Part 15

790 50 2
                                    

Bakas ang inip sa mukha ni Irene nang datnan nila itong nakaupo sa terrace. Ang ngiting sumilay sa mga labi nito nang lapitan ni Julian ay halatang pilit na pilit.

"I guess it isn't too late for proper introduction," wika ni Andrew. "Irene, this is Rachel. Rachel, she's Irene."

"Hello!" kaswal na bati niya rito.

Matipid lang itong ngumiti. Sa mga mata ay hindi maitago ang disgusto sa kanya. Hindi naman siya nagpaapekto. Wala naman siyang magagawa kung sa umpisa pa lamang ay hindi na siya nito gusto.

"Dito siya maghahapunan kasalo natin," anunsyo ni Andrew na halatang ikinabigla ni Irene. "So, ladies, mag-relax muna kayo diyan. Ako na muna ang bahala sa kusina." Tinapik nito ang anak. "Come with me, Julian. I need your assistance."

Waring hinintay lamang ni Irene na makapasok ang mag-ama bago nagsalita. Nakahalukipkip pa ito at hindi itinago ang pagsukat sa kanya sa pamamagitan ng tingin.

"I wonder kung paano kayo nagkakilala ng bayaw ko," anito na kababakasan ng malisya ang tono.

Unti-unti naman siyang nakakaramdaman ng pagkapika. Hindi niya ugaling ipagpilitan ang sarili sa mga taong ayaw sa kanya subalit naiirita rin siya naman siya sa mga taong kagaya ng kaharap. Why couldn't she at least be civil to her?

Itinaas niya ang noo nang sumagot. "We've met six years ago. Business, you now. Right now, I have an assignment here in Boracay. Andrew provided me free hotel accommodation kapalit ng advertisement page ng hotel niya sa magazine na pinagsusulatan ko."

"Oh, really? Writer ka pala," puno ng kaplastikang wika nito.

"Yes," maikling wika niya. Ang gusto niya ay matapos na ang pagpapalitan nila ng salita sapagkat alam niyang wala namang kuwenta iyon.

Ngunit tila hindi papipigil si Irene sa mga nais pa nitong sabihin. "Kilala ko si Andrew. Hindi ikaw ang kaisa-isang taong binigyan niya ng free accommodation sa hotel. Palagi niyang ginagawa iyon. Wala yatang panahon na hindi niya ibinigay ng libre ang isa sa mga kuwarto doon. I was just wondering kung bakit hanggang sa pamamasyal ng mag-ama ay kasama ka pa."

"Inaya nila ako," proud na sagot niya. Naiinis na talaga siya rito at anhin na lamang niya ay may lumapit sa kanila sinuman sa mag-ama upang maputol na ang usapang iyon.

"Inaya?" patuyang sabi nito. "Hindi kaya, nagpaaya ka lang? You see, there are a thousand ways para iparamdaman ng isang tao na gusto niyang sumama. That is, kung may balak bang magpalapad ng papel."

"Anong problema mo?" pikang sabi niya. "What's the big deal kung magkakasama man kaming mamasyal? O baka naiinggit ka dahil ikaw ang nagmukhang taong-bahay dito."

"Aba't---"

"Tita Irene, Tita Rachel!" buhat sa loob ay tawag ni Julian.

"Yes, honey?" baling agad dito ni Irene at kataka-takang kagyat na nabura ang galit na ekspresyon nito.

"Malapit nang makaluto si Daddy. At sine-set na din niya ang table."

"Du'n tayo sa loob. Tulungan na natin siya para hindi mainip ang bisita." At bago siya tuluyang tinalikuran nito ay pinukol pa siya ng isang matalim na irap.

Pagkatapos ng hapunan ay sinabi ni Andrew na ihahatid siya nito sa hotel. Sibil na nagpaalam siya kay Irene. Alam niyang maiiwan pa ito sapagkat inanunsyo na nitong sa bahay ni Andrew magtatagal ng ilang araw. Tila balewala naman iyon sa mag-ama at sa wari ay nakasanayan na rin.

"I just want to know, talaga bang bukas mo na balak bumalik sa Manila?" tanong sa kanya ni Andrew.

"Kung hindi magkaka-aberya sa plane ticket ko, oo. Mamimili lang ako ng kaunting pasalubong sa umaga."

Places & Souvenirs - BORACAY 2 - Not Just Another Brief Summer AffairWhere stories live. Discover now