99

125 5 0
                                    

As soon as Emma buckled her seatbelt, her heartbeat began to race. Feeling niya, parang lalabas na 'yung puso niya sa dibdib niya sa sobrang kaba. On the other hand, Travis casually inserted the key while humming.

Napalingon ito kay Emma kaya agad na may pumormang tipid na ngiti sa labi ni Emma para takpan ang kaba na nararamdaman. Hindi na rin nila sinabay si Emmanuel dahil sumama na ito sa mga kaibigan niya habang suot-suot ang ID ni Emma para makapasok sila.

Mayamaya ay pinaandar na rin ni Travis ang kotse. He is driving smoothly, hindi siya nakikipagkarera o nakikipag-overtake sa ibang sasakyan. Kalmado lang at kumakanta pa habang iniikot ang steering wheel.

"Nga pala," panimula ni Travis.

Emma looked at him to give her full attention, habang si Travis naman at nanatili sa daan ang tingin.

"Baka sa backstage kami mamaya hanggang hindi pa kami tumutugtog. Pero kapag tapos na, pwede na raw pumunta sa audience." deretsong saad nito.

He gave a quick look at Emma, at ibinalik din agad ang tingin sa daan. Emma nodded as she processed what Travis just said. At least, mababawasan ang kaba niya dahil may oras pa siyang pag-practice-an ang sasabihan niya.

Travis went back on singing until they reached the university. Naunang kumalas ng seatbelt si Travis at dali-daling bumaba upang pagbuksan si Emma. Travis offered his hand, na agad namang tinanggap ni Emma at bumaba ng sasakyan.

Pumadyak ito sa lupa nang makababa para mawala ang gusot sa kaniyang pants. Emma's wearing a faded high waisted pants and a black tube. Hindi niya naisip na malamig pala ang simoy ng hangin sa kaba. Habang si Travis naman ay naka-black long sleeved polo at fitted faded jeans, paired with his low cut black converse shoes, na pareho sa suot ni Emma na black high cut converse shoes.

Travis went to his car and opened the door to get his guitar. Sinara niya ulit ito at lumapit na kay Emma. Sabay silang naglakad patungo sa Elf's park.

"Can I hold you?" Rinig nitong tanong ni Travis na hindi niya na mabilang kung pang-ilan na ba iyon.

Emma faced him and tilted her head, then smiled.

"Of course, ilang ulit mo nang tinanong 'yan." Emma replied.

"Consent pa rin dapat," angal nito kay Emma na hindi niya na lang sinagot dahil mauuwi na lang sa kung ano-ano ang pagde-debatehan nila kapag sinagot niya pa.

Travis chuckled and placed his hand on Emma's shoulder, habang naglalakad sila ay may nadadaanan silang Christmas lights na nakasabit sa sanga ng puno, sign na papalapit na talaga ang pasko.

They continued walking until they reached the stage. Sabay silang huminto nang marating ang stage and they both faced each other.

"Una na 'ko," pagpaalam ni Travis sa kaniya, Emma nodded.

Travis gave him a tap on her shoulder before going to the backstage. Naglakad na ito patungo sa pinto, ngunit lumingon ulit kay Emma at kinawayan siya. Emma waved back at him, a beam was formed on her face, seeing Travis reassure him that he will be back later after the performance.

When she saw him entered the stage, she immediately opened her phone and text Maevril to ask for a company. Mayamaya ay may tumatawag na sa kaniya at nakitang si Maevril ito, kasama si CJ.

Ride HomeWhere stories live. Discover now