𝑷𝑹𝑶𝑳𝑶𝑮𝑼𝑬

51 19 9
                                    

"Taya,ikaw na ang taya nathalia"sigaw ng batang si tyler.

"Ang daya n'yo naman,pinagkakaisahan ninyo Ako para ako'y mataya,madaya kayo,Lalo kana tyler"nagtatampong Sabi ng batang si nathalia.

"Sorry na nathalia"paghinga ng tawad ng tatlong batang Sina tyler,andrei at lia sa batang si nathalia.

"Sige na nga pinapatawad ko na kayo.halika at magkwentuhan nalang tayo ng tungkol sa ating mga pangarap,tara,halika"paanyaya ng batang si nathalia.

"Tara"sabay sabay na sabi ng tatlong bata.

"Basta ako ang aking pangarap ay maging isang successful na engineer"Sabi ni andrei na may Kasamang pagmamalaki.

"Tama iyon saiyo dahil magaling ka sa math kuya"si tyler.

"Ako naman gusto kong maging isang business woman,para ako ang magmana ng negosyo ng aming pamilya"pagyayabang ni lia.

"Ako Isa lang naman ang pangarap ko at iyon ay ang maging isang sikat na singer, dahil hilig ko ang pagkanta at dahil narin Hindi ako kasing talino ninyo"Hindi maipaliwanag Ang reaksyon ng batang si tyler.

"Huwag mo namang sabihin iyan tyler,matalino ka naman hindi molang iyan naipapakita ng maayos dahil puro ka computer.pero ako tulad mo tyler ay pangarap ko rin ang maging isang sikat na singer dahil hilig ko rin ang pagkanta"maningning Ang mga mata ni nathalia habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Salamat nathalia pinagaan mo nanaman ang aking loob"may ngiti sa labing saad ni tyler sabay yakap kay nathalia.

Sabay sabay na nagsitawanan ang mga bata.sabay tawag sa kanila ni shiela, parents nina tyler at andrei.dahil may dala itong meryenda para sa mga bata.at sabay sabay na nagmadali ang mga ito para sa pagkain.at natawa nalang si shiela sa mga reaksyon ng mga bata.

Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon