K 9.

2.3K 111 49
                                    


Sharlene:

Hindi ko na magawang mag-salita pa habang kami ay nasa loob ng sasakyan nang mga oras na iyon. Pagkatapos ng eskandalong ginawa ko ay talagang ka-kailanganin pa ng daang taon para maka-move on ako.

"Hays." Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan habang nakatingin sa labas ng bintana. Ayokong tignan ang reaksyon ni Steven. Ikaw kaya ang kamuntikang maglabas ng dumi sa harapan nito ay paniguradong ayaw mo na rin lumabas ng ilang taon.

"It's not a big deal, it's normal." Napalingon ako nang mag salita siya.

Hay ano ba naman ito? Kahit na nakaka-bwiset ang urangutan na ito bakit minsan ay napaka-bait niya? Kaya lalo lang akong nahuhulog e.

"Nakakahiya 'yung nangyari kanina." Sabi ko habang pinamumulahan ng mukha.

"Wala namang nangyari na nakakahiya." Seryosong sagot nito habang nagmamaneho pabalik sa Memorial Sports Club. Tapos na siguro mag-golf ang magkakaibigan dahil trip nila ang tennis ngayon.

Hindi na kami muli pang nag-usap hanggang sa makarating sa paroroonan.

"Sharlene ano ba ang nangyare sayo?" Bungad sa akin ni Elise habang hawak ang phone na kakatanggal lang sa kanyang tainga.

"Kanina pa kita tinatawagan." Pag-aalala nito napanguso naman ako sa direksyon ng aming inuupuan na bench.

"Nakalimutan ko ang phone ko sorry."

"E bakit ba kasi nagmamadali ka kanina? Ano ba 'yung sinasabi ni Steven kay Nate na emergency?" Pag-aalala nito.

Hinila ko si Elise para lumayo sa kanilang lahat.

"Ano ba wag ka ngang masiyadong maingay. Nakakahiya na nga 'yung nangyare kanina."

"Alam mo Sharlene mas lalo lang akong mag iingay hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano ba kasing emergency iyon." Iriteble na sabi ni Elise. Ito talagang kaibigan kong 'to masiyadong highblood.

"Call of nature kasi 'yon." Bulong ko rito. Napanganga naman siya.

"Ahhh okay." Kasabay ng kanyang pag tango.

"Nakakahiya nga e. Na-utot ba namaj ako sa harapan ni Steven." Napangusong sabi ko na parang bata.

Pigil ang pag tawa ni Elise.

"Sige tumawa ka pa." Naiinis na sabi ko.

"Sorry naman. E kahit ako sa asawa ko mahihiya pa rin kapag nangyare iyon." Bulong nito.

"Girls okay lang ba kayo? Lets go." Biglang singit ni Rex. Uulan na pala dahil kumulimlim na at ang balak ay pupunta kami sa villa ni Nate malapit rito.

"Ayoko nang sumakay sa raptor mo." Sabi ko kay Steven nang akmang aalalayan ako nito. Ang taas naman kasi at talagang nalulula ako.

"At saan mo gustong sumakay?" Kunot noong tanong nito. Hindi naman ako nakasagot. Nakita ko na ang pag sakay ni Elise sa sasakyan ni Nate na kaagad na umalis. Si Rex at Cloud naman ay sumakay na rin sa Ferrari na kasunod lamang namin.

"Sa akin ka sasakay." Sagot ni Steven at binuhat ako para sumampa sa higanteng raptor nito.

"About sa nangyare kanina..." Hindi na ako pinatapos nito. Nasa biyahe na kaming dalawa kasunod lamang nila Rex.

"Forget about it." Sabi niya at siya namang pag-ulan ng malakas. Tila may bagyo at walang humpay ang pag-ulan. Nagloloko na talaga ang panahon. Kanina lang ang araw tapos biglang uulan ng malakas. Makulimlim din sa daan dala ng papagabi na.

Nang kami ay makarating sa villa ay kaagad namang binuksan ng ka tiwala ang malaking garahe para kami ay makasilong.

"Tsk badtrip. Paano tayo mag-iihaw sa labas e ang lakas ng ulan?" Inis na sabi ni Rex nang makababa ito sa kanyang ferrari.

Nang makababa ay kaagad kong chineck ang phone ko para lang makita ang update kay Josh. Kasama naman nito ang ina ni Steven kaya walang magiging problema.

"Tara movie marathon na lang tayo habang nag-didinner." Sabi naman ni Cloud na tuwang tuwa.

Mayroon palang mala-cinema sa malaking bahay ni Nate.

"No." Sagot ni Steven dito.

"It's a yes for me." Sabi ni Rex.

"Kung gusto niyo after na lang natin mag dinner." Sabi ni Elise.

Napatingin ako kay Steven. Naalala ko nga pala na ayaw nitong nanonood ng TV kapag kumakain sa paniniwalang nakakawala iyon ng respeto.

"Manang Linda?" Naglakad na si Cloud at hinanap ang mayordoma ng mansion.

"Tignan mo ang isang 'yon nauna pa talaga sa first." Kwelang sabi ni Rex sabay kamot sa ulo.

"Close na close talaga kayong apat ano? Si Cloud kasi ang kapal ng mukha e." Sabi ko. Hindi ko naman intensiyon iyon. Wala e, ganon talaga ako minsan mag salita.

Tumawa silang lahat maging si Urangutan ay lihim na napangiti pero nakita ko 'yon!

"Ang cute mo palang mag-joke." Sabi sakin ni Rex. Hindi joke 'yon!

Ngumiti ulit si Steven. Talagang pag ako ang ginigisa ay tuwang tuwa ang kutong-lupa na ito.

"Nakangiti ka ba?" Tanong ko kahit na kitang kita ko naman.

"Huh, hindi a." Sabay simangot ng urangutan.

"Nakita ko e nakangiti ka." Sabay ngiti ko nang malapad. Minsan sarap asarin e.

"Manang gutom na talaga ako!" Dinig dito ang malaking bunganga ni Cloud.

"Hindi nga sabi e." Suplado talaga ang abnormal na ito. Pabago bago ng mood akala mo babae.

"Edi hindi." Inis na sabi ko.

"Tara Shar kain na tayo. Mukhang iba ang timpla mo e makain mo pa ng buhay si Steven." Akbay sa akin ni Elise.

Aba lokong 'to. Pinag ti-tripan ata ako ng mga ito.

"Kahit maubos pa ang pagkain sa mundo hindi ko kakainin 'yan." Nagulat silang lahat sa lakas ng boses ko.

"Ano ang hindi mo kakainin?" Seryosong tanong sa akin ni Steven.

"Ehem..." Biglang sabat ni Elise sabay paypay sa sarili na parang naiinitan.

"Tara, ang init dito e. Baka mamaya may kasunod agad si Joshua a." Bulong nito pero narinig ko iyon.

"Elise naman!" Inis na sabi ko.

"Eto naman biro lang. Alam ko naman na malabong mangyare 'yon ano. Look, paanong masusundan e palagi nga kayong nag-sasabong. O baka, mamaya ibang sabong 'yan ano?" Ang lakas talaga ng tama nitong kaibigan ko.

"Alam mo kung hindi lang kita kaibigan baka tinahi ko na 'yang bibig mo. Pasmado e."

"Oy relax lang. Eto naman hindi na madaan sa biro."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Loves Me Not | STEVEN & SHARLENETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon