Part 7

892 48 2
                                    

SA ITSURA pa lang ng babae ay alam na ni Santi na ito nga ang susunduin niya. Matangkad ito kaysa karaniwan. Her hair was brown and softly curled. At sa tingin niya ay pinakulayan lang dahil ang itsura naman ng babaeng kaharap niya ay yaong palaging nagbababad sa mga hair and beauty salon.

She was wearing make-up. Sa preference niya ay mas gusto niya ang babaeng walang anumang kolorete sa mukha pero exception marahil ang babaeng ito. Her make-up was skillfully applied. Manipis lang at tila in-emphasized ang mga mata. At bagama't dati ay hindi maganda ang impresyon niya sa mga babaeng ahit ang kilay, ngayon ay kagyat na nag-iba ang pananaw niya. Her shaved brows made her eyes looked big. And beautiful.

Ang huling naisip ay ipinasya niyang ipanturing na sa kabuuan ng kaharap. She was no doubt beautiful. Mula sa paraan ng pagkakatindig hanggang sa tila maang na pagtingin sa kanya.

In an instant, nadama niya ang sariling nag-uukol ng paghanga dito.

Ilang sandali na hinayaan lang niya itong titigan siya. Parang nais manlaki ng mga mata nito habang tila puno ng kuryusidad na nakatitig sa kanya. Mayamaya ay tila naningkit iyon. Kasabay nang bahagyang pagsimangot ay ang tinging tila nadidismaya.

He found himself enjoying watching the rising horror in her eyes. Sa bawat pagkurap ng mga mata ay parang may pang-halina iyong taglay na sapat upang tumukso at pagkuwa'y dumurog sa puso ng kalalakihan. Mabilis niyang ginwardiyahan ang sarili. Hindi siya dapat na maapektuhan ng ganoong klase ng tingin.

"Sino ka?" Inis ang pumuno sa tinig nito.

"I'm Santino Bergonia," sagot naman niya na kagyat na lumalim ang gatla ng noo. Hindi maganda ang timbre ng tinig ng babae. Parang kayang alipinin ang sinumang kaharap. "Anak ako ni Luis. Hindi ka niya maaasikaso kaya ako ang sumundo sa iyo. Nasa ospital siya at kaoopera lang. Appendicitis."

Tiningnan siya uli ng babae. Nasa buong anyo na hindi ito naniniwala sa sinabi niya. At dahil likas na maigsi ang pasensya, nakadama naman siya ng iritasyon sa asal na iyon. She was a rich, spoiled woman, he thought with distaste.

"Look, kung hindi ka naniniwala, dadalhin kita sa ospital. Pero huwag kang umasa na makakausap mo siya. Kalalabas lang niya sa OR. Sinumpong siya ng sakit ng tiyan noong oras na dapat sana ay susunduin ka dito."

"Kumusta na siya?" sa halip ay tanong nito.

Bahagya siyang nagulat. Hindi niya inaasahang mahihimigan ang concern sa tinig nito. "The operation was successful. Magpapagaling na lang siya."

Ilang sandali na tila ito nag-isip. "Kung ganoong nasa ospital siya, dapat siguro ay bumalik na lang ako sa Maynila."

Mabuti pa nga. Ngunit agad din niyang kinontra ang nasa isip. "No, Miss Abaya. Ipinagbilin sa akin ni Papa na ako ang mag-asikaso sa iyo. Hindi siya papayag na sa ganoong maliit na problema ay mapahiya siya sa iyong ama. Kilala mo naman siguro siya. Hindi niya gustong nasisira sa kausap."

"Paano ako maniniwalang anak ka nga ni Bergonia?" tanong nito.

Napatiim ang bagang niya. Tama lang na magsiguro ito sa identity niya. Ang hindi niya nagustuhan ay ang paraan nito ng pagtawag sa kanyang papa. Ang kinamulatan niya ay palaging may paggalang kung tawagin ang matanda. Ngayon lang siya naka-engkuwentro ng taong tila minamaliit ang kanyang ama.

He was tempted to show his PRC card pero saglit lang iyon. Padaskol niyang hinugot ang driver's license. "Here." At kung maaari lang siguro ay idinuldol niya iyon sa mukha nito. "Kung hindi ka maniniwala, puwede kang tumawag ng kahit na sinong opisyal dito sa airport. Kilala ang mga Bergonia dito sa Cagayan," mariin niyang sabi.

"Hindi na kailangan," bagaman napahiya ay mayroon pa ring taray sa tinig nito. "Sasama na ako sa iyo. Tutal naman, kapag may nangyari sa akin, walang ibang sisisihin ang papa ko kung hindi si Bergonia."

Umalon ang dibdib niya. "Ganyan ba talaga kung tawagin mo ang mga tao?"

"What do you mean?"

"Para kang tumatawag ng kadete."

"Ano ba ang dapat?" pabalang nitong tanong at nagsukatan sila ng tingin. "Okay, I'm sorry kung na-offend ka," kapos sa sinseridad na sabi nito. "Ganoon kasi ang nakasanayan ko, Mr. Begonia."

He snorted. "Call me Santi. And you may call my father Luis, hindi iyong parang palagi mong tinatawag ang buong lahi namin."

"Santi," sabi nito na halatang gusto siyang inisin. "So, ikaw pala ang sasalo sa dapat ay gagawin ni Ber—Luis."

"Oo," he said curtly. "At wala na tayong dapat pang pagtalunan tungkol doon kaya mabuti pang umalis na tayo dito. Nasaan ang mga gamit mo?"

"There." Itinuro nito ang umpok ng mga naglalakihang bag.

"Iyong mga iyon?" tanong niya kahit na nga ba nahuhulaan na niya. Each luggage was screaming its signature brand. Kulang na lang ay isabit ang mismong price tag doon.

"Yes," wika naman nito.

Tumango lang siya at lumapit doon. Dadamputin na lang niya ang mga bag ng may kapilyuhang maisip.

"Hey! Kasali iyong dalawa pa," wika sa kanya ni Catherine nang makitang tumalikod na siya at dalawa lang ang bitbit.

"Bakit kaya hindi mo na bitbitin?" nakangising tugon niya dito. "Ang bigat nito, ah? Itinira ko na nga sa iyo iyong dalawang magaan. Doon naka-park iyong dala kong sasakyan." Nilagpasan na niya ito. At natanto niyang magaan sa dibdib niya ang ngiting gumuhit sa mga labi nang makitang nanlaki ang mga mata nito. Sa shock marahil.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - CAGAYAN 1 - Enemies At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon