𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 4

20 11 2
                                    

Matapos ang araw ng libing ng anak nila nathalia at tyler,at sa mga lumipas pa na buwan,araw,oras,minuto at segundo ay wala ng ginawa si nathalia kundi ay ang magtrabaho at asikasuhin ang kanilang negosyo tinanggihan nya rin lahat ng projects na ino-offer sa kanya,sa makatuwid ay hindi na sya active sa showbiz industry,tanging si tyler nalang ang tumatanggap ng mga project.hindi na rin sya sumasabay sa pagkain,at maging sa pagtulog,dahil kung minsan ay hindi na rin sya umuuwi ng bahay ng dahil nga sa kaniyang trabaho at kapag naman inaaya sya ng asawa o kaibigan lumabas ay hindi na rin sya sumasama.may mga gabi rin na umiiyak sya ng tahimik para hindi marinig ng asawa dahil madalas nyang mapanaginipan ang kaniyang anak na ni minsan ay hindi nya nahawakan o nakita man lang dahil maaga kinuha ng diyos ang bata sa kanila..... siguro nga ay may dahilan ang panginoon kung bakit kinuha ng maaga ang anak nila sa kanila.pero ano ang dahilan nito?ano ang dahilang yon?yun ang palaging tanong ni nathalia sa maykapal na hanggang ngayon ay hindi parin nahahanapan ng kasagutan.at ng minsan pa nga syang umuwi ng late at tinanong sya ng asawa kung bakit siya umuwi ng late,ang tanging naging sagot niya lang dito ay nang dahil sa trabaho lang at ang usapang iyon ay humantong sa isang pagtatalo at walang nagawa si tyler kundi ay ang unawain nalang sya.kaya kapag umuuwi sya ng late ay palagi nyang nakikita ang asawa na natutulog sa sala dahil hinihintay sya.minsang umuwi sya ng late ay nakita nyang natutulog ang asawa sa sala kasama ang kapatid na si lia na magkayakap pa,binalewala lang ito ni nathalia dahil nasa sala naman ang mga ito.siguro naman ay hindi gagawa ang asawa ng bagay na ikasisira ng relasyon nila,lalo pa't sa sala.at isa pa nasabi rin ng kapatid nya na dadalaw ito sa kanila para i-check sya dahil sabi narin ng parents nila.ang nakapagtataka lang ay hindi naman naghihintay ng matagal si lia dahil masyado itong mainipin,atsaka dapat ay kasama ang iba panilang kaibigan at si andrei na kapatid ni tyler.pero binalewala nya nalang ito dahil baka nainip narin ang mga kaibigan nila sa tagal nyang umuwi at dahil narin sa may tiwala sya sa asawa at sa kaniyang kapatid.

Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon