Part 10

490 38 9
                                    

Irene's POV

Nandito kami sa hospital dahil may tumawag saamin na naaksidente daw si manang. Tapos naman na ang operasyon pero Nandito kami sa ICU dahil malubha ang lagay nya.

Sabi ng doctor maaari daw syang macomatose or lose of memory dahil ulo nya ang lubhang napuntiryahan pero marami pa daw itong possible cases.

"doc! Doc!" tawag nung nurse na lumabas muna sa ICU at tumakbo paalis

Agad naman kaming nagsitayuan at nag papanic na rin.

"gising na ba?" tanong nung doctor

"yes doc pero nag wawala eh hinahanap yung anak nya" saad nung nurse habang nag mamadaling pumasok sa loob

Maya Maya pa ay lumabas na yung doctor at tinawag kami. Kami lang nila nics bonget at mommy ang pumasok sa loob.

"bitawan nyo ako nasaan yung anak ko?!" sigaw ni ate

"mommy" saad ni nics dahilan Para mapatingin saamin si ate

"mommy nandito na ako Tama na" saad ni nics at lumapit kay ate

"sino ka? Sino kayo?" tanong nya saamin Kaya nagulat kami

"anak kami ito pamilya mo" saad ni mommy

"w-wala akong pamilya, iniwan na nila ako kinuha nila yung anak ko saakin" saad ni ate

"mommy hindi naman kita iiwan eh" saad ni Nicky

"sino ka ba? Kanina ka pa mommy ng mommy hindi naman kita kilala saka kayo sino kayo? Nasaan ako?!" sunod sunod nyang tanong

"ms imee please calm down muna" saad nung doctor Kaya napatingin sa kanya si ate

"i-imee? Sino yun? Belinda ang pangalan ko" saad ni ate

"ok ms Belinda calm down first" saad nung doctor

"no, doctor ka right? Please help me find my baby" saad ni ate at nag umpisa nang umiyak

"ah!" sigaw nya at pinagpapalo yung ulo nya. Kaya agad syang pinigilan ng doctor at tinurukan muna ng pampatulog

"let's talk outside" saad ng doctor Kaya lumabas na kami

Nang makalabas na kami agad nag sitayuan yung boys at halata sa mukha nila ang pag aalala

"tita galit ba si mommy?" tanong ni Matt

"hindi nya kami maalala" saad ni nics

"Hinahanap nya si Josephina" saad ko naman na ikinagulat nila

"ma'am sir" tawag ng doctor saamin Kaya napalingon kami

"doc ano pong pwede nating gawin?" tanong ni mommy

"Sabi po kasi ng nurse kanina na nag papakalma kay ms imee meron daw po syang kakaibang ugali na pinapakita isa na po doon ang pagpukpok nya sa ulo nya at Yung pag si sigaw" saad ng doctor

"doc pwedeng direct to the point na po" saad ni mic

"i recommend na ipasok po sya sa Psychiatric hospital" saad ng doctor

"doc hindi naman Baliw si mommy" saad ni borgy

"sir may mga signs po kasi na naapektuhan ang pag iisip ng mommy nyo" saad ng doctor

"but if you don't like, mag pagaling po muna sya dito bago nyo sya maiuwi" dagdag ng doctor

"doc ililipat na namin sya sa private room nya" saad nung nurse Kaya tumango nalang Yung doctor

"mauuna na po ako sundan nyo nalang po yung mga nurse" saad nung doctor Kaya tumango na kami at umalis na sya

Sinundan na namin Yung doctor kung saan ang room ni ate saka kami nag pahinga doon.

"kasalanan ko ito eh" saad ko

"mommy wala ka pong kasalanan" saad ni Luis at niyakap ako

"Hon nag sabi lang tayo ng totoo kay manang" saad naman ni Luis habang si Alfonso at nics Pati ang mga kasama namin ay tahimik lang

"matagal na nating pinapaimbistigahan si Nicky pero hindi manlang tayo hiningi ng permiso sa ate nyo, lahat tayo mag Sinundan galing" saad ni mommy

"si Nicky nalang Yung nagpapasaya sa kanya, ang akala nya ilalayo natin sya kay Nicky" dagdag pa ni mommy

"pero wala naman po kayong kasalanan mama meldy lahat po kayo" saad naman ni Nicky

"meron anak, matagal ka nang kilala ni ate pero sa imahinasyon lang nya kaya ka nya tinanggap kaagad dahil kilala kana nya noon pa" saad ko

"imahinasyon nya ang nag pasya sa kanya, ikaw ang nag balik sa dating imee na kilala namin. Simula nung namatay si Josephina parang namatay na rin si ate" saad ko at nag umpisang umiyak

"after 1 year bigla ka nalang nyang binabanggit saamin at doon na nag umpisa ang lahat" dagdag ni bonget

Habang nag uusap kami bigla nalang nagising si ate.

"ate" saad ko at agad syang niyakap

"s-sino ka? Sino kayo?" saad nya

"ate si irene ito" saad ko pero nakatingin lang sya saakin na para bang bata

"Bakit ka umiiyak?" tanong nya saakin

"yung ate ko kasi hindi nya kami maalala" saad ko

"ha? Sino? Gusto mo ako nalang maging ate mo?" saad nya saakin, sa pananalita nya parang bumalik sya sa pagkabata
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Imee ako rin Baliw na, Baliw na sayo

Sunset Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt