Chapter 5

7K 202 4
                                    

"Sure ka ba na gusto mo talagang mag-stay sa dorm ng school niyo?" matamang tinitigan siya ng kanyang kapatid habang ini-impake niya ulit ang mga gamit niya at ipinasok iyon sa maleta niya.

Ngayon kasi siya nakatakdang pumunta sa dorm niya kung saan malapit lang ito sa school at pwede lang lakarin ito.

"Yeah. I'm fine with it. At isa ay ayokong madisturbo pa kita." aniya kay Sapphire na nakaupo lang sa kama nito saka nakamasid lang sa kanya.

"You are not a disturbance on me,Gab. You know that."

Nilingon niya ito saka ipinagpatuloy ulit ang pagsara ng maleta.

"I know pero gaya mo I want privacy too,Saph."

Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga nito.

"If you changed your mind you are welcome to stay here,Gab. You know that I want us to be together pero since I know you have decided already..." she said with defeat.

Pinatayo niya ang kanyang maleta saka lumapit sa kapatid at humarap rito.

"I'll be okay,Saph. You know me." nakangisi niyang sabi.

"Yeah sure little sis. I wonder when I will be finding what's behind your sleeve." makahulugang sabi pa nito.

Nagkibit lang siya ng balikat saka isinukbit na ang back pack niya.

"Teka,nainom mo na ba yung gamot mo?" tanong pa nito.

"Yeah.Tara na,ihatid mo na ako sa dorm ko." sabi pa niya saka nauna ng naglakad palabas ng pintuan. Sumunod naman ang kapatid niya saka sabay na silang bumaba ng building.

Actually ay excited siyang makapunta na sa dorm niya. Sabi kasi ni Ms. Gracia nang balikan niya ulit ito sa Registrar's office ay mag-isa lang daw siya sa dorm niya dahil sinadya talaga ito ng Papa niya. That's what she needed. To be alone and to have her privacy kasi nagagawa niya lahat ng gusto niya ng walang nagmamasid at naninita.


Dahil sa na-traffic sila ni Sapphire kanina ay around lunch time na siya nakarating sa dorm niya. Kanina pa siya nagrereklamo dahil may klase pa siya mamaya at tiyak mali-late na naman siya. She doesn't want to be known for being a late comer.

"Hi! I'm Gabby de Monteverde. I'm here to get my room key." bungad niya agad sa attendant ng dorm.

Infairness ay malaki nga ang dorm at isang liko lang sa kanto ay makikita na agad ang University.

"Ah ikaw pala ang transferee na sinasabi nila.Heto ang room key mo. Your room is #5 sa second floor." sabi pa nito.

"Thanks." aniya saka nagsimula ng umakyat sa hagdanan.

"Wala bang elevator rito?" narinig niyang sabi ni Sapphire na obviously ay nahihirapang tulungan siya sa pag-alsa ng maleta niya.

"It's not like malulumpo ka or mababali yang mga buto mo sa pagbuhat ng maleta ko."

"Kahit kailan talaga ang hard mo,Gabrielle Ayesha!" utas pa nito pero nginisihan lang niya ito saka nagpatuloy sa paglakad.

Pareho silang nakahinga ng maluwag ng nakarating na sila sa second floor. Luminga-linga siya sa mga rooms roon ng makita ang room number ay agad siyang naglakad palapit rito.

Ni-swipe niya ang key card saka bumukas ito.

"Wow! Your room here is better than my apartment,Gab!" bulalas ni Sapphire saka sumunod na ito sa kanya.

Infairness like niya ang kwarto niya.

Agad siyang naupo sa kama pero ang kapatid niya ay ini-eksamen ang kabuuan ng kwarto niya saka maging ang banyo.

Journey To Love [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon