𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 6

16 10 7
                                    

Matapos ang naging pag-uusap nilang iyon ay binibigyan na nga ni nathalia si tyler ng time sa maraming bagay at maging sa kama, pero meron paring mga araw na nawawalan parin sya ng oras para dito.kaya kung minsan ay nandoon nanaman si lia para makipagkwentuhan sa asawa nya.ang tanging ipinagtataka lang nya ay kung bakit kapag wala sya ay naroon naman ang kapatid at dahil narin sa pagtataka ay sinabi niya sa asawa na ma-le-late sya ng uwi upang malaman kung nandoon nanaman ang kapatid na si lia at ng malamang nandoon ang kapatid ay sinurpresa nya ang mga ito.pero sya pala ang masosorpresa dahil laking-gulat nya ng makitang magkapatong at hubo't hubad Ang dalawa habang naghahalikan.

"Anong ginagawa n'yo! ambabastos n'yo!ambababoy n'yo!nakakadiri kayo!hayop kayo!mga hayop kayo!"sigaw ni nathalia na galit na galit.

Sabay sabunot sa kapatid at sampal sa asawa.at wala syang pakialam kahit pareho pa itong nakahubad.gustong mag-explain ng dalawa pero ayaw nyang pakinggan at tuloy lang sya sa pagsabunot sa kapatid na si lia o kabet ng asawa nya.

"Hon let me explain!hon"si tyler.

"Aray ko ate!ate!aray ate!ate tama na!"pagpigil ni lia sa kapatid dahil sa sakit ng sabunot nito sa kaniya.

"Tama na!?ang kapal ng mukha mo! kapatid kita lia,kapatid kita! tingnan mo ang sarili mo,nakakadiri ka!at ikaw tyler asawa kita!,ano tong ginawa mo! kapatid ko pa talaga ang kabet mo,hayop ka! bakit kapatid ko pa,hayop ka!"galit na saad ni nathalia sa asawa at kapatid.

Hinalungkat lahat ni nathalia ang lahat ng damit ni tyler at ipinagbabato dito.

"Lumayas ka hayop ka!"umiiyak na saad ulit ni nathalia.

Gustong mag-explain ni tyler pero buo ang pasya ni nathalia na huwag ito pakinggan dahil baka magbago pa ang isip nya na palayasin ito.wala rin syang pakialam kahit pa hubo't hubad ang mga ito at vine-videohan pa ng mga tao sa paligid nila.

"Ate ano ba tama na,kasalanan mo rin naman ito,kung sana binibigyan mo ng oras ang asawa mo,hindi sana sya maghahanap ng kasiyahan sa iba.hindi ko rin sya masisisi kung saakin nya ito nakita dahil ako ang palaging nandyan para sa kanya"si lia.

"Ano ba lia!tumigil kana,hon please let me explain"si tyler.

"Ang kapal ng mukha mo na sisihin pa ako sa kakatihan mo,at tyler huwag na huwag mona akong tatawaging honey dahil simula ngayon ay hiwalay na tayo,nakikipag-divorce na ako sa'yo,hayop ka!"galit na galit na saad ulit ni nathalia.

"Hon please"si tyler ulit.

"Sabi nang huwag muna akong tatawaging honey dahil baka mapatay kita.lumayas ka sa bahay nato at huwag na huwag kanang babalik kahit na kailan,hayop ka!"umiiyak na sabi ni nathalia.

At matapos ang hapong iyon ay naging instant viral ang video na kumalat,at naging usap-usapan sila hindi lang sa ating bansa kundi pati sa buong asya.

Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon