KABANATA 2

12 0 0
                                    

Sa isang iglap ay nabitawan
Lahat ng kinatakutan
Nung tumingin ka sa akin

— Kita Na Kita, Moira Dela Torre

— Kita Na Kita, Moira Dela Torre

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 𝟐

[ 𝘏𝘜𝘞𝘈𝘎 𝘒𝘈 𝘕𝘈 𝘉𝘜𝘔𝘈𝘓𝘐𝘒 𝘚𝘈 𝘕𝘈𝘒𝘈𝘙𝘈𝘈𝘕. ]

Kung tatanungin ang heneral kung ano ang pinakahuling taon sa buhay n'ya kung kailan s'ya naging masaya

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Kung tatanungin ang heneral kung ano ang pinakahuling taon sa buhay n'ya kung kailan s'ya naging masaya. Siguro ang taong 1881 ang maisasagot n'ya sa nagtanong. Hindi lang dahil dito n'ya naranasan kung papaano mapahalagahan ng pamilya niyang mataas ang tingin sa kan'ya, kahit labag sa kalooban n'ya ang katuwaan nila (pero natutong mapalagay dito ang batang Seyu) na parang peke parin naman.

Pero dahil sa taong ito ay natutunan n'ya ang totoong kahulugan ng pagibig. Ang tipong pagibig na hindi basta-basta lamang naiintindihan sa madaliang Tagalog.

Dahil ito ang pagibig na nagbukas sa puso't mata niya na... Ganito pala...

'Ganito pala ang pakiramdam kung saan may paraiso kang gustong ipaglaban.'

Dahil sa pagtama ng mata nila sa isa't-isa ay may nanaig na damdamin sa puso ni Seyu na ibang-iba sa ibang natipuhan niyang lalaki dati.

Para bang... Ang damdamin na ito...

Para bang magtatagal?

Pero parang ito din ang magdadala kay Seyu sa kapahamakan.

"Ayos na ba ang gamit mo para sa iyong pagaaral?" Ani ni Doña Guerra habang inaayos ang dadalhing pagkain ni Seyu sa kaniyang paaralan. "Tandaan mo, ang kaalaman ay ginagamit sa mabuti at tama, ah?"

"Alam ko, nay." Nakaupo ang walong-taong-gulang na si Seyu sa sahig, tila bang tutok na tutok sa ginagawa niyang pagsintas ng sapatos niyang para sa lalake naman.

"Kahit na hinayaan ka namin magaral sa ilalim ni Gurong Huelva hindi ibig sabihin nito ay magpa-padaskul-daskol ka na. Tandaan mo. Ang makitaang mali sayo at kakaibang kaalaman ay ang magiging sanhi sa pagbagsak ng apellido ng pamilya natin."

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Nov 06, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Sa Ilalim Ng Limang Daang BItuinOnde histórias criam vida. Descubra agora