Entry #1

15 0 0
                                    

"Never Take Someone For Granted" 

Sana nga ganyan palagi, pero kasi hindi ko naman sinasadya na nagawa ko yun. Oo importante sya saken, oo alam ko may gusto sya sakin. Mali pala, MAHAL nya ako. Kaso ako naman na si tanga kaibigan lang ang tingin sa kanya. Ayoko kasing lokohin sya, ayokong sabihin sakanya na mahal ko sya kahit hindi naman. Alam naman nya yun eh, kaya nga sabi nya best firned nya ako. OK so best friend kami, tapos ewan. Hindi ko nga alam kung nanliligaw ba sya o hindi, kasi lahat ng ginagawa nya, o kung may ginagawa man sya, ang tingin ko normal lang. Ewan ko ba, ang gulo noh? Basta ngayon wala na eh, hindi ko nga rin alam kung bakit wala na sya, nag-umpisa lang naman kasi yun sa picture ko. Oo sa picture ko. Lagi nya kasi sinasabi sakin na ang ganda ko daw, perfect daw, cute daw, basta yung mga ganyan, pero kasi hindi naman ako naniniwala eh.

Alam ko naman kasi na hindi ako maganda, pero siguro minsan nag-a-assume ako, pero masama ba mag-asume na kunwari maganda ka o gaganda ka? Diba hindi naman? Pero ayun pag sinasabihan nya ako ng maganda, tumatanggi ako at talagang itatanggi ko na hindi ako maganda, kasi alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga ako maganda.

September 28 2012. Ayun nga nakikipagtalo sya sakin na maganda daw ako, eh di syempre tatanggi ako, tapos sabi nya sakin "Pag naniwala ka na, tsaka mo ako kausapin" Eh di hindi ko muna sya kinausap, kaso di ko rin naman matiis eh, may gusto kasi ako i-share sakanya, syempre kinausap ko tapos sabi nya "o ano? Maganda ka na ba?" sabi ko naman "hindi pangit pa rin -____-" eh di yun sabi naman nya "bahala ka jan di na kita love" at dahil sa akala ko nagloloko nanaman sya sabi ko ok. Lagi kasi sya nagloloko ng ganyan kaya ayun yung sinabi ko tapos may sinabi sya, "Sabagay, laro lang naman yun para sayo..." Hindi ko alam pero iba talaga eh, iba yung epekto sakin nung sinabi nya na yun, hindi naman laro para skain eh, pero, mukha ba talagang laro lang para sakin yun? Ewan, para kasing double meaning yun. Laro in a sense na para skain hindi sya seryoso sakin? Alam ko naman na seryoso sya eh, pero kasi iba pa rin talaga eh, alam ko na seryoso sya pero hindi ko ramdam na seryoso sya o siguro talagang manhid lang ako? Siguro kung laro lang ang lahat para sakin, eh di sana hindi ko sya matiis pag nagtatampo sya o galit. Sana hindi ko matiis na hindi sya i-chat o kausapin, sana hindi ko sya matiis na hindi kulitin. Tama naman diba?? O mali ako?

Ewan ang gulo lang talaga, basta yung usapan namin, ewan talaga yung mga huli nyang sinabi

"Bahala ka baxta ako totoo ung nararamdaman ko kahit pangarap lang"

"Bahala na aalisin ko na yung pangarap kong yun wag kang mag alala mananahimik nako"

 tapos nun after ilang minuto yata o after ng isang oras, hindi pa rin sya nagcha-chat. I mean, hindi ko sya chinachat kasi hindi ko talaga alam sasabihin ko sakanya. Magso-sorry ba ako? Parang ang sama pag sinabi ko na sorry, baka magmukha na nagsorry ako kasi talagang wala at kaibigan lang talaga. Alangan naman na awayin ko, kulitin ko o kung ano pa man. Hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko. Nalulungkot ako na ewan, hindi ko naman alam kung bakit. parang wala na akong reason para magonline kasi wala rin naman ako makakausap o makaka-chat. Walang makaka-kulitan at kung anu-ano pa. Parang naiiyak ako na ewan. Actually umiyak na nga eh tapos ang senti pa ng mga pinapakinggan ko. Ewan!!! Ang tanga lang kasi, Did I really take him for granted? :/

Hindi ko alam, hindi ko talaga alam, basta naiiyak lang ako. Siguro napuno na rin sya sakin, kasi lagi ko syang naaaway pag badtrip ako. lagi kong kinukulit. Siguro kasi na-Ultimate Friend Zone sya? Kasi siguro.. ewan!! >__< mahirap mag-isip eh. Nakakainis naman kasi, bakit ang manhid ko? Bakit kasi kelangan na isang araw bigla na lang ako nawalan ng pakiramdam at kung anu-ano? At bakit natatanga ako sa mga ganitong bagay? Naaasar ako na ewan, wala naman kasi ako mapagsabihan, sawang-sawa na yung mga tao sa pakikinig sakin sa paulit-ulit kong pagda-drama, Kaya dito ko sa wattpad ilalagay. HAHA. Abnormal yung bulok na amateur writer -___-

Pero ang sira lang kasi, gusto ko maging friends kami ulit. Friends ulit? Nag-away ba kami? Away ba tawag dun? Ewan. Naging unrxperienced ako sa mga ganitong bagay simula nung araw na bigla na lang ako naging manhid in an instant. Pero biruin mo, totoo pala talaga tung ganun? Yung pag-gising mo parang wala na lahat ng mga masasakit na bagay na dinaramdam mo. Yung parang blanko lang talaga. HAHA kakatawa akala ko dati hindi yun totoo tapos biglang nangyari sakin. Tama nga yung Be careful on what you wish for? Ganyan nga ba yun? HAHA ewan, kasi hiniling ko lang naman dati na sana mawala na lahat ng nararamdaman ko, tapos BOOM. ayun nawala na nga, pero di ba hindi pa naman ako super manhid kasi umiiyak pa nga ako eh. hala ewan. abnormal ako eh. -____-

So back to the present. Ano ba gagawin ko? Sasabihin ko? Ang hirap naman ng ganito. Ayoko kasi sabihin sa iba, I don't want them to cheer me up kasi baka maiyak lang ako. Gusto ko magparinig sa iba na "oy malungkot ako tulungan nyo naman ako please?" pero hindi naman pwede yun. Ayoko na mamroblema yung ibang tao ng dahil lang sakin, Ayoko kasi makaabala eh. Ayoko din na malaman nila na mahina lang ako. Kasi ang nakikita nila sakin, Baliw, galing sa mental, masyadong hyper at masaya, baliw ulit, batang isip, masiyahin. Basta mga ganyan, ayokong makita nila ako na mahina, umiiyak, mamamatay na sa kalungkutan, naglulumpasay at kung anu-ano pa. HAHA kaya hindi ko talaga alam gagawin ko.

Basta in-add ko sya ulit sa FB pero sa tingin ko hindi nya papansinin yun. Hindi ko lang talaga alam yung gagawin ko, Pero ayokong umiyak lang ng umiyak. HAHA lol, ayoko ng ganun, binago ko na yung ganun eh. Pero ano nga ba yung magandang gawin? Isa lang option na nasa isip ko eh, Pabayaan ko na lang kasi wala din naman ako magagawa kasi baka mas lalong lumala yung sitwasyon pag may ginawa pa ako. Oh see? Yan lang talaga naiisip ko. Malban sa mga senti na kanta, yun lang talaga naiisip ko, hindi naman pwedeng Kausapin ko at mag explain. Anong ipapaliwanag ko sakanya? Anong sasabihin ko? sasabihin ko na "Hi ano ah sorry, uhm ano galit ka pa ba?" parang ang sama ko naman pag ganun. di rin naman pwede na "sorry, siguro masama pa rin loob mo sakin, pero pwede ba maging friends pa rin tayo?" Mas lalong mali din yun, lalo ko naman pinahirapan yung tao, nasasaktan na nga dahil sakin eh.

Nakakainis naman kasi. Why can't you teach your heart to love and not to love someone. Parang sa crush ganun din. Kasi may crush ako, ayoko na sya maging crush kasi ayaw ko, pero the more na pilitin ko eh baliktad ang nangyayari, imbis na hindi ko na sya crush lalo ko pa naging crush, pag naman pinabayaan ko lang ganun din. MAGULO! oo magulo talaga. Pero ayokong tumunganga na lang at tumingin sa kawalan, mas mahirap pag ganun, bukod sa walang mangyayari maiiyak lang ako kasi sinasabayan din ako nung mga kanta. -___-

Isip. Isip. Isip. yan nanaman yang isip ng isip na yan, nakaka stress yan eh, nakaka sira ng bait, pero kelangan eh. NAIIRITA na talaga ako sa sarili ko -___- hahaha ang komplikado ko kasi noh? Gusto nyo malaman kung bakit ako ganito? Sige kwento ko next time :)))

Pero basta. HELP!! >___< di ko na talaga alam gagawin ko eh, mababaw na problema nagiging komplikado

sincerely your baliw at kalokang author na tamad mag-update kasi busy daw kuno. LOL

Deep in my thoughtsWhere stories live. Discover now