XI. Kind of a no

59 51 17
                                    

11

I immediately entered Okadah Restaurant. Iniisa-isa ng mga mata ko ang bawat table pero walang kaluluwa ni Denver ang nahagip ko.

I opened my bag and grab my phone. I was about to dial his number but I stopped when I realized that they must be done eating. Ilang minuto rin kaming naglaro at magbeyahi papunta dito.

Binalik ko ang phone sa aking bag. Ba't nga din ba ako agad-agad na pumunta dito? It feels like it's not me anymore.

I pushed the glass door and went outside. I was about to enter into my car when I heard a familiar voice calling my precious name.

"Xia?" My heart suddenly beat faster than its usual rate when I turned my head and saw Denver dressed in a formal black suit. He was walking in my direction and stopped in front of me.

"What?" I crossed my arms and placed it underneath my chest. Tinaasan ko rin siya ng aking kilay.

"I know you'd come." I rolled my eyes. Masyadong confident.

"Since you are here, I assume you agree to be my fianceé," he added. Both hands were in his pockets while staring at me. Tumingin ako sa ibang direksyon na may masamang titig.

"I don't agree. Kaya nga aalis na ako," mataray ko na sagot sabay balik sa kanya ng paningin ko. I just came here to know that, ugh nevermind.

Tumalikod ako at bubuksan na sana ang kotse nang magsalita siya na nagpa-init lang sa tenga ko.

"You just need to pretend." Humarap ulit ako sa kanya na may mala dragon na itsura. This is the second time he mentioned that word and my answer is still the same.

"No," ma awtoridad ko na sabi at pinandilatan ko siya ng mga mata. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero agad niya itong pinutol ng ipako niya sa ibang direksyon ang kanyang paningin at napabuntong-hininga.

"Then why are you here?" Napalunok ako ng laway. Hindi ko rin alam. Dinala lang ako dito ng mga paa ko.

"Kapal. M-may iba kaya akong pinuntaha—" Naputol ang sasabihin ko nang may pamilyar na presensya ang lumapit sa amin at sumingit sa usapan kaya nalipat ko sa kanya ang aking atensyon.

She was wearing a black formal dress and the slit on the left side exposed her snowy skin.

"Ms. Azarcon? Are you my son's girlfriend?" The president of our university asked. Her face shows no sign of aging, in contradiction to her age.

Halos ma estatwa ako sa tanong niya pero hindi ko pinahalata. Napatingin ako kay Denver, nagbabakasakaling may balak siyang siya nalang ang sumagot, but no. His mouth remained glued. Kaya napatingin ulit ako sa mommy niya.

"No, ma'am. Excuse me." I said while moving my eyes back to him as I open my car's door.

They watch me enter into my car. Honestly, I felt sad for him. Gusto ko man magsinungaling sa mommy niya at pagtakpan siya pero hindi ko kaya. I started the engine and leave them behind.

I just let my hands maneuver the wheel and the next thing I know, I am already in front of the blonde girl's house. Pinapalo ko ang manobela dahil bakit dito pa. I hate how my unconscious mind brought me here.

Pinark ko sa gilid ng bahay ang kotse. Hindi ko talaga pinasok dahil baka ito na naman ang pagtrippan, and besides, kukunin ko lang naman ang mga gamit ko dahil babalik na ako sa totoo kong bahay.

I went straight to the house. Pagbukas ko sa pinto ay bumungad agad ang mukha nilang lahat na nakaupo sa couch ng living room at masasayang nanunuod ng Netflix.

Lahat ng tingin nila ay napunta sa akin pero dahil sanay na ako sa ganitong atensyon ay hindi ko na sila pinansin at diretsang umakyat sa kwarto ko.

I was about to close the door of my room when someone blocked it.

Nang tignan ko kung sino ang humadlang, ang dalawang mag-asawa pala.

"What?!" mataray ko na tanong sabay taas ng aking kanang kilay.

"Ang spoiled brat ng babaeng yan. Di pinalaki ng maa—" Mahina siyang hinampas ni Tita sa kanyang binti kaya siya biglang natahimik at iniwan kaming dalawa sa kwarto.

Sinundan niya ng tingin ang kanyang asawa na bumaba sa hagdan at nang hindi na niya ito matanaw ay binalik niya ang kanyang tingin sa akin.

"Nak, sigurado kana ba dyan sa fianceé mo? Gael is much better. Mabait naman ang batang yun. Just give him a chance." Lumapit siya sa akin at huminto sa harap ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at nakipagtitigan. Give him a chance? Halata nga sa mukha ng lalakeng yun kanina na napipilitan lang din.

I rolled my eyes.

"Stopping calling me anak o nak and stop forcing me into marriage too. I don't like it." Tinanggal ko ang kanyang kamay at tumalikod sa kanya.

Kinuha ko mula sa cabinet ang mga dala kong gamit at nilagay yun sa Chanel bag ko.

"Ba't ka nag-iimpake? Saan ka pupunta?" Nang maipasok ko lahat ng gamit ay sinabit ko ang strap nito sa aking balikat saka siya hinarap.

"Uuwi sa totoo kong bahay. Any problem with that?" sabi ko bago siya nilampasan. I don't want to stay in a place where I don't want to be. Besides, I can manage my own so why not leave?

"Walang aalis!" she yelled. Her voice exactly sounded like a roaring lion which made me stop. Napalunok ako ng laway.

Mom never ever dared to do this to me while this girl who just carried me for nine months and threw me away got the nerve to raise her voice. Napakuyom ako ng malakas sa aking magkabilang kamay. If only I could throw my punch at her.

"And who are you to stop me, TITA?" binigyang diin ko ang salitang Tita para ipamukha sa kanya na kailan man ay hindi ko siya tinuturing na totoong magulang.

Hindi ko na hintay ang kanyang sagot at diretsang nag marcha na pababa sa hagdan. Pinagtitingan ako ng mga anak nila pero, as usual, ay hindi ko na iyon pinansin at dumiretso na akong lumabas sa gate.

Sa kanila nalang din yung BMW ko. I wouldn't mind giving one of my baby cars to the needy. A donation makes the rich, richer.

Padabog ako pumasok sa Lamborghini. I immediately drove the car away, going to my real house.

I'm Not Ready To Be AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon