XVII. Queen

55 49 17
                                    

17

"Ma'am, saan po ba tayo pupunta?" Huminto ako at nilingon siya. She's hugging her books closed to her chest. Kung hindi sana siya nakarinig sa usapan namin ni Denver, edi malayang estudyante sana siya ngayon. Making her my assistant is the only way I can assure that she'll never spread rumor about us. Besides, need ko rin ng assistant so why not?

"Drop that formality, Thea." Binalik ko ang aking atensyon sa bagay na nasa aking harap. I pulled the handle of my car's door and went inside. After a brain draining exam, I need to relax for a while.

Pumasok din siya sa sasakyan ko at umupo sa katabing seat.

"We're heading to Clark International Speedway," I said.

"Po? Ano pong gagawin natin do'n?" I started the engine and turned the steering wheel. Tumingin ako sa likod para wala akong masagasaan habang nag-babacking. Nang mailabas ko na sa parking area ang sasakyan ay saka ko pa siya sinagot.

"Speed racing," tipid ko na saad.

I pressed the accelerator, making her hold tightly to her seatbelt and her seat.

Wala masyadong mga sasakyan ang nasa daan kaya malaya akong nagpaharorot na parang nasa karera. Good for me walang mga enforcers at police na nag momonitor ng over speeding. I just want to peacefully reach my destination without any confrontation.

In no time, we are already in front of CIS. Pinasok ko ang sasakyan at hininto sa may lalakeng nakatayo.

I lowered the window beside me. Tatanongin ko sana siya, pero bago ko pa mabuksan ang aking bibig ay may nakita akong pamilyar na pigura sa di kalayuan na nakasuot ng pulang speed racer costume that made me change my mind.

I didn't bother him asking anymore and drive closer to the girl I saw. Pinark ko sa gilid ang sasakyan, tinanggal ang seatbelt, at bumaba.

Everyone shifted their attention to me as I walked toward Angelica.

Nakatalikod siya mula sa akin pero nang mapansin niya na nakatingin kadalasan sa kanyang likod ay lumingon siya para suriin kung anong meron.

"Oh, it's you, long time no ride, Xia." Humarap siya sa akin habang naka-kross ang kanyang braso at nakasandal ang kanyang balakang sa saksakyan.

I smirked.

"Miss your greatest opponent?" She sarcastically laughs.

Angelica and I used to be friends, but enemies in racing. Ngayon enemies nalang wala ng friend.

"Let's go on a match. We'll see who's still the best." Oh, please. Ako pa hinahamon niya.

"Deal."

Hinanap ko ang manager ng CIS at nakiusap na gagamitin ang race circuit. Since he knew me, agad siyang pumayag at pinapili nalang ako ng race car na aking gagamitin. I chose the blue colored one dahil naunahan na niya ako sa red.

"Ate Xi, di mo na ito ivo-vlog?" tanong ni Thea. Sa lahat ng parte ng buhay ko, ito ang hindi ko kaya ibalandra sa publiko. It's not that I'm ashamed of it, but I'm worried that mom might see it. Pinagbabawalan niya ako nito dati pa.

"No." Pagkasabi ko nun ay umalis na siya sa tabi ko at nanatili sa gilid nanunuod.

Bago ako pumasok ay nagkatitigan kami ni Angelica. Her eyes were fierce which made mine fiercer. Of course, ayokong magpatalo. After closing the car's door, I focused on the road. I then placed my hands on the steering wheel, waiting for the go sign to happen.

Ilang minuto lang ay nakita ko na ang green flag na mabilis binaba. Without any hesitation, I immediately slam on the gas pedal and take off. I made it to the 3rd turn as the lead.

Nang lumingon ako sa aking kanan ay halos magkasabay na kami ni Angelica. To get ahead of her, I pressed the accelerator after passing the 5th turn.

An electrifying feeling gushed through my veins making me more determined to win. For the last 4 years, ngayon lang ulit ako nakapag drive ng walang inaalalang over speeding violation. I tightly hold the steering wheel and maneuver it skillfully to cross the 6th and 7th turn.

The race gets rough on the 11th turn dahil sunod-sunod ang lilikohin. My hands and my feet seem to have their own brain dahil kusa nalang nilang minamaniho at pinaapakan ang pedal, without me thinking much of it. After being the lead, she still managed to get even with me.

She gave me a smirked before leaving me behind. Tsk. Akala niya siguro siya na ang mananalo.

I set the car to its maximum speed and it feels like I am watching a movie without a clear ending, bitin, dahil parang isang segundo lang nasa finish line na ako, and I still want more of this.

Sumunod na dumating sa finish line si Angelica. I turned my head to her direction and gave her a smirked to make her annoyed, saka ako lumabas sa sasakyan.

"Congrats. Congrats din sa inyo ni Denver. I heard that he's courting you. Kawawa naman ang mga friends mo dyan," saad niya habang naglalakad papalapit sa akin at huminto sa harap ko.

My eyebrows lowered. Saan naman kaya nakahanap ng tsismis ang babaeng ito?

"Another sacrificial lambs. Ano kaya magiging reaksyon ni Roxanne kung buhay pa siguro yun?" My palm formed a fist but I remained paralyzed.

"Guys, attention! Oh, Thea my friend, dali iopen mo ang camera at ivideo mo itong grand revelation." She gathered the attention of all at pinalibutan na nila kami ngayon, naghihintay sa susunod na sasabihin niya.

Nanghihina ang mga tuhod ko. Gusto kong tumakbo papalayo dito pero wala naman akong lakas na igalaw ang aking mga paa.

"Alam niyo bang si Xia Azarcon ay may kinababaliwang lalaki dati? Dahil sa lalaking yun nagawa niyang pabayaan ang kaibigan niya. At alam niyo ba kung ano ang nangyari sa kaibigan namin na yun?" Tinuon niya ang kanyang atensyon sa mga nanunuod.

"Namatay." Sabay balik ng paningin niya sa akin.

"Pinakiusapan siya ng kaibigan namin na samahan siya sa dorm, pero hindi niya ginawa. Nakipag-date lang siya. At ito pa, she promised to not be involved in any relationship pero—" Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay pinutol ko na.

"SHUT UP, ANGELICA!" malakas ko na sigaw. Parang nabuhay uli ang liyon na nasa aking katawan.

"Ikaw nga, nangako ka sa sarili mo na tatalunin mo ko. Nagawa mo ba?!" Hindi ko na hinintay ang kanyang isasagot at dumiretso akong nagmarcha sa kotse.

Agad ko pinaharorot ang Lamborghini at umalis na doon.

•~•~•~•~•

Tahimik kami ni Thea sa loob ng kotse hanggang sa hindi ko na mapigilang itanong sa kanya ang bumabagabag sa aking isip.

"Sinabi mo?" kalmado kong tanong.

"Po?" Hininto ko ang sasakyan at tinignan siya ng masama.

"Sinabi mo ba kay Angelica ang mga narinig mo?" Napalunok siya ng laway.

"H-hindi. Nandoon din po kasi siya sa room na yun, binubully ako hanggang sa dumating kayo." Sarkastikong tumawa ako ng mahina habang binabalik sa daan ang aking atensyon.

I'm Not Ready To Be AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon