CHAPTER 1: The Girl

17.3K 367 10
                                    

A few months earlier...

Nia's POV

"Naaawa na talaga ako sa alaga natin, Emma..." Napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng marinig ko ang boses ni Nanay Emelda sa kusina.

"Kaya nga po, Sumosobra na si Sir Gray..." Sagot ni Emma sa kanya. Dahan dahan akong lumapit at sinilip sila,

"Jusmeyo naman, ano kasing nangyari sa batang yun at nakaganon, sinusubukan ko namang kausapin, ayaw namang sumagot" Sabi ulit ni Nanay Emelda habang naggagayat ng sibuyas. I smile bitterly, Huminga na lang ako ng malalim at tumalikod tapos nagsimula na kong maglakad.

"M-ma'am?" Lumingon ako sa gilid ng may tumawag sakin.

"Handa na po ang hapunan..." Sabi ng isang maid sakin bago yumuko at umalis. Huminga ako ng malalim at nagpunta sa Dining Room. Pagka dating ko dun, Same as usual... Ako na naman ang nauna... Walang gana akong naglakad papunta sa upuan at tiningnan ang silya nya. His busy again...

Pagkatapos kong kumain dumiretsyo agad ako sa kwarto ko, Nandito ako ngayon sa balkonahe ng kwarto habang nakatingin sa kawalan. "Nakauwi na sya?" Tanong ko kay Emma, She's my personal maid that's why she's here.

"O-opo" Kinakabahan nyang sagot.

The aura seems weird.

"Ohh? Bakit ganan ka?" Nagtataka kong tanong sa kanya na parang nagpabalisa lalo sa kanya.

"M... Meron po kasing kumakalat na balita sa Mansion... n-na" Nauutal nyang sabi.

"Na?" Tanong ko.

"N-nag-uwi daw po ng babae si Sir G-Gray..." Nakayuko nyang sabi.

Kumirot bigla ang puso ko sa sinabi nya, tumingin ako sa kawalan at huminga ng malalim bago magsalita... "Anong sabi nya?" Tanong ko.

"Nakita daw po n-ni Gray yung babae sa lansangan na walang malay na duguan ang ulo, at ang sabi po ng doctor na aksidente daw po ito, ang sabi sabi pa po ng ibang mga maids parang naapektuhan ang ulo nito..." Sagot ni Emma.

Ha... "Bakit dito nya dinala? Bakit di nya dinala sa hospital?" Minasahe ko ulo ko at tumingin sa kanya.

"Leave me alone, Emma I'm tired..." Matamlay kong sabi sa kanya habang humihiga sa kama ko. Pagkahiga ko, napaisip ako bigla...

It's been a long time since we share a room together. We never shared a room again for almost five years... Gray, just what are you thinking??

***

Nandito ako ngayon sa dining table habang hinihintay ang asawa ko, Halos mag iisang oras na bago sya dumating.... Napadako ang tingin nya sakin pero tiningnan nya lang ako ng malamig at walang ekspresyon tsaka sya umupo sa pinaka dulong silya ng long table.

Still the same, huh?

"Rinig ko... Nag uwi ka raw kahapon ng babae..." Pagsisimula ko sa usapan namin  dahil sa tahimik ng dining room.

"Who told you that?" Malamig nyang tanong.

"Mahalaga pa ba yun? Ang gusto kong marinig ay kung tunay yun" Seryosong sabi ko habang diretsong nakatingin sa malamig niyang mga mata. Hindi nya ko sinagot at iniba ang usapan.

"F*ck... Can you just shut up? I'm already tired from work, Nia." Sagot nya habang ginugulo ang kaniyang buhok.

I scoffed, Me? Shut up?, asawa ko ba talaga 'to? He clearly doesn't want me to get involved in his business.

Promises to be Broken (Available on Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon