DyOsA 1

54 13 28
                                    

DyOsA 1

Savannah Speaking;

    Nakaupo sa couch while doing my beauty rest. Yan ang ginagawa ko ngayon.

      Nanonood kasi ako ng tutorial kung pano mag make up pero hindi kona tinuloy dahil natural beauty lang ang taglay ko. I hate those things! Naku kung di nauso yang make up baka lahat siguro ng tao pangit but I'm an exception like duhh maganda ako nohh!

       "Ate nakita mo ba yung—Waaaahhh! Multoo!!!!"

   Pinulot ko ang aking stilleto shoe at binato iyon sa kanya. Gagoo! Ang ganda ganda ko tapos sasabihin nya multo??

     "Aray ko naman atee!" Daing nya habang kinakamot ang kanyang ulo na binato ko ng heels ko.

       "Ano ba kasi yang nasa mukha mo, Ate! Mag mumukha ka talagang multo dyan!" Saad nya atsaka kinuha yung remote saakin at nilipat ang palabas.

    "Gaga, It's Facial Wash Gian!" Maarte kong saad.

    By the way, Meet Gian my little brother. Well gwapo rin naman ang kapatid ko dahil namana nya saakin ang Good Looking Face like duhh. And yeah, he's only 8 years old. Matalino tong batang to' sayang nga lang di ko namana ang kanyang talino. Arghhh Pak That Shet!

     "Ate, by the way pinapasabi ni daddy na tayo na daw kukuha ng katulong so that hindi mahirapan si manang martha para maglinis dahil mag isa lang sya though." Sus! Ang sabihin mo kulang ng tauhan sa kwenta kaya nag dadagdag para masaya ang kwento ko. Anyway sinabi nya iyon nang hindi nya ako tinitignan at ang kanyang atensyon ay nakatutok lamang sa 68 inches Television namin. Oo pinagmamayabang ko ang aming Television dahil story ko to chee! Hindi sa ineendors.

     "Hoy Gian umamin ka nga, Bakla ka ba? Last time nakita kong madami kang mga action figure dun na puro—"

       "Oh I think they're here" pagpuputol nya sa aking sasabihin. What the EFF! Ang kapal nga talaga ng aking kapatid para dedmahin ako eh nohh?

  Binuksan nya na ang pinto at biglang bumungad saamin ang mga naka pilang mga— MAIDS???!!!!!!!!!!

    "Hoy! Gian bakit andaming mga katulong dito? Ba't sila nakapila? At anong gina—"

  "They here for the Job Interview ate, Di ba nga we're hiring katulong right?" Sabi pa nya at pinapasok na sa aming mansion ang mga hampaslupang tao. Tsk! Isa pa talagang dedma ng kapatid ko ay baka ihampas ko sa kanya ang english dictionary book. Kung maka english wagas ehh!

      Dahil demonyita nga ang bida sa kwentong ito or should I say my story ay nakaisip ako ng paraan. Well ako nalang ang mag-iinterview para maganda. Tsk!

    "Okay name?" Tanong ko.

  "Luzbemin—"

     "Next!" Sigaw ko ng hindi pinapatapos ang sasabihin ng babaeng to. Tsk! I hate those things, yung ang tagal tagal nilang sumagot arghhh!

      "Next Applicant!" Sigaw ng kapatid ko.

  "Okay, Isang Tanong isang Sagot, Bakit mo deserve ang maging isang katulong sa napaka gandang mansion namin?" Mataray kong tanong.

     "Kase po ma'am ehh magmula nung bata ako ay masipag n—"

   "Ehh kung masipag ka magmula nung bata eh bakit hindi ka pagod ngayon?" Mataray kong sumbat sa kanya.

      "Ehh kasi ma'am nag pupursigi po ako para sa aking pag aaral upang makat—"

  "Ehh kung nagpupursigi ka pala para sa pag aaral mo ehh bakit hindi ka nag take ng scholarship?" Napataas na lamang ang aking isang kilay.

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Where stories live. Discover now