Epilogue

222 3 0
                                    

Epilogue 

One year later 

TANAW ni Glare si Mang Tasyo na tinatalian ng asul na laso si Blakey. Tanaw niya rin ang abalang mga tao sa malawak na garden ng Casa Soler. Nakahanda na ang mga upuan at lamesang may telang asul. Si Nana Anita naman ay hindi magkandaugaga sa pag-uutos sa mga tauhan tungkol sa mga kailangang gawin.

Ilang oras na lang ay magiging Mrs. Poseidon John Soler na siya. Isang taon ang ginugol nilang preparation dahil sa nangyaring pagtatangka sa kanya ni Simon.

Namatay ito nu'ng araw ring iyon. Si Natasha naman ay hindi niya na kinasuhan kahit pa tutol sa desisiyon niya si Poseidon. Wala namang ginawa si Natasha sa kanya. Minanipula lang ito ni Simon. Binigyan nila ng malaking halaga si Natasha upang magsimulang muli sa ibang bansa. Persona non grata na ito sa Heaven Land.

Grabeng iyak at hagulgol ng mga magulang niya nang malaman ng mga ito ang ginawa sa kanya ni Simon. Nagsisi si Dante sa pamimilit nito sa kanya. Si Amanda naman ay humingi ng tawad sa pagkukunsinti nito sa kanyang Daddy. Ang Lolo naman niya ay inatake sa puso at muntik nang maging kritikal ang buhay nito nang malaman ang nangyari sa kanya.

Eksaktong sa araw na ito ang anibersaryo ng pag-atake sa kanya ni Simon. Ito ang pinili niyang araw ng kasal nila ni Poseidon hindi para alalahanin ang ginawa ni Simon kundi alalahanin ang pag-amin sa kanya ni Poseidon na mahal siya nito.

Napangiti siya sa naalala. Bago siya mawalan ng ulirat no'ng araw na iyon ay narinig niyang sinabihan siya nito ng "I love you". Akala niya noong una ay gawa-gawa lang iyon ng isipan niya pero laking gulat niya na inulit iyong sabihin ng binata.

Nang magkamalay siya sa ospital ay kakaibang kaba ang naramdaman niya. Sumakit ang puson niya kaya siya nawalan ng malay, bukod pa sa pisikal na sakit na ginawa sa kanya ni Simon. Nagmulat siya ng mga mata at ang una niyang nabungaran ay ang binata. Nakayuko ito at hawak-hawak ang kaliwang kamay niya.

"Poseidon," namamalat niyang tawag dito.

Umangat ang tingin ni Poseidon sa kanya at bakas ang antok at pagod sa mga mata nito. Unti-unti rin iyong umaliwalas.

"Oh, god, Heaven. Tinakot mo ako nang husto," nakahingang-maluwag na sabi nito.

Nakita niyang nasa malinis na silid siya at agad niyang naalala ang anak nila. Umahon ang kaba sa puso niya.

"Kumusta ang baby natin? Anong nangayari? Okay lang ba siya?" sunod-sunod niyang tanong at halos mag-panic na siya.

"Sshh..." malumanay na awat nito sabay sapo sa pisngi niya.

Hinalikan ni Poseidon ang pisngi niya at pagkatapos ay ang kanyang labi.

"Huwag kang mag-alala. Okay kayong pareho," alo nito sabay halik muli nang magaan sa labi niya. "Dala lang ng stress kaya sumakit ang puson mo."

Napaluha siya sa narinig. Ligtas sila ng anak niya! May umahon na tuwa sa damdamin niya.

"Sshh... stop crying. You're fine," alo ulit nito sabay punas sa pisngi niya.

Umiling siya at humikbi.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling may nangyaring masama sa anak ko."

"Anak natin," pagtatama nito.

Tumango siya. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito. Ramdam niyang mas tumutubo ang mga facial hair nito.

Rancho Soler (Heaven Land Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon