CHAPTER 2: Salazar

107 9 3
                                    

KAI'S POV

" I SAID WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!" Sigaw sa akin nung sinapak ko kanina.

"Eh Ikaw? Anong gina-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang....

"BWAHAHAHAHHAHAHAHAH" Tawa ng mga engot.

"Gago Boss Archer anyare sa mukha mo? HAHAHHAHAA" Saad nung Isang lalaki na medyo maliit sa akin.

"SHUT UP ANTHONY!" Sabi nitong Archer daw ang panglan bago tumingin sa akin.

"HINDI MO PA AKO SINASAGOT BABAE!" T*ngina ano daw?..

"Eh Hindi ka naman nanliligaw bat kita sasagutin ha?!" Lalong lumakas ang tawanan ng sabihin ko iyon.

"WHAT THE FUCK?! ANG IBIG KONG SABIHIN HINDI MO PA SINASAGOT ANG TANONG KO KUNG BAKIT KA NANDITO!!" ay yun pala hehe.

"Ahhh.....LINAWIN MO KASING UNGGOY KA!" Sigaw ko sa kanya.

"BAT KA NASIGAW HA?!" tanong niya sa akin.

"KASI NASIGAW KA DIN!!" Saad ko pero inirapan niya lang ako.

Bakla ata ng taon to mga beh sayang naman.

"Tumigil na kayo" Sabi nung isa hindi ko alam name niya eh hehe.

"Miss mas mabuting umalis kana lang sa Section namin." Saad nito.

"At bakit naman ako aalis aber?"

"Because YOU. DONT. BELONG. HERE." Ouch naman medyo na hurt ako dun ha medyo lang.

"Grabe ka ha! wala naman akong pakialam kung di ako belong dito!" Pero may paki talaga ako oo meron.

"BASTA UMALIS KANA DITO!"

"Hindi na siya pwede ilipat sa ibang Section Mr. Salazar" Sabi ni sir na kakadating lang mula ng umalis kanina.

"I already talk to the guidance counselor and I even talk to the Dean about this pero wala kayong magagawa kundi ang tanggapin siya sa Section niyo dahil Hindi siya pwede sa ibang Section because of her records." Mahabang Saad ni sir.

"DAMN IT! Kuya Ori! kung hindi mo kayang ipalipat yan ng Section edi ako ang gagawa!." Saad nito sabay punta sa upuan sa hulihan katabi nung sumaway saamin kanina.

"I'm sorry you have to witness that Miss Martinez." Tumango na lamang ako sa kaniya.

"I am Orion Salazar Section Sky's advisor and also Archer's Older Brother."

"Salazar?." Tumango lamang itong si sir sa akin.

Grabe yung unggoy na yun Kapatid pala ng adviser ng Section na ito tapos anak pa ng may-ari ng school kinakabahan na tuloy ako.

"Okay so Miss Martinez introduce yourself to the class." Umayos ako ng tayo bago magpakilala sa mga engot na alagad ni unggoy.

"Hi my name is Kai-"

"We're not interested" putol ni unggoy sa sasabihin ko.

"Mr. Salazar hayaan mo muna siyang magpakilala." Sabi ni sir habang nakatingin ng masama kay unggoy pero inirapan niya lang ang adviser aka Kuya niya.

Bakla nga ata to.

"I'm Kailina Xia Martinez , 17 years old." Pagpapakilala ko.

"Tsk! walang nagtatanong." Saad ni Unggoy. Taena talaga nito pag hindi na ako makapag timpi ibabato ko itong Bangko sa mukha niya!.

"Tumigil ka Archer! I'm sorry Miss Martinez you can take your seat now." Pero sir saan ako uupo? Yan gusto kong itanong yan Kay sir Kasi mukhang walang may gustong tumabi ako sa kanila.

"Sir! Dito nalang si Kailina!" Sigaw nung bansot.

"Oh there seat beside Mr. Zaragoza." Sabi ni sir bago ngumiti sa akin. Naglakad na ako palapit sa pwesto ni bansot at ramdam ko na ang mga mata ng mga engot ay sa akin nakatingin.

"Hiiii Anthony is my name! Hihi" gagi Kinder ata itong bansot na to.

"Don't mind him he's childish and crazy sometimes." Sabi nung isa pang lalaki, mukha naman siyang mabait.

"Grabe ka Tatay Nath! Hindi naman ako baliw eh!" Saad nung bansot na Anthony is his name daw.

"Whatever, Welcome to Section Sky Kailina, I'm Nathaniel Velasco the person who will take care of you." take care of me? Shuta kinilig atay ko.

"Landi pa more Tatay Nath pero susuportahan kita sa paglandi mo gusto ko na din Kasi ng Nanay." Put a tang in a glass naman oh gagawin pa ako nitong nanay niya?.

"So Nanay Kai" Nanay? grabe nagkaanak ako ng wala sa oras.

"Wag mo akong tawaging Nanay" Saad ko na ikinabusangot niya.

"Sige na nga Hindi pa naman kayo kasal ni Tatay eh" Parang gusto kong ipakain sa kaniya ang kamao ko.

"Eto ang tanong ko!"

"Eto ang sagot ko!" Sabi ko na ikininatawa nitong Nathniel ang pangalan.

"Na-Kai naman ehhhhh" Sumenyas ako na ziniziper ang bibig ko kaya't umayos siya ng upo bago magtanong sa akin.

"Bakit ka nasa Section namin?" Tanong nito.

"Bingi kaba Ant? Kasasabi palang ni sir ang dahilan kung bakit siya nandito." Saba't ni Nathaniel.

"Ay oo nga pala pero..... HINDI AKO BINGE TATAY!!" Sigaw nito ngunit biglang may lumipad na eraser sa mukha niya kaya napakaputi ng mukha niya ngayon.

"SINO MAY GAWA NITO?!" Pasigaw na tanong niya pero nagtawanan lang ang mga engot na kaklase niya...ay kaklase ko na din pala sila.

"It's me who did it, any problem with that Mr. ZA.RA.GO.ZA?!" Saad ni Sir kaya natahimik si Anthony.

"Wala po sir." Parang tutang Ani nito sabay upo sa sahig.

"Alam na kasing nagklaklase na ay nakikipag kwentuhan pa." Pagpaparinig ni Unggoy sa amin.
Tumingin ako sa kaniya bago siya irapan. Tsk! Paepal.

Mukhang kaaway ko na itong unggoy na ito tsk! Syempre sinapak ko eh pero Hindi ko yun pinagsisisihan assuming siya eh.

Masama ang kutob ko dito sa Section na ito Haystt! Bahala na wala akong choice kundi manatili dito, kesa naman Hindi mag-aral kahit hindi naman talaga ako nag-aaral hehe.

SOMEONE'S POV

Bagong Babae sa mga lintik na Section na yan

Haystt sayang sa Section Sky ka pa napunta ang ganda mo pa naman, kung sa Section ka namin inilagay edi sana nasa langit kana ngayon pero wag ka mag-alala pupunta tayo dun Kaso Hindi pa ngayon diyan ka muna sa Section Sky para mapamahal sila sayo bago kita gamitin bilang bait sa kanila.

Pero sa akin ka babae, akin lang ang katawan mo ang pagkatao mo Hindi pa kita masyadong Kilala pero mahal na kita kaya sa akin ka lang.

Ako ang unang aangkin sayo mahal ko Hindi ko hahayaan na sila ang Mauna sa akin.

Kukunin din kita gagawin kitang Reyna.

*****************

TBC.........

A/N:

Hope you enjoy it!

Sorry for the wrong grammar and typos because this is not edited.

Please Vote and leave a comment.

The Only Cloud in Section SkyWhere stories live. Discover now