. For example, Valentines day, todo imagine ka na bibigyan ka nya ng something tapos sa kaka-imagine mo umasa ka, tapos ayun NGANGA ka ngayon kasi hindi ka naman nya binigyan ng anything. Para ngang hindi nya alam na nag-exist ka pa sa mundo eh. Ang alam ko talaga ganyan ang crush. Kasi huli akong nagkaroon ng crush, ganyan yung nang yari sakin. LOL

Eh sa case ko naman ngayon, oo minsan mag-iimagin ako tapos sasabihin ko sa sarili ko "shunga ka ba? hindi naman yan mangyayari eh" Yessss ever single time, ganyan ang sasabihin ko sa sarili ko. Oh see? At least hindi ako umasa. Hindi nga ba umasa? HAHAHA syampre kahit papano aasa ako kahit alam kong imposible. Hindi naman siguro masamang umasa diba? Basta alam mo yung limit mo.

Grabe, noong umpisa ang sabi ko lang na problema ko yung plot nung story, tapos ngayon napunta na sa crush life ko. xD LOL

Haaay ~

One time napaisip ako  'Isasayaw nya kaya ako sa JS?'  naisip ko lang naman. Alam ko na hindi sya aatend pero paano nga kaya noh? Alam ko na hindi nya ako isasayaw sa JS kasi alam ko na sya mismo, may gustong isayaw. The love of his life. Oy ah, baka sabihin nyo naman na stalker much ako kasi alam ko yun. Paano ko ba naman hindi malalaman, kung makapag post lang sa fb wagas? Kung makapag kwento wagas din. Sinasadya yata na ipanlandakan sas buong madla na mahal nya yung babaeng yun eh. HAHAHA </3 sakit nun ah.

Pero naman kasi, ang shunga ko, bakit ko kaya naisip na isasayaw nya ako sa js? HAHA hanggang pangarap na lang talaga. xDD

P a n g a r a p l a n g k i t a

Yan yun eh. HAHA dapat bangungot eh. xD

Ano ba yan!! Sariling crush nilalait? xD B I T T E R  lang ang tawag jan ~

Paano ba naman hindi mabibitter. sabi ko nga dumaan na ang valentines, eh nung valentines kung makapagbigay sya sa iba wagas. tsss s e l o s naman daw ako sabi ni friendship. SUS!! bakit ako magseselos? Pero seryoso, hindi ako nagselos. Wala lang sakin kung may bigyan sya na iba, mga baliw kong kaibigan yung affected eh. KUng makapagtanong ng "Uy Ayos ka lang?" WAGAS!! Hihihihi natuwa naman ako sa mga kaibgan ko. Concerned sila sakin. awwww sweet nila. Kaya mahal ko sila eh. :"> so yun back to the topic, may binigyan sya na girl, tapos ako ay busy sa pag-doodle sa kamay ko. Yun lang, di ako nagreact or anything. Isa pa nga ako dun sa sumisigaw ng "ayieeeeeee!!!" at nacutan nga ako sakanila eh. haha kakatuwa naman kasi talaga. may harana effect pa. sweet ~       Pero during that time. ewan ko lang ah, nanlamig yung kamay ko. SO anong meaning nun? LOL affected ako ganun? Pero kasi kung affected ako, sana alam ko dibuh? O sadyang M A N H I D lang ako. Mas manhid pa sa kanya? xDD

haaaaay~ Simpleng crush life pinoproblema ko pa. Iniyakan ko pa nga eh. SHUNGA kasi ako xD Dalawang beses ko lang naman sya iniyakan. Una yung nalaman ko na may ka M.U sya at tanggap ko na dapat mawala na ang crush ko sakanya. Pangalawa ganun din, kasi nga may ka MU sya. grabe hindi na shunga ang tawag jan TANGA na yan. Saan ka nakakita na iniiyakan ang crush. LOL kakainis tuloy =____=

Magulo magulo magulo. Yan ang dahilan kung bakit ako stressed!! LOL ang O.A ko na. xD hahaha hindi naman nakakastress ang pag-iisip eh. Ginulo nya lang talaga ang payapa kong isip. Hay ewan bahala sya sa buhay nya!!!!! Basta kakain na lang ako. Ayoko magkaron ng lablayp!!!!

--- TO BE CONTINUED --

------------------------------------

Ito po ay pawang kathang isip lamang. LOL hindi po, yung ilan jan totoo, yung iba naisip ko lang ilagay. HAHAHAHA

Kaya nga deep in my thoughts eh. kung anu-ano lang ang nailalagay ko xD

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deep in my thoughtsWhere stories live. Discover now