Chapter Four

382 12 2
                                        

***

"Are you home na?" huli na nang mabasa ko ang text niya, I did all my night routine and ready na para matulog.

"Yes, kanina pa. Ikaw?" I saw him typing nang maseen ang message ko, andaming time ni Attorney para mag ig.

"Nakauwi na rin, I'll fetch you tomorrow morning?"

May lakad kami bukas dahil nag offer kami kay Mama na kami muna ang pupunta sa office ng Angat Buhay.

"Okay lang ba sayo? I can drive naman."

It's been a month since our trip in Palawan at mas naging komportable kami sa isa't isa. Minsan nag aaya siyang maglunch o di kaya hinahatid ako sa condo namin, recently lang din nalaman nila mama na magkasama na kami ni Vince sa office at close na ulit kaya palagi na rin nila akong kinukulit tungkol sa status namin. We're good Friends.

"I'll pick you tomorrow, wag magpuyat." Reply niya.

Pafall ka masyado, pag ako nahulog ulit tas di mo nasalo, sumbong kita kay Malens, choz.

"Goodnight."

———

"Ate Aiks, andyan na sundo mo" rinig ko ang sigaw ni Jill galing sa baba kaya dalo-dali kong kinuha ang bag ko at bumaba na.

"Kamusta kana Vince?" Naabutan kong iniinterview na ni mama si Vince sa sala si Jill naman nakikinig lang habang busy sa laptop niya.

"Okay naman po Tita, pasensya na po pala sa nangyari dati." Nahihiya pa si Vince humarap kay Mama.

"Ano ka ba, ako nga dapat ang humingi ng pasensya.." napatingin si mama sa akin, "kung hindi sana nangyari lahat ng yon, siguro buhay pa-"

"Ma, alis na po kami" pagputol ko sa sasabihin niya, ayokong pumunta sa ganong usapan at ayokong sisihin din nila mga sarili nila sa nangyari dati.

"Tara na Vince mat-traffic na tayo" Napatitig naman si Vince and Mama sa akin, I gave them assuring smile, okay lang po ang panganay niyu, kaya pa naman.

Mama nodded and I kissed her. "Sorry, ingat kayo, Aiks." Bulong niya

Vince also kissed my mom's cheek at may sinabi pa si Mama sa kanya pero hindi ko na narinig, we also bid goodbye to Jill.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Vince ng nasa loob na kami ng elevator. "Pasensya kana kay Mama ha na excite lang ata ng makita ka."

He faced me. "Ako ang dapat nagtatanong niyan, okay ka lang ba?"

"Uhm..Oo naman." I let out a heavy sighed to stop my tears.

"Come here." He held my shoulder para mayakap niya ako.

"I'm sorry." My voice cracked kasabay ng pagbukas ng elevator.

Hindi man namin napagusapan ng mahabang pahanon, pero alam ko na may parte pa rin sa aming dalawa na naghihinayang at patuloy na nasasaktan.

"Mahal, ikaw pa rin at ikaw lang. Kung ano man ang iniisip mo all these years, sana alam mong hindi kita sinisisi " Bulong niya habang nakayakap pa rin ako sa kanya, bumitaw na ako at nauna na nang lumabas.

Kaya ayokong nababangit ang topic na 'yon kase mahina pa rin ako, nandito pa rin ang mga what if's na gabi-gabi kong pinagsisihan at alam kong habang buhay kong pagsisisihan. Alam kong hindi rin sinasadya ni Mama mabangit kanina yon, dahil alam niya rin na ayokong pinaguusapan o inoopen sa kahit kanino man, kahit sa kanila.

"Deserve mo pa rin ba talaga ako Vince?" Nasa harap na kami ng kotse niya.

Alam kong for the past few weeks na mag kasama kami ramdam ko na gustong gusto ni Vince bumawi sa akin at ganon din ako sa kanya.

"Alam kong sinisisi mo pa rin ako sa gabing nangyari yon." Dugtong ko pigil na pigil pa rin ang mga luha.

God knows how miserable I am that night, hindi ko alam na napabayaan ko na pala siya, nawala siya dahil sa kapabayaan ko.

"Mahal, hindi lang ikaw ang nawalan at alam kong mas doble ang sakit non sayo, pero alam mo yung mas masakit hindi lang siya ang nawala sa akin kundi pati na rin ikaw." I saw a single tear fell from his eye.

"Ikaw na lang yung kinakapitan ko ng mga panahong yon, pero nung nakita ko sa mga mata mo na ayaw mo na at tuloyan ka nang bumitaw, nanghina din ako" Tuloy na siyang umiyak ganon din ako.

Ilang taon na pero ngayon lang namin napagusapan ang mga nangyari, kase ako mismo naduduwag na harapin siya.

He wiped my tears, and hug me again. Alam niyang nabukasan na naman ang sugat na matagal na naming pinipilit takpan.

"I'm sorry, let's go na." He let go of me and open the door of the car for me.

Habang nasa byahe tumawag din siya kay Mama na hindi na muna kami tutuloy sa office. Naintindihan din naman ni Mama kahit hindi namin sabihin ang dahilan.

I fell asleep sa byahe dahil na rin sa pagiyak kanina, pagkagising ko nasa isang kwarto na ako, his condo.

I roamed my eyes around at isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko ng maalala ang mga masasaya naming alaala namin dito, I also saw a picture framed in the side table. I touched it. I miss you, always and I'm so sorry, my love.

Biglang bumukas ang pinto bago pa kumawala ang nababadyang mga luha ko na naman. Binaba ko na ang picture frame at inayos ang sarili.

"Nagluto ako, your favorite." He said na nakangiti, to lessen the awkwardness I smiled too.

Lumabas na kami at naamoy ko kaagad ang niluto niya, adobo.

Isa sa mga nagustohan ko sa kanya ang pagiging magaling sa pagluluto, pati na rin sila Mama. Pagbusy si Mama at alam niyang stressed kaming lahat dati, padadalhan niya agad kami ng mga request namin na luto niya.

"Amoy pa lang ulam na" I giggle as I seated sa dining.

"Parang bata pa rin talaga." Natawa siya kaya hinampas ko ng mahina yung braso niya habang kinukuhaan niya ako ng kanin at ulam.

"Syempre baby mo" he looked me shocked kaya natawa naman ako sa reaction niya, kilig yarn?

"Ano ulit yon? Ulitin mo nga." Utos niya ng makakuha na rin ng pagkain niya, hindi ko siya sinagot at nagsimula ng kumain.

"Ulitin mo na kase, baby." Buong time na kumakain kami kinukulit niya ako, hanggang sa matapos at naghuhugas na siya ngayon ng pinagkainan namin. Sabi ko kanina ako na, sabi niya naman bisita niya ako, as if naman na hindi ako tumira dati dito.

"Ewan ko sayo, ihatid mo na ako pagkatapos niyan, lagot kana kay Mama kinidnapp mo na yung baby niya."

"Ay hindi ka na po niya Baby at hindi favorite na anak, kaya alam kong di kanya hahanapin." Natatawang sabi niya habang nagpupunas ng kamay, tapos na maghugas.

"Ah ganon, sige bahala ka dyan." Hinampas ko siya at tatalikod na sana para magtampo.

"Hey, di ka naman mabiro." He grabbed my waist and hug me from behind kaya natameme ako.

"Hindi ka man baby ni Tita, baby naman kita." He whispered and kissed my temple.

-🌷

How It All Started (Series 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя