Chapter Twelve

382 20 4
                                        

***

(Throwback, February 2015)

Weeks have passed and I'm now back at work, hindi naging madali ang lahat dahil marami akong dapat ihabol hindi lang sa trabaho kundi sa mga patuloy na nangyayari sa buhay ko.

Vince and I never had a chance to talk about our personal issue nitong mga nakaraang araw.  Ang hirap din magtrabaho lalo na at hindi kami okay o kung magiging okay pa ba kami.

I've been doing OT these past few days at ako palagi ang naiiwan dito sa office which I find peaceful, walang ingay.

Malapit na mag midnight kaya bago ako umuwi dumaan muna ako sa isang coffee shop malapit sa condo namin, bibili na lang ako ng coffee and snacks dahil hindi na ako nakapagdinner kanina, I was exhausted the whole day.

I went inside, walang masyadong tao isang student lang na nagaaral familiar din siya sa akin siguro dahil palagi ko siyang nakikita dito pagdumadaan ako.

I'm waiting for my order in front of their counter wala na akong balak umupo dahil uuwi na rin naman ako.

"Thank you po." I said when they served my order,  pagkatapos kong magbayad aalis na dapat ako hinahanap ko lang sa loob ng bag ko ang cellphone ko to text Mama.

Nalaglag pa ang wallet ko pero bago ko ito abutin mula sa sahig, may naunang pumulot dito and when I looked up I saw him, he handed me my wallet.

"Thank you." I whispered and before I turned around he grabbed my wrist.

"Let's talk...please?" He said and I just nodded kahit hindi pa ako nagiisip kung ano ba dapat ang paguusapan namin, pagod ako at walang gana para humindi pa.

Umupo kami kung saan malayo sa counter, kitang kita ang mga dumadaan na mga sasakyan sa labas ng shop kahit na hating gabi na.

"Let's just be quick, naghihintay si Mama sa akin sa condo." I said and also texted Mama na nandito lang ako sa cafe malapit.

"Let's fix this Aiks, hindi ko na kaya...hindi ko na kayang mapalayo sayo, Mahal." He reached for my hand pero iniwas ko ito.

I saw pain in his eyes, ako rin naman nasasaktan pero hindi ko na siyang kayang tingnan ulit nang walang nararamdang guilt at pagsisisi sa sarili ko.

Hindi na saya ang naramdan ko ng sabihin niya yon' kundi sakit, he's too good for me. Hindi ko alam kong deserve ko pa ba siya pagkatapos ng lahat ng mga nagawa ko, hindi ko alam kong maibibigay ko na ba ngayon ang mga hindi ko naibigay sa kanya dati.

"Vince... I'm sorry but let's end this." I whispered

"Aiks, hindi...hind—ayoko, Aika." He shook he's head.

"Vince please, ayoko na. Ayoko nang makita kang araw-araw na naghihintay sa akin at nasasaktan dahil hindi ko kaya...hindi ko kaya na maibigay sayo ang dapat binibigay ko." I covered my face so he wouldn't see me crying

"Tangina...mahal mo pa ba ako?" He swallowed hard and looked away.

"Vince...please, nasasaktan na natin ang isa't isa. Hindi ikaw ang problema dito, ako, at ayokong habang magkasama tayo unti-unti naman akong kinakain ng konsensya ko, Vince." I cried in front of him.

"Answer me, mahal mo pa ba ako?" This time he successfully reached my hand.

"Why can't you just let me go?" My voice broke.

"Fuck.." he whispered, trying to wipe he's tears away with he's hand. "Mahal na mahal kita, e."

"Oo, mahal kita...mahal na mahal kita pero hindi na yung pagmamahal na katulad ng dati. Mahal kita pero nasasaktan na natin ang isa't isa. I am so tired of everything, pagod na pagod na ako."

"Napapagod din naman ako pero pinipili kong wag bumitaw dahil ikaw ang pahinga ko." He's now squeezing my hand, afraid of letting it go.

"Vince...you don't have to. Aalis ako...alam mong aalis ako Vince kaya please let me go, bitaw na Vince...please"

Mas lalo akong naiyak ng pumunta siya sa gilid ko at niyakap ako ng mahigpit.

"No... please don't do this to me. Alam mong hindi ko kaya..." I reached for he's face dahil ramdam ko na rin na umiiyak siya habang nakayakap sa akin.

"I'm...sorry. Mahal na mahal kita at palagi kitang mamahalin, Mahal." I kissed he's hand na nakahawak din sa kamay ko.

"Kahit...kahit masakit at mahirap yung pagmamahal natin Aiks kaya ko namang tiisin, just... please don't leave me." He pleads kaya mas lalo ako nasasaktan, mas lalo akong nadudurog dahil nasasaktan ko na naman siya ulit.

" Tangina..Aiks, w-wag naman ganito, Mahal."

"I love you, but my love doesn't feel right anymore, hindi na ako masaya. I'm sorry, Vince." Marahas akong bumitaw mula sa pagkakayakap niya at tumayo na.

"Please...magsimula tayo ulit, Mahal."

"I can't look at you anymore," I looked away.

"Akala ko ba, sabay nating aabutin lahat?" He's lips parted.

"I'm sorry, Vince." I did not talk. Kinuha ko ang mga dala ko kanina, para umalis na.

"Mahal na mahal kita, Aika..but if letting you go means finding your happiness again, I will let you. Pero tandaan mo na hindi...hindi ako mapapagod mahalin ka. When our path meets someday, I hope you'll accept my love again, sana sa pagkakataong yon' nakikita mo na muli ang kasiyahan mo sa akin."

I nodded before walking away, when I reached the parking lot, I broke down. My knees fell on the floor as I covered my mouth to stop my sobs

Hindi ako lumingon dahil alam kong sa paglingon ko babalik at babalik ako sa kanya.

I felt dead and I just want to live again. Akala ko okay na ako, hindi pa pala.

"Aika" she held my hand to help me stand up.

"Mama" I cried on her chest.

She tried so hard to comfort me as I sobbed while she embraced me. I was so worn out from the anguish I was experiencing. I sobbed nonstop till my eyes were dry. I felt bare.

"I'm sorry, Anak. Everything we'll be okay soon, mahal na mahal ka ni Mama, Aika ko."

-🌷

———

A/N: Hi mga labs! Sorry for the late ud, medyo busy kase graduating na but I will still try talaga na tapusin 'to. Anyways, Happy Anniversary to our Hope and her guide, Vp Leni and Sec.Jess, labs na labs!!💗

How It All Started (Series 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя