𝟓

184 3 0
                                    

Amirah's Pov

Nang makatapos na akong maligo ay nag bihis na rin ako ng leggings tapos over size t-shirts lang para mahangin.

Bumaba ako dahil nagugutom na rin ako nakita kong nagagamot ng sugat si kuya daniel, lumapit ako rito.

"ako na kuya" saad ko dito "ha? Eh ikaw bahala" saad niya saka binigay saakin ang medical kit nilagyan ko lang ng alcohol ang sugat niya saka pinunasan ng coton at inikutan ang sugat niya ng bandage.

Nagulat naman ako ng may narinig akong putok ng baril sa sahig kaya nabasag ang tiles tiningnan ko naman kung saan yun nangangaling.

Nakita kong may hawak si alexander na baril at mukhang galit na galit ito, anong problema niya?
Nakita kong nakatingin si Alexander sa kamay ko na nakahawak sa braso ni kuya daniel kaya napabitaw ako.

"ahh!" napa sigaw si daniel dahil sa sakit bigala ko palang nabitawan ang kamay niyang may sugat "hala sorry kuya daniel hindi ko sinasadya" saad ko dito na natataranta dahil namimilipit sa sakit si kuya daniel.

"ayos lang, ikaw ayos ka lang ba hindi ka ba natamaan ng bala? " tanong ni kuya daniel "hindi naman po" nakita kong palapit ng palapit si Alexander sa kung nasaan kami.

Hinila naman ako ni Alexander papunta sa isang kwarto, hinawakan ko naman ang pulsohan kung nananakit dahil sa pagkahigpit ng paghawak niya saakin.

"anong ginagawa mo kanina" tanong ni Alexander na ngayon ay parang sasabog na dahil sa galit. "ginagamot ko lang naman si daniel " saad ko na parang konti nalang ay iiyak na ako.

"why do you always care for him?" tanong niya, syempre dahil may sugat siya alangan naman pabayaan ko siya "k-kasi may s-sugat siya eh " unti unting may tumulong luha ko.

"how about me?" tanong niya na nagpatigil saakin may sugat siya? "m-may s-sugat ka?" tanong ko dito hindi ko naman kasi napansin kanina dahil hindi ako makatingin sa kaniya kanina.

Tiningnan ko ito halatang kalmado na siya "gusto mo ba gamutin rin kita?" tanong ko dito tumango lang ito nasiyahan naman ako dahil hindi na siya galit.

"kukunin ko lang yung medical kit"saad ko saka lumabas na para kunin yung medical kit kay kuya daniel,kita ko namang nagamot na ang kaliwang braso niya.

Marahan kong kinuha ang medical kit sa katabi nito dahil mahimbing na natutulog ito ang cute niya nga tingnan.
......
IKSW 🫶🏻

𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐁𝐎𝐒𝐒 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #𝟐 : Mafia Boss Obsession Where stories live. Discover now