Part 11

966 51 2
                                    

ALAM NI Catherine na lumabas ng banyo si Santi. Mula sa pagpunta nito doon hanggang sa mabilis na paraan ng pagbubuhos ay naririnig niya. Nang lumabas ito ng bahay, alam niyang sadya nitong ibinalya ang pinto pasara.

Parang ngayon niya natatanto ang inasal niya. Parang hindi siya makapaniwalang nagawa niyang titigan si Santi sa buong kahubdan nito. Hindi niya alam kung anong magneto mayroon si Santi. At tila isang malaking karisma ang taglay nito upang sa halip na magbawi siya ng paningin ay lalo pa niya itong pinagmasdan.

Hindi iyon ang unang beses na nakakita siya ng male anatomy. Ilang beses na ring nag-usyoso ang barkada niya sa adult videos pero iyon ang unang pagkakataon na makakita siya nang harapan.

And she felt awe. She watched him respond shamelessly to her gawping.

Napailing siya at agad na binawi ang nasa isip. It wasn't shamelessly. Dahil nang mapatingin siya sa mukha ni Santi, nakita niyang tila nagtatagis ang mga bagang nito sa pagkainis. He looked like embarrassed by his involuntary arousal. At siya itong walang kahihiyang nagmasid sa kabuuan nito!

At hindi niya alam kung saan kukuha ng paliwanag sa naging kilos niya at damdamin nang mga sandaling iyon. She felt fascinated and excited by the sheer speed and power of his erection. Santi looked like an animal, standing there stark naked with his impressive distinction. He was a very beautiful male.

And the female animal in her had been stirred. And for a split second, she felt herself wanting him. Mariin siyang napapikit at nasabunot ang buhok. Kinatakutan niya ang ideyang inaalihan siya ng kakaibang espiritu. Kailanman ay hindi siya nakaramdam ng ganito katinding pagnanasa sa isang lalaki.

Yet her mind was burning with the image of her going to him and touching him. Napasinghap siya. She was certain that love had nothing to do with what she was feeling. It was passion. A wild, raw passion. Isang bagay na kahit sa kanyang mga pantasya ay hindi naging ganito katindi.

Mabilis siyang bumaba ng kama at nagpalakad-lakad sa maliit na espasyo ng silid. Baka kailangan lang niyang gumalaw. Baka kailangan lang niya ang matagtag ng kaunti upang magising din ang mga ugat niya. Baka ganito ang napapala ng isang taong bago sa isang lugar na ganoon kaliblib.

O baka naman ganito talaga ang napapala ng isang taong bago lang nasampa sa tulay? Ano ba ang mayroon sa tulay na iyon para bigla ay naninibago siya sa mismong sarili? This wasn't like her.

Damn! she groaned.

Para siyang estupida na gumawa ng stationary jogging. Humihingal siya nang matapos. Gusto niyang isipin na nakalog na rin ang utak niya at babalik sa normal ang takbo niyon. Nang maupo siya ay kagyat ding nagbalik ang imahe ni Santi sa utak niya.

Again, she groaned softly.


NAGISING si Catherine sa iba't ibang ingay ng mga hayup. Sumungaw siya sa bintana nang makarinig ng tila nagsisibak ng kahoy. Si Santi ang nakita niyang gumagawa niyon. Nakatalikod ito sa kanya. Pantalong maong na pinutol ang tanging suot. Ang hubad na likod ay nangingintab sa pawis. At sa bawat pagtataas nito ng palakol ay parang nagmamalaki sa paningin niya ang mga mauumbok na muscles.

Sexy, wala sa loob na naisip niya. At mabilis din siyang napakunot ng noo. Bago pa mapunta kung saan ang daloy ng isip niya ay mabilis na niyang pinagsawa ang sarili sa pinapanood. Naisip niya na baka mamalayan ni Santi na nakamasid siya at ikagalit nito.

Banyo agad ang tinungo niya. Sa kabila ng paninibago niya sa pangkaraniwang banyo ay nakapaligo naman siya nang walang aberya. Manipis na cotton blouse at maong skirt ang isinuot niya. At dahil sanay siyang nakapustura, kumpleto na rin siya sa light make-up at cologne nang magpasyang lumabas.

Places & Souvenirs - CAGAYAN 1 - Enemies At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon