GTCTL. 14 Birthday Final Part

16 0 0
                                    

WILSON'S POV

Inihain ko ang ginawa kong version ng Bibimbop sa table. Pati nadin yung Specialty kong Coffee Jelly. Paborito ko kase yun eh. 3 bowl ang ginawa ko. 2 para ngayong birthday ni Coleen at yung isang bowl ay para sa pang araw araw ko lang hahaha.

Nag taka sila sa Bibimbop na inilabas ko dahil dipa sila nakaka kain non. Si Coleen ang unang lumapit sa table at kumuha ng plato. Nag lagay sya ng isang cup ng kanin sa gitna at pinalibutan na nya ito ng mga gulay pati beef ang finale nya ay yung itlog sa ibabaw ng kanin. Take note 2 itlog ang nilagay nya since favorite nya yon hahaha.

Natatawa ako sa mga reaction ng mga kaklase namin dahil ngayon lang nila nakitang ganon katakaw si Coleen.

Sumunod na kumuha ay si Gabrielle. Hindi talaga papahuli ang mokong na to. Tinutulungan naman syang kumuha ni Coco ng mga gulay. After niyang kumuha ay nagsi lapitan nadin ang mga classmate namin. Sila Daddy at Tita Jean ay ipinag bukod ko na. Usually hindi kami nakiki sabay ni Daddy pag kumakain pa ang bisita. Hindi ko rin alam kung bakit hahaha. Basta naka sanayan lang namin ganon.

Habang kumakain sila ay ini ready ko ang videoke namin. Madalas kameng kumanta ni Daddy lalo pag wala kaming mga lakad. Naging bonding na namin ang pag kanta dito sa sala.

"Anyone?" Alok ko sa mga kaklase namin. Hawak ko ang 2 microphone at yung song book.

"Ako na mag bibinyag hahaha." It was Francess. Maganda siya pero boses tank build.

"Salang mo nga yung Ba't dimo pag bigyan." Inaabot ko sa kanya yung song book pero ako padin pinag salang nya ng kakantahin nya.

"Na friend zone kaba? Hahaha." Pang aasar ko dito.

"Gagu! Wag mo kong kausapin." Naka irap na sagot niya. Pikon hahaha.

"Sabe kase sayo wag kang aamin para close padin kayo eh." Tukso ko pa sa kanya.

"Namo ka talaga! Salang mo na!" Pikon na pikon si Frances sakin kaya tawa ako ng tawa. Francine ang name nya pero mas gusto nyang tinatawag syang Frances kahit di naman nya pangalan. Ewan ko anong trip nito.

Habang kumakanta si Frances ay kinuha ni Jady ang isa pang mic at nakipag duet. Hindi alam ni Frances na matagal na syang crush ni Jady. Usually sakin talaga nag oopen mga kaklase ko lalo about love life. Lage naman nila pinapakinggan ang mga payo ko ewan ko lang dito kay Frances at hindi nakinig. Ayan tuloy damang dama yung kanta. Maganda ang boses ni Daniel at nadala nya ang boses kargador ni Frances. Napapa tingin naman sa kanya si Frances.

"Frances si Jady nga pala." Panunudyo ko after nilang kumanta. Inirapan ako ni Frances at iniabot kay Jady yung mic.

"To naman ininis pa eh." Naka ngusong sabi sakin ni Jady.

"Luh? Hahaha bahala ka manuyo dyan." Iniwan ko si Jady at pumunta ako kay Amy na titingin tingin sakin kanina pa. Si Amy ang girlbestfriend ko since forever! But there's this one time na dinare kame ng mga kaklase namin kase lasing na kame that time. Mag kiss daw kame for 2 mins. At dahil naka inom nga. Ginawa namin yon ng walang alin langan. After that incident medyo nawalan na kami ng time sa isa't isa. Parang na awkwardan kami at dina kame nag papansinan. Actually last year lang pala nangyari yon kaya hanggang sa ngayon dipa din kame nag papansinan.

"Amy?" Tawag ko sa kanya. Susubukan kong ayusin ang pag kakaibigan namin.

"Y-yes?" Nakita ko sa mukha nya ang pagka pula at nautal pa sya."

" Don't you think this is the right time para pag usapan natin ang matagal na dapat nating pinag usapan?"

" Hmmm ikaw bahala. Okay lang naman sakin."

Gamble To Cross the LineWhere stories live. Discover now