KABANATA 1

19 1 0
                                    

At sa paglisan ng araw, akala'y 'di ka mahal

At ang nadarama'y hindi magtatagal

– Ikaw Lang, NOBITA

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 𝟏

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 𝟏

[ 𝘈𝘕𝘎 𝘗𝘈𝘎𝘒𝘈𝘒𝘈𝘛𝘈𝘖𝘕 𝘕𝘈 𝘔𝘈𝘉𝘈𝘎𝘖 𝘈𝘕𝘎 𝘓𝘈𝘏𝘈𝘛. ]

Nagbabago ba ang tadhana?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagbabago ba ang tadhana?

Nakakapagtaka sapagkat iyon ang namumutawing damdamin na nararamdaman ni Seyu ngayon.

Nagbabago ba ang tadhana?

Para sa taong katulad n'ya, alam niyang wala siyang karapatan magtanong ukol dito. Hindi siya karapat-dapat na magtanong tungkol sa tadhana. Hindi karapat-dapat ang isang katulad niya na kalabanin ang Maykapal tungkol dito.

Ang Maykapal. Totoo ba siya? Kung ganoon. Bakit ganito na lamang niya tinalikuran ang kanyang anak? May pait at hinanakit parati ang puso ni Seyu kada naririnig ang salitang iyan. Ganoon ba siya makasalanan para paglaruan nang ganito?

Alam niyang hindi siya karapat-dapat. Pero bakit kailangan humantong sa ganito.

Hindi siya karapat-dapat managinip ng maganda, pero bakit kailangang mag pakita ng isang bangungot pagkatapos ng isang magandang panaginip?

Hindi siya karapat-dapat mangarap, ngunit bakit kailangan ibigay sa kanya ang kanyang pinapangarap nang hiram na oras lamang?

Alam niyang makasalanan siya. Alam niyang nagdanak ang dugo sa kanyang kamay. Ngunit bakit kailangan gamitin ng Panginoon ang taong iyon upang mas lalo siyang pahirapan?

"Seyu." Bulong ng isang tinig na halos humahalo sa simoy ng hangin. "Seyu."

Kung hindi lang niya kilala kung sino ang may ari ng boses na iyon ay baka tumalikod na lamang siya at lumayo.

Sa Ilalim Ng Limang Daang BItuinWhere stories live. Discover now